Chapter 20

62 13 5
                                    

CSS 20| Deiry

"Ah, gago bakit ka sa akin nagtatanong ng ganyan?" Nakakunot noo kong tanong kay Xerxes. Nangingilabot ako sa mga topic namin. "Bakit ako?! Naranasan ko na ba maging bakla?! Hindi 'di ba? Kaya 'wag ako!" Asar kong sabi at napakagat sa tinapay.

"Maybe he's nervous on how to pursue Galatea since he has a competitor now.." Ani Gremory.

Kapag may kalaban talaga kahit ayaw mong gumawa ng paraan mapapagalaw ka. Ikaw ba namang biglang magkaroon ng kaagaw.

Xerxes frustratedly ruined his hair. Gone the hairclips, liptints, heavy eye shadows and other stuffs. "Ano ba 'yan..." Wala namang masyadong ganap sa buhay ko kaya puro problema ni Xerxes ang lagi naming pinag-uusapan.

Grade 11 na kami, as usual magkakahiwalay ng strands. Si Gremory sa GAS, si Xerxes sa ABM at ako sa HUMSS kulang nalang ay may mag TVL na sa amin para kumpleto na.

At isa pa. Another Tea. Kaya problemado si Xerxes ay dahil nagkiss sila ni Galatea sa harapan ng mga kaklase nito kanina tapos bothered na bothered siya ng aksidente niyang mahawakan ang eiffel tower kuno ni Zachariah-yung kaklase ni Galatea na gwapo. Ewan, bakit pa niya tinatawag na eiffel tower kung pwede namang ti--nevermind ang laswa pala.

Nagpatuloy ako sa pagkain. "Ayaw mo nun, 'di ba dati pangarap mo makakapa ng ganyan kahit meron ka naman? " Inis niya akong inambahan ng suntok-improving. "Oh, ako na naman. Bakit kasi hindi ka nalang umamin?"

Napatango-tango si Gremory. "Rossweisse is right. Kailan ka aamin kapag sila na nung Zachariah? Bahala ka, ikaw din naman. And for pete's sake stop bothering yourself about what happened. Stop comparing Zachariah's penis to yours. " Oo nga naman, bakit kaya niya kinukumpara parang timang lang.

Matunog itong bumuntong hininga. "Ewan!"

Tumunog ang bell sa Senior High buildings, nagmamadali kaming nagpaalam sa isa't isa. Agad akong sinalubong ng teacher naming masungit para sa subject na 21st Century. Mangangamote na naman ako.

Ngumiti ako ng alanganin kay sir na tinitigan lang ako. Patay... I scratched my nape and went to my seat as our teacher started to discuss. Kunwari'y nakikinig ako, patango-tango at pangiti-ngiti pa kay sir na nagsasalita pero ang totoo wala talaga akong maintindihan. Si Cleo nama'y kunwaring nagsusulat pero nagdra-drawing lang ng kung ano-ano--seatmate ko.

"Pre, may intrums niyan. Sali ka?" Tanong nito, na nasa notebook pa rin ang tingin para hindi kami halatang nagdadaldalan.

Tumango ako, kumuha pa ng panyo at kunwari'y hinarang sa bibig para hindi mapansin ni Sir. "Oo, gago ako pa ba." Ani ko.

"Lakas naman, lodicakes ano pustahan ulit sa kabilang strand?" Tanong niya.

Nagkibit balikat ako. "Ewan ko, baka siguro--"

"Mr. Victoria!" Nagulat ako sa biglang tawag ni Sir. "So, as I was saying during this period, Jose Rizal works such as Noli Me Tangere and El Filibusterismo were written to awake the mind of our countrymen. What period is it Mr. Victoria?"

Pinagpapawisan na ako ng malamig habang nakatayo. Hindi makapa kung ano ang sagot, tangina anong period daw? "Period? Ah! Period is a-a.. A-Ano.... Period is... " Napalunok ako at tinignan si Cleo na patay malisya. Pota. "When... Uh.. Cleo.. Uy.. Gago.." Tawag ko sakanya pero hindi ako nito pinapansin.

"Mister Victoria are you listening to the discussion? Simpleng tanong lang 'yan. Kakadiscuss lang natin." Halatang badtrip na ito sa akin. "Mr. Victoria I'll kick you in this class if you don't answer it."

Potaaaaa....

"A-Ano.." Help!

"I'll give you choices. Is it in Spanish period? American? Pre-Spanish or Period of Enlightenment?" Hindi ako makakibo nagmini-mini-mayni mo pa sa isipan. "Nakikinig ka ba talaga?"

Sitio Series 2: Capturing Scintillating Scenery Where stories live. Discover now