Chapter 9

70 15 12
                                    


CSS 9| Ego

Goodmorning, bibi.
How r u?
'wag kalimutang kumain ng almusal ah?
I love youuuuuuuuuuuuuuuuuu

I hit the send button, it's already 5 am in the morning. Maaga akong nagising dahil tutulungan ko pa si mama na magdeliver ng mga paninda sa palengke.

My bibi is surely exhausted yesterday siguro'y bumabawi ito ng tulog. Intrams went well and my bibi won as Miss. Intrums. Syempre, magtataka pa ba ako? My bibi is the most beautiful and brainy woman I know!

Nakita ko ang dala ni mama agad ko itong inagaw sakanya. “Kaya ko naman,” anito.

Umiling ako, “ako nga taga-buhat mo ma,” ani ko. Tumatagaktak na ang pawis. Ayos lang naman ang magbuhat ako. At saka grade 8 ako at 15 years old feat matangkad at hindi kapayatan dahil sa pagba-basketball kaya't easy as pie lang ang pagbubuhat. “Sa pwesto ba nila Aling Eva, Ma?” She nodded. Apat na kahon ng prutas, limang sako ng gulay ang idedeliver ko.

I'm not a typical boy. Hindi kagaya ng iba na mayaman, oo mukha lang akong mayaman pero kuripot ako. Hindi ko kasi gustong humingi sa kahit na sino, hindi ko alam. Siguro ego?

“Ang gwapo mo naman iho, may nobya ka na ba?” I blushed, parang tangang kinikilig. “Baka gusto mong asawahin Stella ko.” Aniya, kaya ang kilig ko'y nauwi sa ngisi at takot.

Ibinaba ko ang kahon at napatingin sa anak nitong si Stella. Ang kapal ng make up nito at parang anytime ay gagayumahin ako.

“Naku, meron na po.” Agarang sagot ko kaya't napasimangot si Stella. “Pasensya ka na, godbless.” Sabi ko sakanya ng magkatinginan kami.

Kung si Stella lang naman, 'wag nalang. Alam kong sinabi ng diyos na magmahalan pero kung si Stella sorry nalang po Papa God.

Wala na akong sinayang na oras at agad ng bumalik sa pick up truck namin ni Mama, baka kasi saan pa ako ireto ng mag-inang 'yon. Hirap talaga pag-gwapo, medyo pogi problems.

Abala si Mama sa pagche-check ng mga listahan. “Balita ko may nililigawan ka na raw?”

Gulat akong napatingin sakanya, “huh? Sinong nagbalita, Ma?” Kung sakalin ko kaya ang nagbalita. Napaka chismosa!

She shrugged her shoulders still looking at the paper. “Si Xerxes.. Basta 'wag mo papabayaan pag-aaral mo Rossweisse ah. ” Bilin nito, alam ko namang hindi ako pagbabawalan ni Mama pero hindi niya rin maiwasang isipin na magbulakbol ako at baka makabuntis.

Hindi ko 'yon gusto... Ayaw kong maging pabigat kina mama.

“Opo ma, kahit parehas lang kami na bobo ni Xerxes wala akong bagsak. Pero kung titimbangin mo talaga mas boplaks si Xerxes sa akin kasi ako alam ko ang endocrine system 'di kagaya niya na ejaculation daw.” Walang preno kong sagot.

Hanggat naalala ko ang katangahan ni Xerxes na 'yon nagiging confident ako na mas bobo siya sa akin.

“Ewan ko sa inyong magkaka-ibigan, kayo-kayo nalang naglalaitan pero kapag may kaaway ang isa sugod kayong lahat. ” Aniya.

Ngumisi ako, “ganoon talaga, ma..”

Mahaba ang biniyahe namin ni Mama, nagdistribute pa kasi sa bawat sitio. Sa Sitio Tirik Mata, Sitio Hiyaw Pa, Sitio Ibuka/Buka at iba pa maliban nga lang sa Sitio Nga-Nga dahil sobrang layo at wala kaming pagsusuplayan doon.

Sitio Series 2: Capturing Scintillating Scenery Where stories live. Discover now