Chapter 3

94 16 5
                                    


CSS 4| Crush


"Lutang.." Napabalik ako sa katinuan ng biglang may pumitik sa noo ko, sinamaan ko ito ng tingin. "Ang lutang mo, para kang tangang nakatulala." Anito.

I shrugged, "pakielamero." Sagot ko.

He rolled his eyes, "correction. Pakielamera dapat, with a sa dulo." Hindi na nga ata magiging straight si Xerxes, talagang niyakap na nito ang dugo niyang berde. Wala namang kaso 'yon, kung saan siya masaya edi 'yon ang sundin niya. Hindi naman kasi mababago ang katotohanang kaibigan namin siya porket naiiba ang sekswalidad.

Sadyang tanga-tanga lang ang mga taong may toxic na mindset. Lalo kapag hindi sila nagbabago? Yung aware sila na mali pero pinipilit pa rin? Ewan, bakit kaya may ganoon.

"Okay class, " napatingin ako sa harapan. Nakangiti si Ma'am Muldong. "We're going to play group yourselves or the boat is sinking." Naghiyawan ang mga kaklase ko't nagsitayo na, agad naming iginilid ang mga upuan para magkaroon ng maluwang na espasyo sa paglalaro.

Lahat ay excited na, maging ako. Syempre nakatakas sa reporting, quizzes ngayon. Enjoy, enjoy kumbaga. Agad akong lumapit kina Xerxes at Gremory na kapwa nakatayo at naghihintay kay ma'am na magsalita.

"Okay, but our game has a twist. " Nangunot ang mga noo namin, we eyed ma'am with so much confusion. "So, dahil math subject ang tinuturo ko. Magso-solve muna kayo bago maggroup yourselves. Pero kapag mali ang nasolve n'yo, automatic na out, or kapag nandaya. " She said, then with the projector she pressed something form the button.

Umani ng reklamo ang palaro ni Ma'am, akala ko naman makakaligtas na kami. Isa itong pighati, napakasakit, damang-dama ko ang hinagpis.

"Shet," mura ko ng makita ang isinulat ni ma'am sa blackboard. "Bakit may pa ganito sa the boat is sinking?" Reklamo ko sabay napakamot uli ng batok ng makita ang equation sa may black board. Ano ba 'yan malulunod ka na nga magso-solve ka pa?

Walang nagsisitakbuhan at nagyayakapan kasi lahat ay busy magsolve para ma group yourself na. Ako? Naghihintay lang naman na may magsolve para maisingit ko ang sarili ko sa ibang group, naks 'di ba? Bakit ko pa papahirapan sarili ko. Uso naman magtanong.

Given function: f(x)=x³-2x²+ 5x
Evaluate f(2)

Napatingin akong muli sa black board, bigla ata akong nahilo. I hate math, ipinanganak palang ako sa mundo hindi na kami magkasundo ng bawat numero. "Puta, pre.. Gremory pre, dalian mong magsolve, nakpata malulunod ako pre, dali pre!" Taranta kong sabi kay Gremory habang may hawak itong papel at ballpen, nagsosolve.

"Sandali! Madali ng madali!" Sagot niya sakin, pero sadyang siraulo ako at naglambitin pa sa binti nito. "Unggoy ka ba? Bitaw! Kay Xerxes ka manggulo!" Napatingin ako kay Xerxes na walang pakielam at nagliliptint lang sa may sulok.

"Tangina mo Gremory, gusto mong sabunutan ako non? Dalian mo magsolve!" Tarantang sabi ko ng makitang nagsisimula ng magbilang si Ma'am. "Punyeta pre, dalian mo! Hayaan mong malunod si Xerxes, lulutang naman 'yan kasi may suot na bra sa loob."

"Gago.." Irita nitong sabi sa akin. "10..." Bulong nito, napatayo ako sa pagkakalambitin sa kanyang binti.

Tinignan ko ang papel na pinagso-solvan niya. "Sampu?" Tanong ko, "baka scam 'yan. Sampu? Dami naman, hoy Gremory ayusin mo magsolve." Demanding kong sabi, earning a glare.

He lifted his hand and place it on his waist, animo'y isang nanay nananga-ngaral sa anak. "Given function,  f(x)=x³-2x²+ 5x. Evaluate f(2)," napatango ako, "our x is 2. So, we just have to subtitute na value of x which is two. It will be, f(2)=(2)³-2(2)²+5(2). " He explained.

"Tapos? Edi wow kung may subtitute." I joked around, binatukan niya ako. Napansin kong lumapit na sa amin si Xerxes at tahimik na nakikinig.

Gremory let out a heavy sighed, "f(2)=(2)³- 2(2)²+ 5(2). We have to multiply the first number, (2)³. Ibig sabihin, 2x2x2, not 2x3. So the answer will be (8) because 2x2=4, then 4x2= 8." Sabay kaming napa ahh ni Xerxes. "Then the second one, 2(2)² like what we did in the first we have to multiply it first (2)² is equal to 4 then, 4 multiply to 2  is equal to 8. Then the last 5(2), meaning 5x2= 10. "

"Ganoon pala 'yon," ani Xerxes.

Ngumisi ako, "feeling ko tumalino ako ng ka-onti. " Gremory rolled his eyes. "Tara, group na natin sarili. Putcha ayaw kong malunod!"

Taranta kaming naghanap ng pwedeng isama sa bangka, tutal sampong tao naman daw. Hanggang sa nagpatuloy ang laro at matapos. Syempre sino pa nga ba ang nanalo? Edi si Gremory. Certified Traydor, hashtag pighat, hashtag feel my hinagpis.

Kami kasi ang last three man standing, ako si Gremory at Xerxes. At syempre noong mag group yourselves na dalawa si Xerxes ang natanggal. At noong kami na ni Gremory, pinagsolve kami ng math kemerut kaya eto, sayang ang effort.

"Sabay na tayong magrecess," ani Xerxes, tumango ako. "Bumili ka, 'wag manghingi ah!" Anito, ngumisi ako..

"Hindi 'yan," sinamaan niya ako ng tingin habang si Gremory ay naghihintay sa may hamba ng pintuan.

Nagsimula na kaming mag-lakad, kami pa lang ang tao sa canteen. Maaga kasi kaming pinagrecess ni ma'am samantalang ang ibang section ay nagkaklase pa.

"Tara na––" nanlaki ang mga mata ko, muntikan na ring maitapon ang plastic cup na dala ko nang makita ang babaeng nakatayo sa loob ng classroom na dadanan namin.

Naramdaman kong kinalabit ako ni Xerxes, "uy, napano ka?" Tanong niya, I gulped unable to talk. I just stared at the girl, nahihiya ng  dumaan dahil naroon siya sa classrom. Shit. "Sino bang tinignan mo?" Sumunod ang tingin niya sa tinitignan kong tao, abala ito sa pagrereport pero may mumunti pa ring ngiti. "Crush mo? Hala ka, kilala ko 'yan. Si Ivory ng class B, ganda noh? Mukhang anghel pero syempre mas maganda ako." Anito, hindi ko siya pinansin.

Shit, malas pre. Back up, dadaan ako sa classroom nila. Maayos ba ang itsura ko? Wait, hindi naman ako siguro mukhang timawang engkanto ano? "Ayos ba mukha ko?" I asked Gremory who's busy standing beside Xerxes, nakatitig sa maliit nitong notebook, nagre-review na naman. "Uy! Need man support pre!"

He looked at me, his forehead creased. "Nothing changed, your face look like you're shitting but it didn't come out. "  Sa sagot niyang iyon, napatawa ng malakas si Xerxes dahilan para mapalingon ang ibang mga estudyante sa direksyon namin at maging siya.

"Gago ka Gremory!" Singhal ko, "tara na!" Ani ko, kunwari'y nakayuko akong dumadaan sa paligid, hindi pinapansin at iniiwasang tignan ang babaeng nagrereport sa harapan. Bakit dito pa kasi dumaan at isa pa, hindi ko alam na rito rin s'ya nag-aaral.

Malalagpasan na sana namin ang classroom ng biglang sumigaw si Xerxes dahilan para tuluyan ko ng mahulog ang plastic cup na hawak ko.

"MISS! HOY YUNG NAGRE-REPORT NA NAKA COMPLETE UNIFORM, YUNG LAGING NAKANGITI!" He shouted, the attention was on him. "CRUSH KA NG TROPA KO! LIGAWAN KA RAW LATER!"





Puta... Sobra naman sa pagka supportive..


﹌﹌﹌﹌
#Crush

Sitio Series 2: Capturing Scintillating Scenery Where stories live. Discover now