Chapter 6

80 15 2
                                    

CSS 6| Truth or Dare

“Hi Gremory! Goodmorning!” Napalingon kaming tatlo sa babaeng nakangiti ngayon at kumakaway kay Gremory. Papasok na sana kami sa gate ng bigla itong sumigaw.

“Kakilala niyo?” Tanong ko. Umiling si Xaxa si Gremory nama'y walang kibo. “Gremory?” Ani ko.

Umiling lang ito at itinuon na ulit ang pansin sa libro. Medyo nakaramdam ako ng awa sa babaeng 'yom dahil kahit napapahiyang ibinaba nito ang kamay ay nakangiti pa rin. Natigilan ako ng hilahin siya ng isa pang babae, hindi ito na kangiti. Straight face lang ito at mukhang masungit, nagkatinginan kami. Nagtayuan ang balahibo ko at natatakot na nag-iwas tingin dahil sa paraan niya ng pagtitig.

Mukha siyang masungit.

“Hayaan mo na, let's go,” sabay ulit kaming pumasok. Malapit ng magraduate sa grade 8 at magiging gr. 9 na hanggang sa makatapos ng highschool. Swerte at naging magkaklase pa kami pero malabong maging magkaklase pa kaming tatlo sa mga susunod na school year.

Ayos lang naman ang klase. Normal lang, si mama ay nagtratrabaho habang ako ang taga pamahala sa bahay dahil panganay at dahil ayaw ko na ring magkautang na loob sa tatay ko. Kami naman nina Gremory at Xerxes ay ganoon pa rin, si Xerxes ay nagiging ganap na ganap na babae at mukhang wala na itong balak maging straight habang si Gremory ay busy sa academics at quiz bee kung minsa'y tumutugtog ito sa school programs namin. Ayos lang naman ang grades ko hindi puro palakol pero ayos na. At kung usapang love life naman...

“Para kang tanga ngingiti mag-isa..” Sita ni Xerxes sa akin, inikutan ko siya ng mata.

Mayabang ko siyang tinignan na animo'y may ipagmamalaki. “Ganito talaga pag alagang late night talks at ka M.U,” he flashed a disgusting facial expression when he heard what I've said.

Naiiling itong naupo sa tabi ni Gremory na parang may virus ako. “Yuck, eww..” Aniya.

Nitong nakaraang araw lagi kaming nag-uusap ni Ivory, nag vivideo call basta mga normal na gawin ng mga M.U. Pero hindi ko naman kasi sure kung M.U ba talaga kami kasi alam kong ako lang talaga ang nagsasabing may mutual understanding kaming dalawa, nakakabakla man pakinggan pero oo, ako talaga, ako na lalaki.

Lagi ko ngang ipinagmamalaki kina Xerxes at Gremory ang status namin ni Ivory. Sila ang witness sa mga kagaguhan at kabaklaan ko sakanya. Pero hindi rin naman mawaglit sa isipan ko na paano kung bored lang siya kaya nakikipagchat sa akin almost everytime?

O baka naman may iba pala siyang napupusuan?! Huwag naman sa ganda niyang iyon at bait no wonder kung marami akong makakaagaw. Hindi sa nagmamadali pero gustong-gusto ko siya... Ewan, sakanya ko lang kasi 'to naramdaman. Na para bang bawal akong magkamali na dapat maayos ako lagi kapag siya ang kasama. Na para bang perfect ako para hindi siya ma turn off.

Napakurap ako ng mapansing nagpopormang bilog ang mga kaklase ko. “Truth or Dare tayo, wala raw si ma'am.” Rinig kong sabi ng kaklase namin.

Binalingan ko ng tingin ang dalawang katabi ko. “Sasali kayo?” Tumango si Xerxes, umiling si Gremory.

Excited pa ngang tumayo si Xerxes at parang donyang hinawi ang mga kaklase naming naka-upo na. “Tara na, last lang 'to 'wag kang KJ.” Sabay hila sakanya kahit minumura na ako. Magkatabi kaming tatlo sa malaking formation ng bilog. Sa gitna ay isang malaking plastic bottle ng coke.

Sitio Series 2: Capturing Scintillating Scenery Where stories live. Discover now