Chapter 7

77 16 5
                                    

CSS 7| As a friend

“Hina naman,” pagpaparinig ng punyetang baklang 'to. “Sabayan mo na sa paglakad. Alam kong miss mo na siya kahit one day lang kayong 'di nagchat..” Sabay ngumisi, pulang-pula ang labi niya. Kawawa magiging asawa nito kung magiging babae.

Baka imbes na taga suntok  sa mga tarantado eh, baka maging make up artist pa ng girlfriend niya...Kung magiging straight man.

Hindi ko siya pinansin, napahawak sa tumbler kong may lamang Tang Juice assorted flavor. Paborito ko kasi ang lasa at saka mura lang tig sampong piso. Akala nga ni mama na umiinom na ako ng alak. Ang hindi niya alam ay addict lang talaga ako sa lasa ng Tang, lalo na 'yong Tang Mango, ewan lang kung bakit nauuso ngayon sa social media na panget lasa nito mga tao nga naman nakikiuso lang.

“Intrums na, ang ibig sabihin kahit pa magkanda tago-tago ka at iwas hindi ka pa rin makakatakas dahil photographer ka ni Ivory sa pageant.” Itinaas baba nito ang kilay, nangaasar na naman. “Yieee, tapos lalaban ka ulit sa basketball.. Yiee, pakitaan mo..” Sabay sundot sa aking tagiliran, nasa labas kami ng room. Nakaupo sa bench habang tinitignan si Gremory na sineset up ang gitara nito dahil magpe-perform sila.

Hindi ko alam kung bakit kami ganito, I mean we're friends, kung nasaan ang isa nandoon ang dalawa. Saksakan talaga ng talento si Gremory, siguro kung wala lang kasabihan na “No one's perfect.” baka isa na si Gremory sa masasabi komg perpektong tao. Magaling sa academics, magaling kumanta, magaling sa iba't ibang trabaho. Sana all.

Habang si Xerxes ay masaya, buo ang pamilya. Kahit na naiiba siya sa dapat na maging siya'y hindi ito hinusgahan, sinoportahan pa nga ng buong pamilya niya. As in ang swerte nilang dalawa. Hindi ko maiwasang mainggit.

Alam mo yung pakiramdam na kulang kayo, na kapag kumakain ng sabay-sabay sa lamesa ay walang padre de pamilya ang magpupunan ng bakanteng silya? Bakit? Kasi nakuha niya kaming iwan at sumama sa ibang babae? Para sa anong dahilan? Kasi hindi niya na raw maramdaman ang pagmamahal na dati'y present pa raw sa relasyon nila ni mama. Nakakaputangina, kaya ayaw kong maiwan, lagi nalang akong naiiwan. Lalo na ang iwanan ka ng walang paalam. Kahit ano pa ang dahilan mo, sana kahit isang pangungusap lang ay inabisuhan ka. Tsk.

Napabalikwas ako ng kalabitin ako ni Xerxes, “bakit?” Tanong ko. Hindi ito nakatingin sa akin, “hoy.”

“Sa tingin mo... ” Aniya na may halong pambibitin. “Sa tingin mo ba matatag na ang friendship natin?” Tanong niya sa akin.

Natigilan ako, ano raw? Napaisip ako sakanyang tanong. Matatag naman interms of nandiyan kami para sa isa't isa, may iilang tampuhan at pikunan pero naayos din agad. Kaya bakit niya naitanong? Nilingon ko s'ya, “oo, bakit?”

Nagkibit balikat ito at tumayo na pagkuwana'y pinagpagan ang pants. “Wala lang, naisip ko lang. Sana 'wag dumating ang araw na mag away-away tayo o kayo sa iisang tao o bagay..” Anito. Hindi ko siya gets baka nasobrahan na naman sa panonood ng kdrama buong magdamag. “O'sya alis na me, break na kami ni Denver baby pero haharutin ko pa hanggang bumigay siya sa akin, yieee part 2 ng relasyong may halong landian!” Sigaw niya at nagtatatakbo.

Nababaliw na talaga siya.


━─━────༺༻────━─━

“Fierce!” Kasabay ng pagbigkas ng coordinator sa mga katagang iyon ang pagpindot ko ng camera.

Nakasuot s'ya ng sports attire, iyong pang race ba. Naka shorts-short dahilan para makita ang mahahaba at makikinis nitong legs, napa-iwas ako ng tingin at naiinis na napabuntong hininga. Itinuon ko nalamang ang atensyon sa pagkuha ng litrato niya, ang hirap ng ganito.

Feeling ko ang awkward, lalaki pa man din ako pero ako itong natatakot. Pero ayos lang naman hindi ba?

Nakalimang session kami sa pagpi-pictorial, mamaya na ang simula. Nakangiti s'ya ngayon, sana manalo siya.

“Okay guys, break time na. Isend niyo nalang sa school email para sila na ang magprint at mag-edit para sa mananalo na ilalagay sa school publication. ” Ani ng teacher at isa-isa na kaming nag-alisan.

Inayos ko ang camera kong hiniram ko pa kay mama pagkuwana'y tumalikod na at mangugulo nalang kay Gremory––

“Rossweisse..” Natigilan ako ng may biglang tumawag sa akin, “uy, ano...” Tumawa nito. Napalingon ako sakanya at napalunok.

She looks like an angel, the own Aphrodite of my era. This feeling–I don't know if I can handle it anymore.. Somehow my heart longed for her like we are together for the pass few years...

“Bakit?” Ani ko, naka iwas ng tingin.

Umalis ito sa may stage, pagkuwana'y hinawakan ang kamay ko at hinila papaalis. My heart is beating rapidly, every things that she makes really affect me big time...

Nakalayo na kami sa mga room, binitawan niya na ang kamay ko at umayos ng tayo. I roamed my eyes, we're at the school science garden. Malayo sa lahat, malayo sa ingay.

She then faked coughed, “a-ano... Ayos pa ba tayo?” She asked then looked down and played her fingers.

Damn, so cute. Ayos lang ba kami? Napangiwi ako ng magflashback lahat ng nangyari, ayos naman kami maliban sa inanounce ng mga punyemas kong kaklase sa buong school na gusto ko siya. Iyon tuloy parang ang hirap gumalaw kasi lahat binibigyan ng meaning.

I nodded, “oo naman.” I timidly said, walang idea kung ano ang pwedeng sabihin na hindi siya matu-turn off sa akin. Grade 8 palang ako pero heto, inlababo na.

She looked away, “it seems not.. It's like I can feel awkwardness around us... Na dati wala naman..” My breathe hitched because of her words.

Astonishment that's the feeling right now. Her words are confusing, I couldn't pin point the exact meaning. Rossweisse man, you can't risk your feelings.. Baka kung itra-translate ko ang tanong niya'y umasa lang ako.

I consider myself and her that we have mutual understanding, oo ako lang naman ang may alam... Pero sakanya ba? Baka normal lang sakanya ang pagpapalitan namin ng messages araw-araw.

“I don't know..” She slowly pouted.

Then she immediately blushed, “a-ano... Alam ko naman na...” The tint of red spread on her cheeks like a wildfire. “Kaysa hindi ako makatulog,” I gulped. “I want to take this out on my chest... Rossweisse ano, hindi ko alam kung pinagpustahan mo lang ako o kaya trip but I'm assuming that you're reciprocating my feelings...” My breathing is unable, getting her point.. It was too much to bare.. “Gusto kita, magmula noong una tayong nagkita.. Alam ko buwan pa lang pero hindi ko kasi alam kung bakit... Every chat we have it always makes my day wonderful, every picture you take makes my heart wants to cherish it..”

I was stunned, I couldn't move like I have a chain on my feet. It is confession? I heard many of them, girls over girls flocking to get my attention but this girl... this girl who just spoke her confession made me lose my mind..

“....naguguluhan ako. Hindi ko kasi alam kung alin ang totoo. Lahat naman siguro ng babae ay nago-overthink na baka pinagpupustahan ka lang o kaya pinagtatawanan... Kaya kahit hindi mo ako gusto aamin na ako...”  I saw tears forming on the side of her eyes, maybe she's thinking that she's embarrassing herself..

“Sino bang may sabing hindi kita gusto?”  That made her froze with wide eyes. “Pero alam ko namang bawal ka pang ligawan, tinanong ko kasi kumpare ng tatay mo..” I smiled, ending the awkward barrier against us. “Kasama ko pa nga si Xerxes, ang hirap mo namang ligawan. Ayan tuloy napa acting akong beki sa harap niya kasama si Xerxes...”

“R-Rossweisse... W-What.. Huh?”

“Sa ngayon, i eenjoy ko muna ang harutan at landian natin. Wala naman sigurong masama? Hintayin kita mag bente anyos, liligawan na kita o kaya pwede ring pakasalan ka.. Basta ngayon M.U feat landian as a friend muna..” I told her.

The most cherished moment that I have in my highschool life... Those whispered confession and her blushing face..

﹌﹌﹌﹌﹌
#As a friend

Sitio Series 2: Capturing Scintillating Scenery Where stories live. Discover now