Charotera 11

21.3K 560 39
                                    

A/N: Surprise! Eto pa yung isang update. Ganyan ko kayo kamahal eh. Kaya sana naman walang magccomment ng update ulit ha! Baka konyatan ko na talaga kayo! Hahaha!

===========================================================

PRINCESS' POV:

"So dahil nabuking ka, iniiwasan mo? May pa-ilo-ilongga ka pa kase, pwede naman kasing ibang language na lang yung ginamit mo." Naiiling na sabi sakin ni Marlo matapos kong ikwento sa kanya yung nangyari dun sa kotse ni Maine.

After kasi non, hindi ko na sya masyadong kinausap. Lalo na nung nasa center stage na. Ewan ko ba, after kasi nung 'confession' ko at nya na rin, bigla akong natameme na lang. Yes, medyo kinilig ako nung sinabi nyang gusto nya rin ako, pero nandun pa rin sakin yung takot na baka hindi naman sya seryoso don. Na baka trip-trip nya lang din ako. Out of the blue naman kase diba? Ayoko din namang maging assumera na totoo yung sinabi nya diba?

Tapos ang nakakainis pa sa babaeng yon, iniiwasan ko na nga, lapit pa ng lapit sakin. Parang nananadya lang. Palibhasa alam nya na gusto ko sya. Parang tuwang-tuwa pa si beach dun sa nalaman nya. Ngiti pa nga ng ngiti habang kumakanta ako kagabi. Ano namang feeling nya, para sa kanya yon? Wag nga sya!

Hindi pa nakuntento si Ate, nagpumilit pang ihatid ako. Buti na lang, nahila ko si Marlo kaya ndi masyadong awkward. And buong byahe, nagkunwari na lang akong tulog kaya silang dalawa na lang ni Marlo yung nag-usap. Ang bwisit na beking 'to, kung anu-ano yung kinwento tungkol sakin. Ilang beses ko talagang kinontrol yung sarili ko na hindi sumali sa usapan nila kase wala talaga ko sa hulog para kausapin si Maine. Nahihiya talaga ko!

"Eh beks, malay ko ba naman na marunong sya non. Eh hindi naman sya taga satin diba?"

"Asus, pag gusto, may paraan beks! Malay kasi natin kung meron syang gustong i-impress na taga Bacolod kaya pinag-aralan nya yung language na 'yon"

"Or baka meron syang naging boyfriend na taga don."

"Ayan na naman tayo eh. Pinangunahan mo na naman sya. Alam mo, medyo naaawa nga ako sa kanya eh."

"At bakit naman beks?"

"Pano kase, magkakagusto lang sya, eh sa MANHID pa. At yung nuknukan pa ng taas yung pride." Natatawang sabi pa nya.

Inirapan ko lang sya dahil sa sinabi nya. Kelan pa ko naging manhid at sino may sabi na mataas yung pride ko?

Oy ayan ka naman Princess, nakahopya ka na naman eh, malay mo iba yung tinutukoy ni Marlo. Not everything is about you my dear.

"Hm, beks, speaking of the devil." Bulong ni Marlo sabay nguso sa papasok na si Maine na nakatingin agad samin at nakangiti.

Fck! Bakit parang nagslowmo lahat? Bakit parang ang dahan-dahan ng paglapit sya saming dalawa ni beks? Ano 'to, parang yung movie lang non ni Daniel Padilla at Kathryn Bernardo? Ano ko, si Ivan nung first time na makita si Angel? Tsk, umayos ka nga Princess, mukha kang timang!

Piniling-piling ko yung ulo ko para bumalik sa realidad.

"Beks?" takang tanong sakin ni Marlo.

"Beks, para kase kong tanga eh. Biglang nagslowmo yung paglapit satin ni Maine, tapos sya lang din yung nakikita ko."

Sukat don ay tumawa ng malakas si Marlo.

"Nakakaloka ka beks, talagang mabagal lang yung paglalakad ni Maine, at isa pa, tayong tatlo pa lang yung nandito sa office kaya sya lang yung nakikita mo" tatawa-tawang sabi nito. "Slowmo ka dyan! Ikaw lang nag-iisip non dahil iniimagine mo! Ano kayo, Daniel at Kathryn?"

"Excuse me, hindi slowmo yung kay Kathryn, fast forward, duh! Kay Angel yung slowmo!"

"Oh eh di WOW!" tatawa-tawa pa nyang sabi.

My Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon