Charotera 21

16.3K 548 54
                                    


AN: Pero bago ko ulit iupdate 'to, kailangan ko munang tapusin yung SFY at tapusin yung buhay ni Reya, charot lang! Enjoy guys!

Hmmm, yung nasa media box pala, yung song na pinatugtog ni Andy dun sa isang scene sa chapter na 'to. hahaha!

PS Di ko inedit, kebs kung may mali. Magbasa na lang kayo at wag ng magreklamo. Ay, dun pala sa mga hindi ko nasasagot sa PM, bukod sa kakabalik lang sakin nitong account ko, hindi pa ko nagbubukas ng maayos ng WP, hintay lang kayo, sasagutin ko lahat yan. CIAO!

=====================================================

PRINCESS' POV:

"Imper beks, parang like na like ng family members mo si Maine ha." Bulong sakin ni Marlo sabay nguso sa pwesto ni Maine habang kumakain kami. Kakatapos lang ng salubong kanina kaya wala na kaming masyadong gagawin ngayon kundi mamasyal at maglamyerda.

Agad naman akong lumingon sa pwesto ni Maine at nakita ko nga na parang ang saya-saya pa ng Tita ko at mga pinsan ko habang nakikipag-usap dito. Bigla naman itong lumingon sakin at pasimpleng kumindat. Nahihiyang umiwas naman ako ng tingin sa kanya at itinuloy yung pagkain.

"Ayan, hindi ko naman sinabing sumulyap ka beks, nahuli ka na naman tuloy" tatawa-tawang tukso pa sakin ng bwisit kong kaibigan. Nagulat ako ng biglang lagyan ni Joel ng ulam yung pinggan ko kaya takang-taka akong tumingin sa kanya. Ngumiti lang sya sakin habang pulang-pula yung mukha.

Nakita naman ito ng lahat kaya hindi nila kami tinigilan ng tukso. Syempre, maliban dun sa isang tao na namumula din, sa GALIT.

"Bagay na bagay talaga 'tong si Joel kay Phoebe ano?" komento ng tita ko habang sinisiko si Maine na para bang gustong sumang-ayon yung isa. Jusko hindi ba nila napapansin na parang nag-aalab yung mata nung isa sa sama ng tingin nya kay Joel ngayon?

"Hindi po" seryosong sagot naman ni Maine.

Napalingon naman sa kanya lahat ng tao. Habang si Marlo, ngingisi-ngisi lang sakin. Malamang, dahil sya lang yung may alam ng lahat diba?

"Hindi sila bagay?" tanong ulit ni Tita.

Nakita kong huminga muna ng malalim at pagkatapos ay ngumiti.

"Hindi po kayo nagkakamali na bagay na bagay po talaga silang dalawa. Gusto nyo po ikasal na natin silang dalawa habang wala pa pong nagtatangka na sumigaw ng 'itigil ang kasal!' " ewan ko pero parang ako lang yata yung nakapansin na ang sarcastic yung pagkakasabi nya dahil tawang-tawa na naman yung buong pamilya ko, pati sila Joel at Andy sa sinabi ni Maine.

"Fi, hala ka pag biglang nagsuper saiyan yang jowakels mo dito dahil sa sweetness nyang si Joel sa'yo. Kaya kung ako sa'yo, sabihan mo yang si Fafi bago pa may dumanak na dugo dito" syempre, sino pa ba yung bubulong sakin non diba?

Tumango naman ako kay beki. In fairness kase may point sya. Medyo mahigpit na kasi yung hawak ni Maine dun sa tinidor at kutsilyo na hawak nya.

"Uy Maine, ano yan, gagawin mong giniling yung ulam mo? Durog na kase o. Hindi naman yan si Vegeta diba? Bakit yan yung pinagdidiskitahan mo?" natatawang sabi ni Marlo kay Maine na nakakunot pa rin yung noo hanggang ngayon.

Nailing na hinampas ko si Marlo dahil sinamaan na sya ng tingin ni Maine. Masyadong mainitin yung ulo. Tsk. Pag kami lang nahalata nila Tita, humanda talaga sya sakin.

"Joke lang! Sama agad ng tingin eh. Sabi ko nga kakain na lang ako eh. Mamaya nyan ako pa yung isahog sa lumpia mamaya" aba't ayaw pa rin talagang tumigil ng baklitang 'to.

"Ayaw mo ba ng ulam hija? Hindi ba masarap yung pagkakaluto ko?" nag-aalalang tanong ni Tita kay Goku este kay Maine pala.

Sunud-sunod naman na umiling yung babaita sabay smile sa kay Tita.

My Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon