Charotera 14

19.1K 571 84
                                    

A/N: O eto, medyo napaaga yung update ko. Dapat bukas pa 'to eh, pero sayang naman kase may naisip na ko. O sya, basahin nyo na lang, pasalamat na lang tayo sa song na 'forevermore' kase may pumasok sa isip ko. Yey! hahaha!

O sya, basahin nyo na lang at ako'y may kailangan pang gawin, di ko na hahabaan to.

Forevermore ulit yung nasa media box ka. Walang basagan ng trip. haha!

P/S: Di ko ulit na-edit, pasensya. Saka yung mga sagot ni Princess, pawang mga opinyon ko lang yan, pwede naman kayong magbigay din ng mga opinyon nyo. Ako naman yung makikinig ngayon.

================================================================

PRINCESS' POV:

"At ngayon naman po, sasagutin namin yung mga tanong na pinadala nyo via social media. In fairness, marami-rami 'to, pero pipili tayo ng lima para sagutin ng ating love guru" nakangiting sabi ni Marlo.

"Pero before ko sagutin yung mga questions nyo, gusto ko munang mag thank you sa lahat ng nakikinig, tumatawag, at tumatangkilik ng programa namin. You guys rock!"

"So eto na, para sa first question. Galing kay Tamahome. Hello DJ Charotasya, DJ Becky Boom Boom, ask ko lang po kung papano mo malalaman kung inlove ka na."

Napangiti naman ako sa tanong. Kahit ako rin kase, yun yung tanong ko ngayon eh. Akala ko kasi non, inlove ako kay Joel, pero para kasing may bumubulong sakin na infatuation lang yon at hindi totoong love. Pero ang tagal non ha. Ang tagal kong nakulong sa paniniwalang mahal ko yung bestfriend ko.

"Well, medyo mahirap sagutin yang tanong mo Tamahome, ang hirap kasing i-identify ngayon kung crush lang ba talaga, like mo ba talaga, or mahal mo ba talaga yung isang tao. Minsan kase akala mo, inlove ka na, pero yun pala, infatuated ka lang dun sa tao. Pero sige, ttry kong sagutin yan." Mas lalo akong nakangiti nang mapatingin ako sa pwesto ni Maine. Nakatingin sya ngayon sa laptop nya habang nakakunot yung noo. Ang kyot. "Hmmm, siguro sasabihin natin na inlove ka sa isang tao, kung paggising mo pa lang, sya na yung pumapasok sa isip mo. Yung kahit wala pa syang ginagawa, napapasmile ka na agad maalala mo lang sya. Pag may mga naririnig kang songs tapos lahat yon, sya yung naiisip mo, yun bang naikokonek mo sa kanya lahat, or iisipin mo agad na pwede nyong maging themesong yung kantang yon" nakangiti pa ring sabi ko habang nakatingin pa rin kay Maine. "And syempre, kung sya yung unang pumapasok sa isip mo, sya din dapat yung huling taong naiisip mo bago ka matulog. Yung makakatulog ka na lang na may smile sa labi mo kase alam mong kahit sa panaginip mo, dadalaw at dadalaw yung taong yon. Pag din namimiss mo sya agad pag hindi kayo magkausap, or kahit habang magkausap kayo, namimiss mo sya. And syempre, last but not the least, ang importante lagi sayo eh yung happiness ng taong yon. Na kahit hindi ikaw yung mahal nya, tatanggapin mo pa rin at magiging masaya ka para sa kanya, dun sya masaya eh. Hmm, sana nasagot ko ng maayos yung tanong mo Tamahome" nakangiti pa ring sabi ko habang nakatingin pa rin kay beach. Pero agad kong iniwas yung tingin ko nang mapansing inangat nya yung tingin nya.

"Hala sige sulyap pa. Mamaya nyan, boom buking ka na naman!" nakangiting bulong sakin ni Marlo.

"Halatang-halata ba?"

"Na gusto mo na sya? Ano sa tingin mo?"

Ngumiti lang ako sa kanya. Naiiling na nangingiti naman nyang inangat ulit yung mic nya.

"Good answer DJ Tasya. Tingnan natin yung galing mo sa question nitong si Momonja. Ang sabi nya dito, hello DJ Tasya, DJ Becky, ask ko lang po kung may posibilidad po bang mainlove ka sa tao kahit hindi mo pa nakikita? Well, nakita ko na naman sya kase nagsskype kaming dalawa, pero hindi pa talaga kami nagkikita in person. Sa chat lang talaga."

My Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon