Prologue

24.8K 593 47
                                    

PRINCESS' POV:

"Diba nag-YES ka na kanina? Ba't umaayaw ka na naman ngayon?" bigla namang napaangat yung mukha ko sa desk ko.

Huh? Nandito pa sya? Akala ko naman nakauwi na sya kaya tinext ko sa kanya na ayoko na pala dun sa 'Love Guru-Love Guru' na yon. Nagbago na ulit yung isip ko. Unang-una, wala na kasi akong alam sa mga love-love na ganyan, papano ako magbigigay ng advice kung ako mismo eh hindi pa naman nararanasan yung mga yon diba? Baka magpamali-mali lang ako don no! At pangalawa, ayokong maging boses lalaki. Sa ganda kong 'to, gagawin nila kong lalaki? No way!

"Basta ayoko."

"Pa'no yan alam na ni daddy? Papano ko pa mababawi sa kanya yon?"

"Eh di sabihin mo, hindi ko kaya yon. Na baka mapahiya pa tong radio station nyo kapag ako yung ginawa nyong DJ don" walang ganang sabi ko.

"Best alam mo namang eto na yung pag-asa ko diba para maging proud sakin si daddy?" malungkot na sabi nya.

Aw, wag mo kong gamitan ng ganyang tono at ganyang mukha Joel dahil baka mamaya nyan, mapa-YES na naman ako ng wala sa oras. Eh kung tinatanong mo na lang ba kase kung gusto kitang maging boyfriend eh di hindi ka magdadalawang salita, makukuha mo agad yung matamis kong OO.

"Yun na nga best eh. Kaya nga ayoko kase baka eto pa yung maging dahilan para mapahiya ka din sa daddy mo. Ayoko naman ng ganon diba?"

"Pero sabi nya sakin, ikaw nga daw yung best choice don. Malaki yung tiwala sa'yo ni daddy. Malaki yung tiwala ko sa'yo" seryosong sabi pa nya habang nakatingin ng derecho sakin.

Hala! Makakahindi pa ba ko dito? Ang bilis na ng tibok ng puso ko. Baka mamaya dyan atakihin na ko sa puso dito.

"Please best" sabi pa nya sabay lapit sakin habang hawak-hawak yung mga kamay ko.

Hoo! Kailangan ko ng hangin. Hindi ako makahinga. Ang lamig-lamig dito sa office pero feeling ko, tumatagaktak yung pawis ko sa kaba. Papano kung bigla akong halikan nitong si Joel dito? Or baka samantalahin nya yung kahinaan ko? Anong gagawin ko?

Oy Princess wag ka nang umarte dyan, alam naman nating lahat na bibigay ka dyan agad sa ONE TRUE LOVE mo. Wag ka nang magpakipot kase minsan lang yang ganyang pagkakataon. Wag mo nang sayangin.

Halos sumabog lahat ng laman ng sikmura, intestines, at kahit yung buong digestive system ko nang maramdaman ko yung mga labi nya sa mga labi ko. Oh gosh, ganito pala yung feeling ng first kiss, ganitong-ganito yung inimagine ko non na mararamdaman ko e. After nito, pwede na kong mamatay. Kung eto yung paraan ni Joel para mapa-OO ulit ako, pwes, nagtagumpay sya don.

"I love you Princess Phoebe. Ikaw, mahal mo ba ko?" nakangiting tanong nya matapos nya kong halikan.

"YES Joel, mahal kita noon pa." mahinang sabi ko sa kanya.

Napapikit na lang ulit ako nang maramdaman na papalapit na naman sya sakin.

"Best?" narinig kong tawag nya.

"Yes best?" malambing na sagot ko naman.

"Huy Princess!" sabay yugyog nya sakin.

Ano daw? Yugyog? Bigla naman akong nagmulat.

Nakatawang mukha ni Joel yung nakita ko habang nakaupo sa harap ng table ko. Napangiti naman ako lalo nang maalala yung ginawa nya at sinabi nya kanina.

"Best sino yung mahal mo ha?! Pagpasok namin dito ni Maine may binubulong kang mahal kita noon pa habang natutulog ka dyan!" natatawa pa ring sabi nya.

Ha? Tulog? Bulong? Ibig sabihin hindi totoo yung nangyari kanina? No! Hindi panaginip yon. Naramdaman ko yung lips nya eh. Ano yon?

"Tulog?"

My Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon