Charotera 5

19.8K 576 59
                                    

A/N: Wala pa sana akong plano na ipost to kase gusto ko, kasabay sya nung update ko sa DFY and SFY kaso aalis nga pala ko kaya baka bukas ko na maupdate yung dalawa. Promise, iuupdate ko na talaga yon. Miss ko na rin naman sila Julie, Dani, Rence, Parrot, at Pining eh. Sigurado din ako na miss nyo na rin sila. 

Btw, dedicated pala 'to sa friend ko, kay LYtein. Salamat talaga sa pagbabasa and pagsuporta sa mga stories ko, the best ka talaga! Sana maenjoy mo tong chapter na to. Check nyo din yung stories nya guys, magaling din na author yan *wink wink* 

O sya, enjoy na lang ha, at ako'y gogora bels pa. Love you guys! Mwah! 

Gusto ko din nung cake sa media box :( 

================================================================

PRINCESS’ POV:

“O ayan na yung reyna, tumabi na kayo at baka maapakan nyo pa yung buhok nya!” narinig kong sabi ni Marlo pagpasok ko sa office.

Sabay-sabay namang nagtawanan yung mga kasama namin kaya takang tumingin ako kay Marlo. Ano na naman ba ‘tong paandar nya? At bakit ba nakatingin sakin lahat ng tao dito? May something ba ko sa maganda kong face? Feeling ko kase nakasunod lahat yung tingin nila sakin eh. Medyo creepy lang. Anid hindi ko feel yung ganitong klaseng attention. Mas keri ko yung wala man lang papansin sakin kasehodang magtatumbling ako dito.

“Ah excuse me lang ha, pero, may problema ba kayo sakin?” takang tanong ko sa kanila.

Wala silang sinabi pero sabay-sabay silang tumingin sa station ko. Don’t tell me may nilagay silang kung ano don ha, tapos bigla na lang akong sisigaw at malalaman ko na lang na nasa video na yung nangyaring yon. Ginawa na kasi namin yun dati kay Marlo eh, baka lang kasi gumaganti sakin si bakla.

Dahan-dahan tuloy akong lumapit sa station ko at tumingkayad kahit medyo malayo pa para makita kung anong nakakadiring bagay yung nasa table ko. Nakakatakot kase baka kung anong nilagay ni Marlo don.

“Hey” biglang may nagsalita sa likod ko kaya bigla ko syang hinampas.

Paglingon ko, hawak-hawak ni Maine yung ulo nya dahil dun yata tumama yung pinanghampas kong folder kanina. Gusto ko sanang magsorry pero kasalanan naman nya kung bakit nangyari sa kanya yun eh. Kung hindi nya sana ko ginulat eh di sana hindi ko sya hinampas.

“Ayan kase, may pagulat-gulat ka pang nalalaman!”

“Wow, ako na nga yung nasaktan, ako pa yung may kasalanan.”

“Alam mong kinakabahan na ko kase baka may kung anong hindi magandang creature na naghihintay sakin sa station ko tapos bigla kang magsasalita sa likod ko”

“Hey lang yung sinabi ko at hindi kita ginulat. And why are you so scared to check kung ano yung laman nung box sa table mo” sabi pa nya sabay turo nung white na box.

“Ayoko nga! Baka biglang ahas pala o worms laman nya, eww, ayoko non!”

“Why don’t we check it first before ka umarte ng ganyan” sabi nya sabay hawak sa kamay ko.

Agad ko namang binawi yon dahil bigla kong naalala yung pinag-usapan namin ni Marlo kagabi na baka nga si Maine yung humalik sakin nung nananaginip ako. Or should I say sya yung nahalikan ko non. And kung ninakaw ko man yung first kiss nya, hindi ko na kasalanan yon, nakita naman nyang wala ako sa sariling katinuan nung time na yon pero hindi sya umiwas.

Baka naman kasi tama si Marlo na type nya ko. Pero hindi eh, hindi sya mukhang kabaro ni bakla eh, eh kung titingnan mo nga, mas sexy pang magdadamit sakin tong babaeng to and yung sinabi ko non na pangit sya, medyo nagsinungaling ako non kase nagpapakabitter ako nung time na yon. Masyado kasi syang maganda eh, yun bang kahit walang make-up, kahit magulo yung buhok, at kahit nung one time na nakita ko syang bagong gising, aba mukhang artista pa rin eh! Kung itatanong nyo kung bakit ko sya nakitang bagong gising, yun kasi yung time na sinamahan ko si Joel na pumunta sa bahay nila Maine para may kunin na script. Baka lang kasi kung ano yung isipin nyo eh. Pero hindi ako defensive ha, promise.

My Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon