Charotera 34

9.2K 366 18
                                    

AN: Ayun o, nakakapag-update na talaga ako sa story na 'to. Naisip ko kasi na masyado na syang matagal na nakatengga kaya kailangan na din syang tapusin, haha.

O sya, di ko inedit, bahala na kung may mga mali. Haha. Pasensya na lang.

Yung nasa media box pala, fav ko na commercial sa ngayon, haha.

=============================

PRINCESS' POV:

"O hindi ka pa rin tapos ngumawa dyan? Gusto mong makamove on? Tara mcdo!" narinig kong sabi ni Marlo na nakapasok na pala sa kwarto ko.

Pagkatapos kasi nung eksenang ginawa namin dun sa opisina ni Joel, tinawagan ko agad si Marlo at kinwento sa kanya lahat-lahat. Halos hindi ko pa nga matapos-tapos yung pagkkwento kanina dahil naiiyak ako ng bongga habang iniisa-isa ko sa kanya yung mga narinig ko kanina.

Ang sakit pala talaga kapag nalaman mo na pinaglaruan ka lang at niloko ng mga taong mahalaga sa'yo. Grabe lang ha, napaniwala talaga ako nila dun sa JAM-JAM na yon.

Inames kasi eh. Una pa lang, inisip ko na talaga na si Maine yon eh. Kaso lang nawala yung pagdududa ko nung time na kasama ko si Maine pero tumatawag sa akin yung number ni JAM. O eh malamang Princess, si Andy or si Joel yung tumatawag. Magkakasabwat nga silang tatlo diba? Ikaw lang naman yung shushunga-shunga na naniwala sa kanila eh.

"Hoy Fi! Nabaliw ka ba ba dyan? Dalhin na ba kita sa mental? Aba, nakatulala ka lang dyan ah." bigla naman akong natigil sa pakikipag-usap sa sarili ko nang bigla akong yugyugin ni Marlo.

Aray ha. Masakit yon. Aba, lalaki pa rin sya, malakas pa rin yung pagyugyog nya.

"Beks naman eh. Nasaktan na nga ako sa narinig ko sa kanila tapos ngayon, sinasaktan mo pa rin ako." naiiyak pa ring sabi ko sa kanya.

"Ay beks, OA ka. Sensitive masyado? Balat-sibuyas? Kutis-mayaman? Wag ka nga." natatawang sabi naman nya.

Kita mo 'to. Nakita na nga nya na walang tigil yung pagngawa ko dito tapos babanat pa sya ng ganon. Hindi ba nya naiisip yung pwede kong maramdaman?

"Alam mo beks. Kasalanan mo lahat 'to eh." paninisi ko sa kanya.

"Ay wow. At bakit naman ako?" takang tanong naman nya.

"Kase paulit-ulit ka sa akin na never pa akong nasaktan, naloko, napaglaruan, etc etc. O tingnan mo yung nangyari ngayon? Nagdilang anghel ka." sisi ko pa sa kanya.

Siguro pinanalangin nya talaga na mangyari sa'kin 'to para mas makarelate ako dun sa mga inaadvice ko sa callers namin.

He and his big mouth! Ugh!

"Hoy babae! At talagang sa akin mo isinisi yang pagiging sawi mo no? Bakit ko naman gugustuhin na maranasan mo lahat yon diba? Hello, hindi ko kasalanan na naloko ka nung tatlong tukmol na yon about kay JAM no! Duh!" maarteng sabi pa ng bakla.

"So kaninong kasalanan, sa akin?" umiiyak pa ring sabi ko.

Ano ba yan, hindi ba talaga titigil 'tong mga luhang 'to sa pag-agos? Aba, nakakapagod nang umiyak ha. Baka naman mamaga ng bongga yung mga mata ko dahil dito. Ugh.

"Hindi ko naman sinabi na kasalanan mong gaga ka. Ang sa akin lang, dapat hindi galit agad yung pinairal mo. Aba babae, kung makapagpayo ka sa mga callers mo na kumalma muna at makinig sa paliwanag, pero ikaw pala mismo yung hindi susunod don!" naiiling na sabi pa nya.

"Ano pa bang paliwanag yung kailangan kong marinig? Beks, I heard everything. As in lahat-lahat. And hello, yung Jarmaine na 'yon, wala syang planong sabihin sa akin. Aba anong gusto nya, forever ako na maniwala na si Joel nga si JAM?" may halong inis na sabi ko naman.

My Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon