Charotera 39

9.6K 398 35
                                    

PRINCESS' POV:

"Alam mo ba kung bakit kapag may dumadaan na bakla o tomboy sa harap natin, pinapakita ko sa'yo na nagagalit ako?" Napaangat naman yung tingin ko dahil sa tanong na yon ni Amang. Kanina pa kasi ako nakatungo. Hindi ko kasi kayang salubungin yung tingin nila sa akin ni Inang.

Tapos eto pa, kasama pa namin si Protacio dito sa loob ng kwarto. Bakit kasi kailangang kasama pa sya? Pwede namang hindi na diba? Kaming tatlo lang dapat dito. Di naman sya kapamilya.

"D-dahil ayaw nyo po talaga sa mga tulad nila?" balik tanong ko naman kay Amang. Totoo naman eh. Yun lang naman yung pwede nyang maging rason diba?

Nagulat ako nang bigla syang tumawa habang umiiling-iling. Luh. Naloko na rin yata si Amang. Baka hindi kinaya yung natuklasan nya sa pagkatao ko.

O baka naman dating bakla pala si Amang? Hala? Di charot lang! Haha.

"Dahil bata ka pa lang, napapansin ko na mas nanonood ka ng Dragon Ball Z at Ghostfighter kesa sa Sailormoon at Barbie. At mas gusto mong kalaro ng agawan base at siato yung mga kaklase mong lalaki kesa sa mga babae." panimula ni Amang.

"At eto pa, mas nagkokomento ka sa mga magagandang artista kesa sa mga gwapong artista." segunda naman ni Inang.

OA. Eh sa magaganda naman talaga yung mga artista noon eh.

"Kaya ayun, naisip namin ng inang mo na baka madala mo yon hanggang pagtanda mo, kaya ayun, kunwaring nagagalit ako sa mga bakla or tomboy kasi ayokong matulad ka sa kanila." sabi pa ni Amang.

"Kaya nga nung nakwento ng mga pinsan mo na may nagugustuhan ka daw na lalaki, tuwang-tuwa kami. Hinintay nga namin na ipakilala mo sya sa amin pero ayun nga, pagbalik mo, nagkatotoo yung kinakatakutan namin ng Amang mo noong bata ka." si Inang ulit.

Salitan talaga sila eh ano?

"Inang, OA na po na dahil lang po sa pinapanood ko at dun sa mga nagugustuhan kong artista, na-judge nyo na agad ako? Eto po ha, makinig po kayo. Nung una po, alam ko po sa sarili ko na mahal ko po talaga si Joel, sya po talaga yung pinangarap ko na maging kabiyak. Pero kasi po, biglang nagbago yon nung naging close kaming dalawa ni Jarmaine. Mahirap pong iexplain pero never naman po talaga akong nagkagusto sa babae. Sa kanya lang po talaga. Totoo po yon." sabi ko pa sabay taas ng kanang kamay ko.

"S-si Maine? At I-ikaw?" gulat na tanong ni Protacio. Ay, muntik ko nang makalimutan na nandito pala sya. Jusme, kanina pa kami nag-uusap dito nila Amang, ngayon lang nya naintindihan?

"Wala pang kami Pot. Pero baka malapit na." nakangiting sagot ko naman sa kanya.

"Lesbian ka?" hindi pa rin makapaniwalang tanong nya.

Umiling naman ako.

"Tulad ng sinabi ko kila Inang at Amang, hindi talaga ako attracted sa mga babae. Kay Maine lang talaga. At kung crushes, mas marami akong nagugustuhan na lalaki. Pero hanggang attraction lang yon. Hindi ko sila kayang mahalin ng tulad ng nararamdaman ko ngayon kay Maine." paliwanag ko naman sa kanya.

"Ha?" ay shunga!

"Ikaw, unang kita ko pa lang ulit sa'yo, nagwapuhan na ako. At alam ko na kung wala si Maine sa buhay ko, magugustuhan kita. Gets mo na? Ibig sabihin, hindi naman ako nakakaramdam ng ganito sa ibang babae. Kay Jarmaine lang talaga." paliwanag ko pa.

"So gusto mo ako?" parang nabuhayan naman na tanong nya.

"Crush siguro. Ganon." sagot ko naman.

My Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon