Charotera 23

11.2K 406 20
                                    

A/N: Hola amigas! Eto na naman ako, nagtry na namang mag-update, bahala na kayo kung magugustuhan nyo pero sana naman no! Pinaghirapan ko kaya itechie! hahaha! Charot lang! Eto na yung matagal nyo ng hinihintay na POV. Medyo nahirapan ako sa kanya pero sana naman mapagpasensyahan nyo na, hahaha! Ang hirap magpalit bigla ng POV no! hahahaha! O sya, basahin nyo na lang at baka may magreklamo na naman sa inyo na ang haba ng AN ko. TSE!

O di ko inedit ha and may mga english english dito, bahala na kayong intindihin kung english carabao ha! hahahha! O sya, pag may maling grammar, wala na akong magagawa, nakapost na eh, hahaha! Chos!

Yung nasa media box, hmmm, bet ko lang ilagay dyan, haha!

==========================================================

MAINE'S POV:

"What was that all about?" inis na tanong sakin ni Andy habang sinusundan namin ng tingin sila Joel at Princess na papalabas ng building.

Kanina pa kami dito sa baba at hinihintay yung pagkikita nilang dalawa.

"Andy not now please" malungkot na sabi ko sa kanya.

"I didn't agree to your plan para ganito lang yung mangyari. Hindi ako pumayag na pagselosin sya at magdala ng kung anu-anong bagay na pinapaabot mo sakin para lang sa wala. Na sa huli, ibibigay mo pa rin sya kay Joel. Are you out of your mind? What were you thinking nung time na kinausap mo si Joel para magpanggap na sya si JAM? Tell me Maine, tell me!"

"This is what she wants." Maikling sagot ko.

"Oh wow, so you're a mind reader now? Alam mo kung ano yung gusto nya? Hindi mo ba naisip na baka nagbago na yung nararamdaman nya para kay Joel? Manhid ka ba para hindi mapansin na ikaw na yung mahal nya?"

"I have to go. Bukas na tayo mag-usap." Yun lang at tinalikuran ko na sya.

"You're unbelievable!" narinig ko pang sabi nya bago ako makalabas ng building.

Pumunta muna ako sa park para magpahangin at makapag-isip dahil hindi ko pa yata kakayaning magdrive. Baka bigla ko na lang ibangga sa kung saan dahil sa galit na nararamdaman ko sa sarili ko. May karapatan din si Andy na magalit sakin dahil sa kanya ako humingi ng tulong simula pa lang para mapalapit kay Princess, tapos ganito lang yung ginawa ko. Sinayang ko lahat.

-FLASHBACK-

"Can I ask you something Maine?" napalingon naman ako sa kanya nang bigla syang magsalita.

"Spill."

"Why do you date all the guys in the office kung halata naman na hindi ka interesado sa amin. Yeah pumayag kang makipagdate sakin pero halatang wala dito yung focus mo." Nakangiting tanong nya.

"And why are you so sure na hindi ako interesado sa'yo?"

"Uh, dahil siguro habang kinakausap kita, nakatitig ka sa isang tao dito sa restaurant." May halong panunukso pa yung pagsasabi nya.

"What?" kabadong tanong ko. Oh no, hindi nila pwedeng malaman kung sino talaga yung gusto ko. Ugh!

"I said, you're staring at a certain someone habang nagpapacute ako sa'yo dito."

"And who would that 'someone' be?" sana mali sya. Sana mali sya ng naiisip please.

"Hmm, before ko sagutin yung tanong mo, ako muna yung magtatanong, okay lang?"

"Sure."

"Kaya ka ba pumayag na makipagdate sakin ngayon eh dahil alam mo na dito sila kakain na magbestfriend?"

"Huh?"

"Alam mo you're funny. Halata naman na kinakabahan ka na kase nabuking na kita pero ayaw mo pa ring magpahalata."

My Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon