Charotera 26

11.7K 374 14
                                    

A/N: Oha, may naisip na agad ako na kasunod dito, sa SFY and DFY wala pa, sumandali lamang kayo ha, wala pa talagang pumapasok sa isip ko eh. Pero promise within this week magkakaron ng update sa dalawang yon.

Hmm, dedicated pala 'to kay Otor Daniela kase sabi nya, magbbirthday naman daw sya next year kaya eto, para sa'yo 'tong chapter na 'to. Happy bday ha! hahahahaha!

O sya, di ko ulit inedit 'to ha. Bahala na kayo pag may mali. Itama nyo na lang sa isip nyo, hahaha!

Yung nasa media box pala, wala lang, gusto ko lang na kanta.

Enjoy!

=======================================================

MAINE'S POV:

"Hindi sya yung gusto kong maging si JAM at saka hinding-hindi ko sya magugustuhan kahit sya na lang yung natitirang---" those were her words a moment ago. Hindi ko alam kung bakit ko sya memorized at hindi ko alam kung bakit paulit-ulit sya habang nandito ako sa restroom.

Sabi nila, it'll hurt like hell kapag nasaktan ka dahil sa love. Of course hindi ako naniwala don, masyadong OA yung description nila, parang hindi naman talaga. Oo masasaktan ka pero hindi naman ganon ka-grabe. Sabi ko pa nga noon dun sa mga friends ko na halos magbreakdown kapag hinihiwalayan ng mga BFs or GFs nila, hindi naman katapusan ng mundo kaya wag silang magpaka-OA ng ganon. Hindi naman kasi talaga ganun kasakit yon. Well, tama pala sila. I'm not really sure kung bakit ako umiiyak ngayon. Dahil ba sa sinabing yon ni Princess o dahil parang balewala lang sa kanya na narinig ko yon? Does she really hate me that much para sabihin yon? Should I give up, or should I just keep chasing pavements? Okay Jarmaine, kumakanta ka na naman, nagddrama ka ngayon, kailangan seryoso ka.

Pero seriously, I don't know kung itutuloy ko pa ba 'tong ginagawa kong 'to at umasa na pwede nya rin akong mahalin or itigil ko na at buksan yung puso ko sa ibang tao. Kakanta na ba ako ng 'I'll let you go, I'll let you fly, why do I keep on asking why?' tapos biglang sisigaw ng 'Dao Ming Si shishishishihua! Kemerli Kemerdu Chenes!' Okay stop! That's so Marlo. Jarmaine, ayusin mo na yung sarili mo bago may makakita sa'yo dahil baka mawalan sila ng respeto sa'yo pag nakita ka sa ganyang ayos.

Patapos na akong mag-ayos nang biglang pumasok si Princess. Whoosh! Buti na lang nakapag-ayos ako agad. Kung napaaga-aga siguro sya, baka gustuhin ko na lang na lumubog sa kinatatayuan ko.

Napansin ko na nakatingin sya sakin kaya nilingon ko din sya. At dahil baka bigla akong magbreakdown dahil naalala ko na naman yung sinabi nya kanina, agad kong inalis yung tingin ko sa kanya at kunwaring nag-aayos ulit sa harap ng salamin.

"H-hi" narinig kong sabi nya.

"Hey." Pinilit kong magpakacold dahil ayokong umiyak sa harap nya.

"Can we talk?"

"About what?"

"Yung kanina, ano kase---"

I cut her off. Ayoko munang pag-usapan yung kanina.

"Magsisimula na yung Love Guru, kailangan ka na don" I tried to sound okay kahit medyo nanginginig na yung boses ko dahil feeling ko maiiyak na naman ako.

"I want to apologize dun sa mga nasabi ko kanina. I didn't know na nandun ka pala." Sabi pa nya. Parang mas okay na sakin na nandun ako at narinig ko kesa naman mag-assume ako na gusto nya rin ako diba? Sabi nga nila, the truth hurts. At least ngayon, alam ko na kung saan ako lulugar diba?

"It's ok Princess. I understand. And don't worry, sinisigurado ko sa'yo na hindi ako si JAM and hindi rin ako yung nahalikan mo ng gabing 'yon" yun lang at iniwan ko na sya sa loob ng restroom, hindi ko na talaga kaya. Paglabas na paglabas ko, tumulo yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Isa pa 'to, sino ba kasi yung nag-imbento ng luha? I don't understand kung bakit kailangang umiyak ng isang tao kapag nasasaktan sya.

My Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon