Charotera 43

9.3K 372 17
                                    

AN: Sorry late. Kakauwi ko lang kasi, hihi. O sya, enjoy girls! Btw, after ng chapter na 'to, Epilogue na. Hihi. Goodnight :)

=============================

PRINCESS' POV:

"Couz, bakit nagmamadaling umalis si Maine at dala-dala yung mga gamit nya?" Bigla naman akong nanigas sa kinatatayuan ko nang marinig yung sinabing yon ni Patricia.

Ano daw? Umalis na si Maine at hindi man lang nya ako hinayaang magpaliwanag?

As if naman pinagpaliwanag mo din sya noon. Ganyan din yung ginawa mo noon diba? Well, ang bilis ng karma 'no?

"S-saan daw daw sya pupunta?" mahinang tanong ko na lang.

Umiling naman sya sa akin.

"Walang sinabi. Basta dere-derechong umalis. Pero halatang galing sa pag-iyak. Medyo namumula yung mata eh." sagot nya.

Mas lalo naman akong nanghina dahil sa sinabi nya. Nasaktan ko si Maine, umiyak sya dahil sa akin. Sana pala sinabi ko sa kanya na mag-uusap kami ni Pot-pot bago ako dumerecho dun sa may playground. Pero waley, huli na ang lahat.

"Bakit hindi mo tawagan?" tanong pa sa akin ni Patring nung nakita nya na naiiyak akong napaupo na lang.

Bigla ko namang kinuha yung phone ko at nagmamadaling idinial yung number nya. Ganun na lang yung panlulumo ko dahil naka-out of coverage area chuchuchuchu yung phone nya. F*ck malamang Princess, papatayin nya yung phone nya dahil alam nya na tatawagan mo sya. Ayaw ka ngang makausap diba?

"N-nakapatay." malungkot na sabi ko kay Patring.

"Sila Marlo? Baka alam nila." sabi pa nya kaya agad akong nabuhayan ng loob. Oo nga, baka nasa station sya ngayon. Baka kasama nila Marlo. Tama. Tama.

Nagmamadali naman akong lumabas ng bahay pero agad ding humabol si Patricia.

"Saan ka pupunta?" takang tanong nya sa akin.

"Sa station. Baka nandun si Maine ngayon. Kailangan ko syang makausap. Kailangan kong ipaliwanag sa kanya na wala lang yung nakita nya. Na wala naman syang dapat ipagselos kay Pot-pot kasi sya naman talaga yung mahal ko." sabi ko pa habang tumatakbo.

"Aba hoy! Kung tatakbuhin mo lang yon, malamang wala ka nang abutan!" narinig kong sabi nya kaya bigla akong napatigil sa pagtakbo.

Oo nga pala, medyo malayo yung station dito sa bahay pero kasi wala namang sasakyan na dumadaan dito eh. Bakit kasi wala yung sasakyan namin sa garahe kanina. Leche naman talaga.

Bigla naman kaming may narinig na busina kaya sabay kaming napalingon ni Patricia sa likod namin. Halos yakapin ko naman ulit si Pot-pot sa tuwa nung nakita naming sumilip sya sa bintana ng sasakyan nya.

"May pupuntahan kayo?" nakangiting tanong nya sa amin.

Halos sabay naman kaming tumango ni Patricia at agad sumakay sa sasakyan nya.

"Sa station please. Kailangan kong maabutan si Maine." nagmamadaling sabi ko pa sa kanya.

Nakakaunawang ngumiti naman sya sa akin at nagmamadaling pinaandar yung sasakyan nya.

"Pasensya na. Kailangan ko lang talaga syang makausap. Alam kong kailangan mo nang umuwi pero---"

Nakangiting hinawakan naman nya yung kamay ko.

"It's okay Prinsesa, sabi ko naman diba, gagawin ko lahat para maging masaya ka. At isa pa, may kasalanan din naman ako kung bakit nangyari 'to diba? So hayaan mong sa pamamagitan nito, makatulong ako para magkaayos kayo. Basta ipapangako mo na gagawin mo lahat ha para maging masaya kayo." sabi pa nya kaya napangiti ako.

My Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon