Charotera 12

18.5K 533 109
                                    

A/N: Eto na po yung update, pasensya na kung medyo maikli ha, wala kasing masyadong pumasok sa isip ko eh. Hanggang ngayon kase, masama pa rin yung pakiramdam ko. Pero promise, mapapangiti kayo dito kahit konti kase nakasmile ako habang nagttype. Natatawa lang kase ko, charot!

O sya, dedicated ulit sayo 'to See Are You Es Eych, kung bakit, hmmm, basahin mo na lang, hahaha! Pustahan tayo, matatawa ka din, mabilis ka pa mandin matawa, hahaha! Tse! O sya, ayokong magspeech dahil baka kung ano na namang pambabara yung gawin mo! Hahaha!

Yung song sa media box, na-LSS lang kase ko dahil dun sa magandang tinig nung isang taong kumanta non, hahaha! See? Tama ako, habambuhay yung title nya! Mali ka! Bleh!

P.S. Di ko ulit sya na-edit. Sorry kung may mali. Mwah!

-Chuckie <3 -

=================================================================

PRINCESS' POV:

"Pag minamalas ka nga naman!" naiinis na sabi ko habang masama yung tingin sa katabi ko. And leche lang kase sya, nakasmile lang. Kung makangiti sya para hindi maganda yung nangyari samin dito ah! Eh ako nga kanina pa namomroblema tapos sya, parang masaya pa.

"Pwede ba Maine, gumawa ka ng paraan, tulungan mo ko! Baka sakaling marinig pa tayo nung guard sa baba!" naiinis pa rin na sabi ko.

And kung tatanungin nyo ko kung anong nangyari samin. Well, na-lock lang naman kami dito sa booth. Nauna kasing umuwi si Marlo so nagpresinta tong si Maine na sa kanya na lang ako sumabay kase wala naman akong sasakyan. And syempre, dahil sya yung 'writer' sabi nya, baka pwedeng tapusin nya muna yung script bago kami umuwi. So, umoo na lang ako kase ako na nga lang yung makikisabay diba?

So yun nga, habang hinihintay ko sya, nakatulog ako, tapos paggising ko, ganito na, nakalock na kaming dalawa. Sabi nya, hindi nya namalayan yung oras and hindi sya napansin nung guard kaya nasaraduhan kami dito.

Nakakainis talaga! Sana pala hindi na 'ko pumayag na sa kanya na lang sumabay. Sana nagcommute na lang ako. Eh di sana nasa bahay na 'ko ngayon at natutulog na!

Tapos eto, imbes na tulungan akong kumatok ng kumatok at magsisigaw para tawagin yung guard, nakaupo lang sya at prenteng-prenteng nakatingin lang sakin. Nakakaasar diba? Parang natutuwa pa sya eh.

"Princess, kahit pilitin mo kasing sirain yang pinto, o sirain yang boses mo dyan sa pagsigaw-sigaw, eh mas maganda siguro kung uupo ka lang at tatahimik para makaisip ako ng pwedeng gawin para makalabas tayo dito." Kalmadong sabi nya.

Tumigil naman ako pero tiningnan ko sya ng masama.

"Kasalanan mo kasi lahat kung bakit tayo nandito!"

"And why is it my fault?" nakangiti pa ring tanong nya.

"I was about to go home pero you insisted na ikaw na lang yung maghahatid sakin dahil hindi safe magcommute. Yun pala may gagawin ka pa, kung hindi ka nagpumilit kanina, eh di sana nasa bahay na 'ko."

"Pero sabi mo kanina okay lang na maghintay ka diba?"

"Kanina yon, hindi na ngayon!"

Mas lalo syang natawa nang marinig nyang nagrarambulan na yung mga hayop sa tyan ko.

"Gutom ka na?" nakangiting tanong nya.

"Ay hinde, may naggrowl lang sa tyan ko."

"Whoa! You mean, there's a monster inside your tummy? Cool!" may patango-tango pa syang nalalaman.

"Oo at pag hindi ka gumawa ng paraan para makalabas tayo dito, sya yung papalabasin ko para lapain ka dyan!" inis pa ring sabi ko.

Nagugutom na nga yung tao, nakukuha pa nyang magpakapilosopa! Kinuha ko yung isang folder para ibato sa kanya.

My Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon