Charotera 28

12.7K 451 44
                                    

AN: O see? Sabi ko naman sa inyo eh, gagawan ko 'to ng paraan bago matapos ang taon. Haha. Pasensya na talaga kung hindi ako masyadong nakakapag-update ah, medyo busy lang kase. Pero sa totoo lang, wala pa naman akong planong mag-update sana kaso di matutuloy yung punta namin sa Baguio (sad story) kaya eto, naisulat ko sya. Haha.

Dedicated pala sa'yo 'to Erika. Pasensya na talaga kung natagalan ha. Dapat pang bday gift 'to eh. Sana makilala na kita sa personal at hindi yung puro kwento lang ng Ate Eiyh mo. Haha. Enjoy ka pala dito. Mwah!

O sya, di ko ulit inedit ha, bahala na kayong magbasa! Haha. Enjoy! Pasensya na rin kung medyo maikli, mamaya kase, may kasunod sya. Hihi.

================================================================

PRINCESS' POV:

"Hoy babae! Bakit parang hindi ka masaya? Eh hello, tama nga yung una nating hinala. Si Fafi Joel nga si JAM!" narinig kong sabi sakin ni Marlo kaya napalingon ako sa kanya. Ewan ko ba, kung noon ko pa sana nalaman na sya nga si JAM eh di sana ako na yung pinakamasayang babae sa buong mundo. Noon sana na humaling na humaling pa ako sa kanya at pinagdadasal ko lagi na mapansin naman nya sana ako at magising sya sa katotohanan na ako yung papakasalan nya pagdating ng panahon. Sana noon pa na sya yung nasa puso ko. Pero kase, iba na ngayon eh, iba na yung nagmamay-ari ng puso ko. Iba yung inexpect kong lalapit sakin at sasabihin na sya si JAM.

"Huy! Mas lalo ka namang nanahimik dyan beks! Yung totoo? Disappointed ka no? Iba yung inexpect mo no?" Sabi pa ni Marlo.

"Beks kase, alam mo yung feeling na may mali sa nangyari? Parang feeling ko kase, ugh! Basta. Ang hirap iexplain. Pero sa isang bagay lang ako sigurado ngayon. Hindi na talaga si Joel yung gusto ko." seryosong sabi ko.

Nagulat naman ako ng bigla akong may naramdaman na papel sa mukha ko. Hinampas pala ako ng baklang 'to ng script.

"Ang harot-harot mong kangkarot ka! Oo na, halata naman kung sino yung bet mo ngayon eh. Pero ang tanong, papa'no mo sasabihin kay Joel na hindi na sya yung gusto mong ikemerut? Kaya ko syang bastedin agad-agad?"

"Agad-agad talaga beks?"

"Malamang. Anong gusto mo, umasa pa sya sa wala? Hohopia pa 'yon Fi. Mas lalo syang masasaktan kung gagawin mo yon. Mas okay ng sa simula sya masaktan kesa naman aabot pa sya dun sa point na humaling na humaling na sya sa'yo bago mo sabihin na wala syang pag-asa dahil hindi mo naman sya mahal. Aba wag ganon Fi, kawawa naman yung tao."

"Oo na. Gets ko naman yung point mo. Grabe andami mo agad sinabi. Parang ang sama-sama ko tuloy. Wala naman akong sinabing papatagalin ko diba? Ang sakin lang, hindi ko alam kung papa'no ko sasabihin sa kanya diba? After nya mag-effort ng bonggang-bongga, sasabihin ko agad na wala syang pag-asa."

"Duh! Ganyan talaga buhay Fi. Hindi na uso masyado yung mga effort effort ngayon. Minsan kase ganito, andami mong gagawin para sa isang tao, yung eeffort ka ng bongga talaga para magustuhan nya, yung halos lahat ng gusto nya, gagawin mo pero biglang may isang tao na dadating na kahit walang gawin, magugustuhan nya agad. Lalandiin lang sya ng konti tapos magpapadala naman sya. Lahat ng nagawa mo sa kanya, mababalewala dahil lang don. Walang laban don yung pa-effort effort mo. Gets mo ba Fi? So habang maaga, sabihin mo na agad sa kanya. Wag mong hayaang umasa sya at magmukhang tanga."

"Hindi ko naman gagawin sa kanya yon. Ayoko naman kasi na pati friendship namin masira dahil lang don diba? Gusto ko sya pa rin yung bestfriend ko. Nag-iisip lang ako kung papa'no ko sasabihin sa kanya na iba yung mahal ko."

My Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon