Charotera 22

13.3K 418 22
                                    

A/N: Surprise surprise! Nagulat kayo no? Bigla akong nag-update dito, haha! papano ba naman, wala akong maisip dun sa SFY kase patapos na so sabi ko, try mo munang iupdate 'to kase baka namimiss nyo na sila Princess at Maine. Hmmm, pagpasensyahan nyo na 'tong update ko na 'to ha, pinilit ko lang kasing maisulat 'to eh. Halos 8pm na kasi ako nagstart magtype kase tinatamad talaga ako and hindi ko rin sure kung magugustuhan nyo 'to, haha. Bahala na, basahin nyo na lang, wala din naman kayong magagawa eh.

Hmm, di ko ulit inedit ha. Bahala na kayo pag may mali, hahaha! Enjoy guys!

Yung nasa media box pala yung pabebe girls, hahaha!

=====================================================================

PRINCESS' POV:

"Sinasabi ko na nga ba! Humarot ka! Humarot kang babae ka dun sa kubo nyo!" malakas na sabi ni Marlo habang hinampas-hampas ako.

Naikwento ko kasi sa kanya yung nangyari dun sa kubo nung nasa Laguna pa kami. Tanong kasi ng tanong. Ayoko pa sanang sagutin kaso binanatan ako ng linyang ganito kanina 'Akala ko ba walang secrets Fifi?' Kaya yon, wala na akong nagawa kundi ikwento sa kanya lahat. As in LAHAT-LAHAT.

"So ganyan dapat kalakas yung boses ha?" mahina kong sabi sa kanya.

"Sorry naman. Di lang kasi ako makapaniwala na ikaw ang unang dumamoves kay Maine eh. Akala ko ba reincarnation ka ni Maria Clara?"

"Ang kulit eh. Andaming sinasabi. Ayun pinatahimik ko. Ayoko ng masyadong madaldal at tamang hinala."

"Wooshoo! Ang sabihin mo, matagal mo na talagang planong samantalahin yung pagkababae nya. Matagal ka ng may pagnanasa sa kanya!"

"Eh ano ngayon kung meron? May problema ka don?" pag-amin ko. Kahit naman kasi hindi ako umamin, alam kong yun pa rin yung iisipin nya, so para matapos na lang yung usapan, oo na lang ako. At isa pa, 'MEDYO' totoo naman kasi yon.

"Harujosko! Ikaw ba talaga yan Fi? Umaamin ka na? Hindi ka na nagdedeny?" gulat na tanong nya.

"Bakit ko naman kailangang magdeny, eh kung totoo naman talaga? Pero ibang pagnanasa yung iniisip ko ha. Hindi tulad ng nasa isip mo!"

"Asus, bakit, ano ba sa tingin mo yung nasa isip ko?"

"Malamang kababuyan!"

"Ay judgemental kang babaita ka! Porke sa akin manggagaling, kababuyan agad? Oh di sige, ikaw na yung pa-virgin. Ikaw na yung walang alam sa kamunduhan. Ikaw na yung walang kaharutan sa katawan. At higit sa lahat, ikaw na ang reyna ng pabebe girls!"

"The fck! Pinagsasabi mo dyan! Ew, hindi ako pabebe no! Wala lang talaga akong alam sa mga ganyang bagay."

"Mamaya nyan Fi, kasama ka na sa magsasalita ng, 'hay, kame ang pabebe girl. At wala kayong pake kung pabebe kame sa mga bijo namin. At wala kayong karapatan dahil nanonood lang kayo.' Tapos Fi, bigla akong sisingit, ako si summa cum bebe! Sasabihin ko, 'tama kaya manahimik kayo! Hindi nyo kami mapipigilan' at doon na sisingit ang babaeng multo na magddialogue ng, 'tama na yan. Tumigil na kayo' o diba bongga! Sisikat din tayo!" tatawa-tawang sabi pa nya na gayang-gaya yung pagsasalita nung mga babae dun sa video.

Iiling-iling naman ako habang nakatingin sa kanya. Juice colored, bakit ganito yung binigay mo sa akin na kaibigan? Naging mabuting tao naman po ako diba?

"Pwede ba beks! Ako'y naaalibadbaran dyan sa pinagsasabi at pinaggagagawa mo kaya please lang manahimik ka na."

"Ay, hindi mo sinabing yung walang kilay pala yung gusto mo Fi?"

"Shut up!"

"Aish! Ang arte mo talaga! Kajirits ka! Sarap mong krompalin sa pagiging pabebe mo!"

"Eh kung sa'yo ko kaya gawin yon nang matauhan ka?"

My Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon