Charotera 31

14.8K 473 23
                                    

PRINCESS' POV:

"Naks naman Beks. All smiles talaga? Ganda ng gising natin ah." tukso sa akin ni Marlo pag-upo ko sa station ko. Ngumiti lang ako sa kanya. Ayoko munang magsalita, gusto ko munang namnamin yung happiness na naramdaman ko kagabi hanggang kaninang paggising ko.

Tulad ng inaasahan ko, wala na si Maine kanina sa bahay nung gumising ako pero may iniwan syang note and pinaghanda nya din ako ng breakfast. In fairness sa bruhang yon, nakaganda points sya don. Sa ginawa nyang yon, mas lalo ko tuloy nasigurado na tama talaga yung desisyon ko na bigyan ng pagkakataon yung nararamdaman ko para sa kanya.

"Ay o, ang baklang 'to, dinedma ang byuti ko. Hoy Fifi! Magsalita ka! Magkwento ka. Wag mong sarilinin yang kilig na nararamdaman mo ngayon at baka maihi ka dyan sa salawal mo!" narinig ko pang sabi ni Marlo kaya mas lalo akong napangiti. Totoo naman kasi, kinikilig pa rin talaga ako hanggang ngayon, hihi.

"Kapag hindi ka nagsalita dyan Princess Phoebe, hahalikan kita!" pananakot pa nya sa akin.

Nakangiti naman akong humarap sa kanya at ngumuso.

"Ay tomboy ka! Hindi ka na nandiri sa mga pinaggagagawa mo!" parang diring-diring sabi nya.

"O bakit, ikaw naman yung may gusto diba? Pagbibigyan lang kita beks. Go na, kiss mo na ako." sabi ko sabay lapit pa sa kanya.

Nandidiri naman nyang inilayo yung mukha nya sa akin at itinulak ako ng malakas habang nakangiti ng nakakaloko.

"Yan, yang taong yan yung halikan mo, wag ako!" sabi pa nya.

Nagulat na lang ako nang biglang may sumalo sa akin mula sa likod ko. Hindi ko naman mapigilan yung sarili ko na mapangiti nung nakilala ko kung sino yung taong yon. Okay, kalma lang puso, wag kang magulo. At kayong mga paru-paro kayo, manahimik kayo dyan.

"Goodmorning Love." nakangiting bati nya sa akin.

Anebenemenyen, umaga pa lang, buo na yung araw ko. Thank you Lord. I love you po.

"H-hi?" Sige Princess, utal pa.

"Ang cute mo talaga Love. Pero mas cute ka pag bagong gising." sabay kindat pa sa akin.

Naramdaman ko naman na namula ako ng bahagya, charot!

"Ayun naman pala, kaya pala ngiting-ngiti ang bruha, nadiligan pala kagabi. Nagsiping na pala sila ng manliligaw nya." bigla ko namang binato ng folder si Marlo sa mukha nung marinig ko yung sinabi nya. Leche, nakakahiya kaya! Baka akalain ni Maine, easy ako no!

"Bakla ka ng taon! Hindi namin ginawa yon no! Gaya mo pa ako sa'yo. Nakitulog lang yan kasi pagod na pagod na sya kagabi at hindi na magawang makauwi." depensa ko naman.

"So pinagod mo nga?"

"ASA ka?! Yan kasing sirang babaeng yan, hinayaan akong magdinner kasama ni Joel kagabi tapos pag-uwi ko, naghihintay lang sya sa bahay at nagugutom na daw. Adik din eh no?" sabi ko naman kay Marlo.

"Yes Love, adik talaga ako, adik na adik sa'yo." sabay banat naman ni Jarmaine kaya napangiti na naman ako. Ugh Princess, pigil-pigil din. Napaghahalatang patay na patay ka dun sa tao eh.

"Ayan, ang aga-aga, ganyan tayo. Landian. Harutan. Maganda yan, magandang panimula sa umaga nating lahat. Pero in fairness sa'yo Maine, ang sweet nung ginawa mo. Pwede bang maging lalaki ka na lang para aagawin kita dyan sa pakipot at nagmamaganda kong bestfriend?" tatawa-tawang sabi ni Marlo.

Inis na inirapan ko naman si Marlo. At may plano pa syang agawan ako ha. Nah, sa'kin lang si Maine no. Sa'kin lang sya.

"Ang selosa Fi. Hindi pa kayo nyan ha. Papa'no na lang kung kayo na?" tukso pa nya dahil hindi nakaligtas sa paningin nya ang pag-irap ko.

My Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon