Charotera 37

9.1K 388 28
                                    

AN: Wala akong maisip na AN. Ay meron pala, sasapakin ko talaga yung susunod na magcocomment ng bitin! Aba, hindi madaling magsulat no! Duh. 🙄👊

=============================

PRINCESS' POV:

"Uulitin ko yung tanong ko. Isa ba sa inyo yung ipapakilala sa akin na manliligaw ng prinsesa ko?" dumadagungdong yung boses ni Amang dito sa buong bahay.

Jusko. Papa'no ba naman kasi, nung unang beses na tinanong nya, wala ni isa man sa amin yung sumagot sa kanya.

Eh papa'no ba naman kasi namin sya sasagutin diba? Eh eto nga kami, namumutla habang nagpapalipat-lipat yung tingin sa isa't-isa. Shet naman kasi talaga, ang wrong timing ng pagpunta nila dito.

Napansin ko na palihim na nagtinginan sila Joel at Andy at nagulat ako nang pareho silang tumaas ng kamay. What the hell?! Seryoso ba silang dalawa?

Agad bumaling yung tingin ko kay Maine. Nakita kong na hawak-hawak ni Marlo yung kamay nya na para bang pinipigilan sya sa kung anong plano nyang gawin.

Agad namang nilapitan ni Amang sila Joel at Andy. Kinakabahang sumunod naman ako sa kanya. Mahirap na, baka kung anong gawin nya sa mga kaibigan ko. Oo galit pa rin ako sa kanila pero ayoko pa rin namang pahirapan sila ng Amang ko.

"Ikaw. Nagsisinungaling ka. Ikaw yung laging kasama sa larawan ng prinsesa ko sa peysbuk, at sinabi nya na hindi naman daw ikaw yung napupusuan nya." derechong sabi ni Amang kay Joel kaya mas lalong namutla yung bestfriend ko. Hala na. Lagot ka Joel.

"H-hindi p-po ako nagsisinungaling. H-hindi man po ako yung napupusuan nya, k-kabilang p-pa rin po ako sa mga manliligaw nya." pautal-utal na sabi naman ni Joel.

Eto yung mga sitwasyon na gusto mong tumawa ng malakas pero kailangan mong pigilin dahil malalagot ako kay Amang pag nagkataon. Pero kasi, ang epic ng itsura ni Joel eh. Feeling ko tuloy, nakaganti na ako sa ginawa nyang pakikipagsabwatan kay Maine at Andy. Chos!

Tumango-tango naman sa kanya si Amang bago hinarap si Andy na pinagpapawisan at putlang-putla na. Grabe, ang sarap nilang videohan. Yung tulad nung ginawa nila sa akin nung binratatat ako ng bunganga nung girlfriend ni Justine Martinez noon. Makaganti man lang, charot!

"So malamang ikaw yung napupusuan ng prinsesa ko?" seryosong tanong ni Amang kay Andy kaya bigla akong napatingin kay Maine.

Lihim akong napangiti dahil nakita ko sya na lulunok-lunok habang kabadong nakatingin kay Andy at kay Amang. Weak din pala 'tong babaeng 'to eh. Boo!

"H-hindi----" pero bago pa makasagot si Andy, bigla kong hinila si Amang pabalik sa dining table.

"Later na yan Amang. Kakarating lang nila at halatang gutom na sila kaya pakainin muna natin bago mo sila imbestigahan." nakangiting sabi ko sa kanya kahit medyo kinakabahan na rin ako. Papa'no na lang kaya kami mamaya after kumain diba? Alam kong hindi titigil si Amang hangga't hindi nalalaman yung totoo.

"Okay sige. Paupuin mo na yang mga kaibigan mo at nang masimulan na natin ang pagkain." sabi naman ni Amang kaya napangiti ako lalo.

At least hindi nya pinagpilitan yung gusto nya diba? Maswerte pa rin ako ng very very slight kahit papa'no.

Binalik ko naman yung pagiging seryoso nung humarap ako sa mga bisita ko. Gusto kong iparamdam sa kanila na hindi pa rin sila abswelto sa ginawa nila sa akin. Lalong-lalo na si Jarmaine na inirapan ko lang nung napansin ko na nakatingin sya sa akin.

Malungkot na ngumiti naman sya sa akin pero tinalikuran ko sya agad dahil baka hindi ko mapigilan yung sarili ko na yakapin sya. Hay, miss na miss ko na sya kahit isang araw lang naman kaming hindi nagkita. Ganito na ba talaga katindi yung epekto ng babaeng 'to sa'kin?

My Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon