Part 55

3.2K 52 3
                                    

Chapter 11 part 5

--

Ranz POV

Nandidito kami ngayon sa room at nagsasaya na parang may Victory Party.

" ... isang dougie nman dyan Ranz .." request sakin ni Biboy habang hinihila ako papunta sa gitna.

Sobrang ingay talaga dito sa room. Kanya kanyang hiyawan at tugtugan. Pero mas nangingibabaw talaga ang tugtog na Dougie.

" .. Hoy kanina ka pa poste dyan .." sabi sakin ni Ully.

" .. Ala ang KJ nman ..." pabirong sabi ni Owy.

Parang sira talaga tong si Owy, nagboboses bakla kasi.

" .. dougie! .. dougie! .. dougie! .." sigaw ng mga kaklase ko.

Wala na kong nagawa kundi sundin ang request nila.

--beat--

[] Teach me how to dougie,

te-te-teach me how to dougie

Teach me how to dougie,

te-te-teach me how to dougie. []

Habang sumasayaw ako, nahagip siya ng mata ko at dun napatigil ako.

" .. O ayan, nagawa ko na ..." sabi ko habang natatawa pa.

Nang makaupo ako, tumayo nman ang aming president nming si Girlie.

" .. classmates, may nabalitaan ako. May misunderstanding daw yung dalawa nating kaklase ..."

Don't tell me ... ka-kami yung tinu ..

" ... pabayaan na lang natin sila .. baka magalit pa yung mga yun ..." singit nman ni Ivy.

Hayy nakaluwag din ...

" .. tol, bakit parang kinakabahan ka? ..." tanong sakin ni Cav.

" .. ha? .. ako kinakabahan? .. ba-bakit nman? .." nauutal kong sagot sa kanya.

" .. naku tol, sinong niloko mo? .. e halata nga sa itsura mo e .. siguro ikaw yung tinutukoy noh? .." sabi pa niya.

Hindi na lang ako nakaimik sa sinabi niya.

" .. huh! sabi na nga ba .. nag-away na nman kayo ni Charlie noh? .." sabat niya.

Bago pa ako magsalita ay inunahan na agad niya ko ...

" .. di ko na kayo pakikialaman .. basta tol lagi mong tatandaan .. give love on christmas day ..." sabi niya.

Give love on Christmas Day?

Anong ibig niyang sabihin?

" .. alam mo tol, normal lang yan .." sabi pa niya.

" .. ang alin ba? .. ano ba ang normal? .." nagtatakang tanong ko sa kanya.

"... ikaw talaga.. gusto mo pang diretsuhin ko e .. siyempre normal lang ang mainlove o kaya magkacrush .." natatawang sabi niya.

" .. ano bang sinasabi mo? .. inlove? .. wala pa yan sa isip ko . kung ano ano na ang tumatakbo sa isip mo ." katwiran ko.

" .. tol lalake ako .. alam ko kung ano ang nararamdaman ng kapwa ko lalake .." seryosong sabi niya.

" .. Oo alam kong lalake ka .. pero promise nagkakamali ka sa iniisip mo .. peksman! ..." sabi ko.

" .. Oy ahh rinig nmin yun . yay! .. " singit nman ni Owy at Oliver.

" .. ikaw Ranz ha .. kung di ka pa nabuking, di mo pa sasabihin .." sabi ni Owy habang si Oliver ay kumakanta ng ..

" .. kapag tumibok ang puso ko, wala ka ng magagawa kundi sundin ito .."

Nagtawanan lang silang lahat ...

Charlie's POV

Kung kanina nangingibabaw ang tugtog, ngayon ang boses na ng mga lalakeng yun ...

Kanina pa sila nagkukulitan dun at may pakanta kanta pang nalalaman.

" ... excuse me po kay Ranz Ongsee .."

Lahat ay napatigil at napatingin sa pintuan kung saan siya nakatayo.

Tumayo nman si Ranz at pumunta sa kinaroroonan niya.

Habang sila ay nasa labas, tinuloy naman nmin ang kasiyahan.

After several minutes ....

Mukhang ang tagal ata pumasok ni Ranz ah .. Napatingin ako sa pintuan kung saan sila nag-uusap. Kita ko sa mukha niya ang pagkagulat at nangangatwiran pa sa kausap.

Maya-maya rin ay pumasok na siya sa room. Ibang iba yung itsura niya nung pumasok. Para siyang nabagsakan ng langit at lupa.

Sinusundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa upuan niya.

May sinabi siya kila Cav na ikinagulat din nman nila.

Nakita ko nman na tumingin sakin si Ranz pero ibinaling niya agad sa iba.

Ano kayang meron?

Ranz POV

Kung sa kailan malapit na ang sembreak, saka pa sumingit yung mahalagang lakad na yun.

".. tol, anong plano mo? .." tanong sakin ni Biboy habang kumakain kami sa canteen.

" .. e-ewan ko... di pa ko nakakapag-isip ng maayos .." sagot ko nman.

" ... kaming lima payag na .. sa totoo lang ikaw na lang talaga ang hinihintay ..." mahinang sabi ni Owy.

Napatingin na lang ako sa kanila.

" ... siguro bago matapos ang araw na to, nakapagdesisyon na ko ..."

=======================

to be continued ...

Gummy Worms with Ranz Kyle [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon