♥ 20

3.9K 62 3
                                    

Chapter 4 part 5

--

Ranz POV

Hayy Trigo .. bakit ba kasi ang hirap hirap mo?... Sa halip na natutulog na ko ngayon ng mahimbing, eto ako.. subsob ng kakaaral sayo .. Makicooperate ka na lang sakin bukas ha??

- after 10 minutes -

" .. makatulog na nga .. maaga pa naman bukas "

--

Charlie's POV

Nag-eexam na kami ngayon sa Trigo, kita ko naman na madali kaya nakatapos ako agad. Bago ko ipasa ang answer sheet ko, tiningnan ko muna si Ranz. Kitang kita ko siyang nangangamote na sa kinauupuan nya, mukhang di ata nag-aral.

- after a while -

" .. . Class, pass your papers forward .." sabi ni Sir.

Lahat kami nagpasahan na ng papel including Ranz.

Nang palabas na ko ng room, napansin ko agad ang isang grupo ng mga babae na tumatakbo papunta sa covered court.

" . . shett !! kainggit nman yung girl na yun .."

" .. haba na siguro ng hair nya ngayon .. "

" . . kaya nga bilisan na natin, baka di pa natin maabutan ang mga eksena dun .."

Dahil isa rin akong dakilang chismosa, pumunta rin ako sa covered court para tingnan kung ano nga ba ang meron dun..

Pagkarating ko napansin ko agad ang isang banner na may nakalagay na Can you be MINE? at sa gitna nito ay may isang guy na may hawak na gitara, di ko nman mahanap yung girl ang dami kasing babae dun e .. Dahil mamaya pa nman ang uwi ko, nanood muna ko..


RK's POV

Di ko maexplain ang test kanina, 50:50 .. 50 na madali, 50 na may pagkamahirap. Habang naglalakad ako sa hallway, nakita ko na maraming estudyante sa court. Sa daming tao, na-engganyo tuloy ako manood. Nakita ko agad ang isang banner na may message and then yung lalake na naggigitara. Puro hiyawan na lang ang naririnig ko sa mga katabi ko, halatang kilig na kilig.

Nang mapatingin ako sa kanan, napansin ko agad ang isang babaeng nakaupo sa gilid ng stage. Seryosong seryoso ang mukha nya.

Unang kita ko pa lang sa kanya, alam ko na agad na si Charlie yun kaya nilapitan ko ...

--

Charlie's POV

Eto ako ngayon nakaupo sa gilid ng stage kasalukuyang nanonood ng PBB TEENS .. grabe nman maghiyawan tong mga katabi ko, e wala pa nmang nangyayari .. Napatigil ako sa panonood ng biglang may nagsalita sa likuran ko ...

" .. . gusto mo bang gawin ko rin yan sayo?? . ." tanong nya habang nakangiti ....

Sino pa ba? e di si Ranz ...

" . . . kung ikaw lang din nman, wag na !! .. saka mag-aral ka muna, inuuna pa yang ganyan !! .." pagsusungit ko sa kanya.

Nagulat na lang ako ng bigla siyang tumawa ng malakas.

" .. . . naniwala ka nman? " sabi nya sabay tawa ulit ...

.

.

This time tumayo na ko ...

.

.

"Wow. So iniisip mong nag-aassume ako? Ako? Mag-aassume sayo?" turo turo ko pa yung sarili ko. Anytime baka masuka ako.

.

.

.

.

" ... weh? talaga? " sagot nya habang nakatakip ang isang kamay sa bibig nya ....

Bago pa man ako magsalita ay pinangunahan na nya ko ...

" ... pero kung gagawin ko yan sayo, mas romantic pa dyan " seryosong sabi nya habang nakatingin sa malayo.

Nagulat nman ako sa sinabi nya ... Di ko alam kung ano ang tumatakbo sa kokote nya ngayon ... o baka nman siguro trip trip na nman niya to !! .....

--

to be continued ....

Gummy Worms with Ranz Kyle [Completed]Where stories live. Discover now