♥ 15

4.2K 64 0
                                    


RK's POV

*Saturday

Sabi nya wala daw siyang camera kaya ako na lang ang nagdala. Pagkakita niya, bakit daw pipitsugin? sabi niya. Kung alam lang niya na nakipag-agawan pa ako sa kapatid ko para lang dito.

"Tara dun sa park!" yaya nya sakin.

Wala nman akong nagawa dahil pagkayaya nya ay bigla na lang siyang tumakbo papunta dun.

"Ranz, picturan mo to!" sabi nya.

" .. eto pa! . . " sabi nya ulit ..

" .. saka iyon pa .. " sabi nya sabay turo sa pamilyang nagpi-picnic sa plasa.

" .. . saka pati yung bata at yung sorbetero .. " sabi na naman nya.

Di na ko magkandaugaga sa kakaikot dito sa fountain para lang mapicturan yung mga pinagtututuro nya. Sunod sunod naman kasi ang turo nya eh, di ko alam kung magrereklamo ba ko o hindi.

Pero sa totoo pagod na talaga ako.

"Ranz iyo--- "

Bago pa nya tinuloy yung sasabihin nya, pinutol ko na agad ito.

" Iaw na nga ang magpicture! Ingatan mo yan ha? Mas mahal pa yan kesa sa buhay mo! " banat ko sa kanya.

Natahimik naman siya bigla...

"Edi ako na ang magpipicture."

"Paulit-ulit ka? Ano bang sinabi ko?" sarkastikong sabi ko.

Binigay ko na sa kanya yung camera at umupo na ko sa bench na malapit sa fountain.

Pagkabigay ko, tumakbo agad sya na parang magnanakaw lang.


Charlie's POV

Pinahiram muna sakin ni Ranz ang camera nya, dahil nagreklamo na siya. Lakas ng loob noh?! Siya pa may gana, ako na nga tong hanap ng hanap ng anggulo para maganda ang shot tapos sya pa magrereklamo.

Habang naglalakad ako ay tinitingnan ko yung mga kinuhanan ni Ranz. Ayos ayos naman kahit papano, may alam din nman kahit katiting. Sa di inaasahang pagkakataon, nakakita ako ng nag-aaway, lovers ata? Habang sila ay nag-aaway, ako nman enjoy na enjoy kakakuha sa kanila.

*click

*click

Meron silang shots na nakaluhod ang lalake, may umiiyak at meron nmang galit na galit ang mukha.

"Ayos 'to! Kakaiba!":


RK's POV

After 16420 years ng kakahintay sa babaeng yun, inabutan na ko ng gutom. Kaya bumili na ko ng ice cream na kanina ko pang pinaglalawayan. Habang bumibili ako ng ice cream, naisipan ko na ding ibili si Charlie. Pinalagay ko sa tinapay ang akin at ang kanya ay nasa cone.

Kung pwede lang ilagay sa tissue ang kanya, nagawa ko na.

Sama ko talaga.

Pagkabili ko tinawag ko na siya...

"Hoy!" sabi ko sa kanya at agad naman siyang lumapit.

"Mqy pangalan po ako."

Umupo kami sa bench malapit sa fountain. Pinapanood lang namin yung mga taong dumadaan.

"May nakuhanan ka na ba?" biglang tanong ko. Ang tahimik kasi.

"Marami na. Sarap ng buhay mo noh. Halos lahat ng pictures ako ang kumuha." pagmamayabang nito.

Tiningnan ko siya.

"Sure ka?"

Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at tiningnan ako.

"Oo sure ako. Punta mo na ako dun ha? Baka mahawa ako sa kaboringan mo."

Saka umalis.

♥~

Hinahanap ko ngayon si Charlie. Hindi ko talaga alam kung saan nagsususuot ang babaeng yun baka pinagtaguan na ako.

Lahat ng nkikita kong tao ngayon ay dire-diretso lang ng lakad maliban lang dun sa isang babaeng nakatingala. Parang siya yung nsa tv na manghang-mangha sa isang malaking bahay... ganun kasi itsura nya ngayon eh. Tutal mganda rin nman ang view, pinicturan ko na lang.

*click*

Pagkatapos kong picturan, zi-noom ko yung picture nya.

"Si Charlie to ah?"

Talagang palang napapaganda ng camera ang itsura ng tao sabi ko sa sarili ko habang natatawa pa.

Quarter to 6 na kaya medyo dumidilim na din. Tiningnan ko ulit siya at..

Teka asan yun?

Gummy Worms with Ranz Kyle [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora