Part 57

3.1K 63 10
                                    

Chapter 12 part 2

--

Charlie's POV

After ng three days na puro tambay lang, back to normal na ulit.

Nandidito ako ngayon sa pinakadulong upuan sa loob ng library. As usual, nagbabasa na nman ako nitong Albert Einstein Series.

Mukhang absent ang nagpapagulo ng buhay ko .. Himala!

Habang nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ay may kumulbit sa likod ko na siya nmang nilingon ko agad.

Speaking of .. nanggugulo, eto na nman siya.

".. ano na nman bang kailangan mo?! ...." sigaw ko sa kanya.

Pagkalingon ko bumulaga sakin ang matang nakakaloko at ang isang kilay na nakataas..

" .pwede ba wag mo kong sigawan ... ikaw daw ang cleaner ngayon .. IKAW LANG !! ..." sabi sakin ng kaklase kong mataray habang ineemphasize yung mga naka caps lock.

Oo na. Expected ko na nman.. Na-late kasi ako kanina kaya ayun nabigyan ng punishment.

" .. O s-sige, ako na ang bahala dun , pasensya na .."

Umalis nman siya agad pagkasabi nun. Pagkatapos ng ilang minuto, itinigil ko na ang pagbabasa at nilagay na ang libro sa bag, quarter to 5 na din kasi maglilinis pa ako.

" .. Good bye Ma'am .." paalam ko sa librarian at umalis na ako.

Ranz POV

Kumakain ako ngayon ng Gummy Worms habang itinatransfer yung mga pictures from camera to computer. Full na kasi yung pics sa cam kaya itinransfer ko na lang, sayang din kasi kung buburahin.

Nang pinindot ko ang arrow right key sa keyboard, lumabas yung picture nya. Picture nya kung saan nag-sesenti siya nung nasa park kami dati for our project.

Naaalala ko pa rin hanggang ngayon yung mga kulitan, bangayan at panggugulo ko sa kanya. Masarap kasi siyang asarin then once na bumanat siya, matatamaan ka talaga. Pero ngayon, wala na.

Sa mga oras na to, sino kaya ang kasama nya?

Siguro nagbabasa na nman yun nung librong black ang kulay na may picture nang isang matanda. Lagi ko kasing nakikitang hawak nya yun e.

Bago ako bumaba ay inopen ko muna ang twitter ko to check my account at saka para mag-tweet.

--- Mamimiss ko talaga lahat ng naexperience ko sa school na yun especially IKAW (c)

Tweet Sent

After nito ay bumaba na talaga ako. Kanina pa kasi nangungulit si Mommy e.

Nang bumaba ako ay may napansin akong babae na nakaupo sa sofa nmin.

" .. Ranz halika dito, may ipapakilala ako sayo .. " sabi ni Mommy habang nasa hagdanan pa ako.

Nang makarating ako dun ay umupo agad ako sa tabi ni Mommy. Nakita ko rin na lumingon yung babaeng nasa kanan at yung nasa kaliwa ata ay Mommy nya.

O.O

Oo ang ganda nung babae. Mukha pa siyang bata pero mahahalata mo nman na kasing edad ko lang siya. Makinis ang balat at.... matangkad. Ang ganda niyang ngumiti para siyang anghel.

" .. Ranz ito nga pala si Fritzie, kababata ko kasi yung Mommy nya kaya naimbitahan ko sila dito sa bahay ..." sabi ni Mommy sakin.

" .. Hi Fritzie, hi po..." bati ko sa kanila.

" .. Hi din .." bati nman ng Mommy nya.

" .. O sige Ranz, ipasyal mo muna siya dito sa village .. " utos ni Mommy.

Hindi na ko nakatanggi pa dahil halos lahat sila nakatingin sakin at hinihintay ang sagot ko.

" .. S-sure ! ..." sabi ko.

Agad ko siyang niyaya sa labas at sumama nman siya agad.

( Parke )

Kanina pa kami palakad lakad dito ah. Di ba siya napapagod?

" .. ano palang pangalan mo? .." mahinahong tanong ko sa kanya.

Tumingin agad ito sakin.

" .. Bingi ka ba? .. di ba naipakilala na nga ako ng Mommy mo? .. binati mo pa nga ako kanina e .." malakas na sabi niya sakin.

Ay galit agad? . Akala ko mahinhin siyang tao. Di pala.

" .. tinatanong lang nman e .. nakalimutan ko kasi, sorry ha? .. tara upo tayo dun .." I said sarcastically sabay turo dun sa vacant chairs.

Pumunta nman siya agad dun sa tinuro ko pero sa kabilang bench siya umupo.

" .. ah hindi dyan .. dito o .." sabi ko sa kanya bago pa siya makaupo ng tuluyan.

" .. e di dyan ka umupo .. basta dito ako.." sabi niya.

Ano ba talagang problema nitong babaeng to?

Pero sa nakikita ko para siyang si Charlie. Yung galaw at pananalita nila, parehas na parehas.

Charlie the second?

===========================

to be continued ...

a/n:

Salamat pala sa lahat ng mga readers at sa mga nagcocomments. :)

Pasensya na pala sa napakaikling UD na to.

Vote lang kayo ha saka comment na din.

Merry Christmas !!!!!

Gummy Worms with Ranz Kyle [Completed]Where stories live. Discover now