Part 46

3.3K 49 4
                                    

Chapter 10 part 1

--

Intrams - Day 1

Ranz POV

Ilang minuto na lang, lalaban na kami. Sana nman kahit papano makashoot man lang ako.

" ... Tol magmedyas ka na, tulala ka na naman dyan ... ". rinig kong sabi ni Cav.

Kanina pa pala ako nakaupo dito. Actually hinihintay ko lang na tawagin ang section namin.

Speaking of ......

" ... Boys! section na natin ang maglalaro. . bilisan niyo punta na kayo dun ... " sabi ng president nmin.

Eto na naglalakad na kami papunta sa gym. Kailangan hindi masayang yung pagpapraktis ko.

Kaya namin to.. Makakahawak din kami ng trophy.

Ilang steps na lang nasa gym na kami nang matanaw ko si Charlie na papalapit sakin.

" .. wag kang babading bading dun ha? .. may tiwala nman ako sayo ... Goodluck na rin ... ". sabi niya.

Nang marinig ko ang mga salitang yun. Bigla na lang ako nakaramdam ng ginhawa sa loob loob ko. At parang mas naengganyo pa ko panalunin tong laban na to ...

" ... sabi na nga ba.. hahanga ka din sakin ... wag kang mag-alala papanalunin nmin to ... para rin nman to say- este para sa section natin ... ". sabi ko

Ano ba tong sinasabi ko?? .. Ganito ba talaga pag first time.

" .. tama na nga ang daldal.. punta ka na dun ... ". sabi niya habang tinutulak ako.

" ... isang goodluck paste nman dyan .." pagbibiro ko.

Pagkasabi ko nun ay nakita ko na nman ang tingin nya na napakasama.

" .. MAARTE KA !! ..."

ito yung huling narinig ko sa kanya bago pa ako hinila ni Cav para sa first 5.

Charlie's POV

Sobrang ingay na talaga dito sa gym. Kanya kanya silang cheer sa first 5 ng section nmin. Kahit di namin sila kaklase or kalevel.

Dito na ko pumwesto sa stairs para makita ko ang lahat.

Maya maya bigla na lang may umirit ng sobrang lakas at sobrang tinis sa likuran ...

" ... Waaaaah! Go Ranz ... " rinig kong sabi nya.

Grabe nman to .. feeling niya NBA Game to para makasigaw ng sobrang lakas. Nakakabingi kaya.

Maya maya pa'y may dalawang player na pumwesto sa gitna habang nakatingin sa bola na hawak hawak ng referee.

Hindi pa ko nakakakurap ay naagaw na agad ito ni Villafuerte #2, si Cav yun ..

Grabe ang bilis nman ng galaw ng mga kalaban. Nakuha agad ito ng kalaban.

te-teka bakit puros matatangkad ang naglalaro?

Asan si Ranz?

=============================

Gummy Worms

Gummy Worms with Ranz Kyle [Completed]Where stories live. Discover now