Chap. 14-1 The Truth

3.3K 61 5
                                    

Chapter 14 part 1

--

Charlie's POV

.

.

.

.

" .. te-teka san mo ba ko dadalhin? .."

" .. kung saan magiging maligaya ka .. "

" .. ano ba! bitawan mo nga ako .. "

" ... wag ka ng maingay please.. hindi nman kita ibebenta .."

" .. bitawan mo na kasi ako .. para nman tong ewan e ..."

" .. relax lang.. andito na tayo.. wag ka ng magreklamo .." mahinahong sabi nito.

Hayy ang ganda talaga ng storya na ito. How I wish ganyan rin si Mr. Right Guy. Swerte nman nung babae, di nman siya kagandahan pero nagkagusto sa kanya ang isang mayaman slash gwapo na lalake.

Andidito ako ngayon sa seat ko at nagbabasa ng Moment of Truth The Sequel. Nakakainlove talaga si Nico Wilson

" .. di ka na ba nagsawa dyan sa binabasa mo? .. kung hindi Einstein, yang MoT na yan ang binabasa...." sabi niya sakin.

Sinarado ko na ang libro ko at hinarap ko siya.

" .. ano bang pakialam mo sa binabasa ko?! .. wala ka ng ibang ginawa kundi sitahin ang ginagawa ko ..." inis na sagot ko sa kanya.

" .. magbasa ka kaya ng K-Zone.. para magkaroon nman ng kulay yang utak mo .." sabi nito.

" .. uhmm, gusto mo exchange tayo? .. akin na ang K-Zone mo, iyo tong libro ko.. ano? payag ka? .." pabulong na sabi ko.

Masyado siyang matagal sumagot na para bang naghihintay pa ng pagbagsak ng SM.

" .. sige ba .. matesting ko nman ang kakornihan mo .." sabi nito.

Kakornihan pala ha?!

Ibinato ko sa kanya yung libro ko at .. ibinato rin niya sakin yung K-Zone niya. Grage di ako ready dun ha..

" .. matingnan nga kung bakit kinaadikan ito ni Ranz ..." sabi ko sa isip ko.

Binasa ko ito nang walang pagmamadali. May mga drawings din dito na nakakatuwa at ilang mga tips na puro kalokohan. Marami rin akong nalamang mga trivia at mga iba't iba pang facts.

Matapos kong basahin ito ay isa lang ang masasabi ko " nakakaenjoy " .. Lalo na yung mga pranks na nabasa ko..

Pagkasara ko ng K-Zone, tiningnan ko si Ranz. Hindi ko maintindihan ang itsura niya, may time na nakita ko siyang nakangiti na halatang di pinapahalata. Kinikilig siguro:).

" .. Time is up! .. tapos na ko magbasa kaya ibalik mo na yan sakin .." sabi ko habang binubuklat buklat ang K-Zone niya.

Mukhang di nya ko pakinig at parang nag-eenjoy siya sa lagay niya.

" .. Ranz akin na kasi, di ko pa tapos yan e .." sabi ko.

Narinig na ata niya ako dahil bigla siyang tumingin.

" .. Maghintay ka nga! .. kita ng nagbabasa pa ang tao e .." sabi nito.

" ... tao? ows? di nga? ..tao ka? .." pabirong sabi ko.

Maya-maya rin ay ibinalik na niya sa akin ang libro ko at ibinalik ko na rin sa kanya yung K-Zone.

" .. ano ba yan! .. gusot na agad e.. nagbasa ka ba? o ginusumot mo lang? .." tanong ko sa kanya habang tinutuwid ang bawat pages.

Gummy Worms with Ranz Kyle [Completed]Where stories live. Discover now