There's only One thing .......

3.1K 59 7
                                    

Chapter 13 part 5

--

Charlie's POV

Eto na kami ngayon at naglilinis ng napagabok na room. Walis doon, punas dito, floorwax doon, laba dito.

" .. ikaw na maglaba nito ha .." sabi niya habang naglilinis ako.

" .. aba, bahala ka! .. ikaw ang gumamit nyan tapos ako ang paglalabahin mo, sinuswerte ka ata ...." sabi ko.

" .. bilis na nman, ikaw na maglaba nito.. expert ka nman sa paglalaba .." sabi niya habang natatawa.

" .. ayoko nga! .. ikaw na kasi.. siguro di ka marunong noh? .." tanong ko.

" .. Oo na, hindi na ko marunong .. hindi ko nman kasi ginagawa ang paglilinis na 'to at paglalaba ..." mahinahong sabi niya.

Parang bigla nman akong naawa sa kanya, paawa kasi ang itsura e.. Pero may isang side na gusto kong tumawa.

Napatawa na lang ako ng biglaan sa sinabi niya..

" .. anong sabi mo? .. hindi ka marunong? .. e anong alam mong gawaing bahay? ..." tanong ko sa kanya.

*tik tok*

" .. Paglalaro.." maikling sagot niya.

Napatingin nman ako sa kanya sa dahil na rin sa sinagot niya.

" .. paglalaro? . kelan pa naging gawaing bahay ang paglalaro? .. " nagtatakang tanong ko sa kanya.

--

Sa sobrang tagal nyang magsalita ay ako na rin ang sumagot sa tanong ko.

" .. hindi yun gawaing bahay.. ang gawaing bahay ay katulad ng ginagawa natin ngayon, naglilinis.." napatingin nman siya ng sinabi ko 'to.

Bago ko makalimutan, yung basahan pa pala, di nya pa nilalabhan..

" ... akin na yung basahan, ako na ang maglalaba.." sabi ko.

Agad nman niyang iniabot sakin ang basahan at nung papalabas na ko ay bigla siyang nagsalita.

" .. sama ako .. " di pa ako pumapayag ay sumunod na agad siya skin.

Oo nga pala.. matatakutin nga pala 'to. Baka mamaya mamutla pa ito sa takot.

--

Nandito na kami ngayon sa washing area at kasalukuyang naglalaba ng basahan.

Tinitingnan nya lang ako habang naglalaba. Ay hindi pala ako, yung basahan. Sobrang tahimik niya at pinagmamasdan lang yung basahan.

" .. pwede pa-try? .." mahinang sabi niya.

" .. O sige ba.. " agad kong iniabot sa kanya yung basahang may sabon.

" .. pano ba? .." tanong niya.

" .. hawakan mo yung magkabilang dulo tapos kusutin mo ..." sabi ko.

" .. pano ba magkusot? .." tanong niya.

Naku naman!

" .. yun bang ira-rub mo sila sa isa't isa. Hawakan mo 'to o tapos irub mo ..." sabi ko.

Agad nman niyang ginawa ang sinabi ko at nakita ko nman na tama ito.

Ngayon ko lang ulit siya nakasama ng ganito. Na walang may bad mood samin at nagkakasundo kami. May side din pala ang lalakeng 'to na mababaitan ka kaya pala ang daming nagkakagusto sa kanya. Akala ko pure yabang itong si Ranz, pero akala ko lang pala.

- ang paglalaro ay isang gawaing bahay p.s. -

Ranz POV

Hanggang ngayon ang lamig lamig pa rin ng kamay ko dahil sa pagkukusot. Nakakabano pala yun kapag di ka sanay. Pero atleast may natutunan ako sa babaeng yun.

Nandidito ako ngayon sa kwarto ko at nagsa-soundtrip para makatulog.

[] There's only 1 thing 2 do 3 words for you

I love you

There's only 1 way 2 say those 3 words and that's what I'll do

I love you []

ZZZZZZzzzz-_-

«»«»«»«»«»«»«»«»«»«»«»«»«»

Ranz POV

.

.

.

.

" .. Charlie pahiram nman ng libro mo, naiwan ko lang ang akin .." sabi sa kanya ni Jed na katabi ko ngayon sa corridor.

" .. kuhanin mo na lang dun sa bookshelf, 46 ang number ..." sabi nito at agad ng umalis.

Sinamahan ko si Jed sa pagkuha ng libro.

". .. Ano ba 'to! .. parang di libro ng babae e .." pagrereklamo ni Jed habang tinitingnan ang libro.

Pagkakita ko sa libro parang agree ako sa kanyang sinabi ' parang di babae '. Yung libro niya parang naiwanan na ng landas sa sobrang gusot at tupi tuping dulo nito. At hindi pa nakuntento pati yung plastic cover, punit punit na din..

.

.

.

.

"... di nman talaga babae yun .." sabi ko at sabay kami nagtawanan habang papunta kami sa canteen.

»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»

to be continued ...

MynameisCha

Gummy Worms with Ranz Kyle [Completed]Where stories live. Discover now