♥ 2

6.3K 108 4
                                    

Charlie's POV

Hanggang ngayon usap usapan pa rin ang mga bagong estudyante na yun. Inaamin ko na-disappoint talaga ako sagad sa bones.

"One direction ba?" tanong ko sa kaklase ko. Sa sobrang daming tao dito sa hallway, di na rin kami magkarinigan pati na rin sa sagot niya. Idinaan ko na lang sa galaw ng bibig niya 

"Thriller "

Di ko sure kung thriller ba talaga o baka feeler pero alam kong may 'er' sa dulo. Baka directioner!!!

Nung pumasok sila sa room. Naghiyawan na naman sila. Para silang mga santong binabasbas ng mga kaklase ko.

At ang weird pa dahil 'Hi!' pa lang ang nasasabi nung isang member ay kung maghiyawan na eh parang nasagot ang pinakamahirap na tanong sa mundo.

Gaano ba sila kasikat? Nalamangan na ba nila ang Lee Min Ho ko? Ang One Direction ko?

♥~

Physics Time na namin ngayon at nagkwentuhan lang kami. Pakilala isa isa since bago rin yung teacher.

"Get 1/4 sheet of paper..." sabi ni Sir.

"Sir may quiz poooo?"

"Ala sir may quizzzz?"

Hala. Sabog ang notif ni Sir.

"Hindi pa ko tapos. Write your name, your birthday and signature."

Nakahinga naman kami ng maluwag. Akala ko kasi magpapagawa si Sir ng essay na tungkol sa bakasyon namin.

Simula 1st year, uso na ang hingian ng papel. Kaya ako, yukong yuko dito pra walang makakita.. Habang pinipilas ko ang papel sa ilalim ng table ko, my naramdaman akong kumulbit sa likod ko.

-_-

Lumingon ako at ngumiti. Kahit sa loob loob ko sumisigaw ako ng Wag ang papel ko please. "Pahingi naman ng papel." sabi ng nametag niya, siya daw ay si Ranz.

"Papel ko?"

"Oo."

Buena mano na may manghihingi sakin baka magtuloy tuloy 'to. Naniniwala pa naman ako sa sinasabi ni mama.

"Wala ka bang papel? Anong laman ng bag mo?" tanong ko. Please sa iba ka na manghingi.

"Ballpen, notebook at tubig. Nasagot ko na ba tanong mo?" mukha na siyang naiirita pero go pa din ako.

Madamot ako. madamot.

"Ah pilas ka na lang sa notebook mo, yung kasukat ng 1/4. Pwede naman yun." suggestion ko.

-___-  ← Siya

:D :D    ← Ako

"Kahit isang papel lang miss. Bigyan mo na ako. Nagpasahan na sila, tayong dalwa na lang hindi " sabi nya.

Aww. Galit na siya. 

Bigla naman akong naalarma sa sinabi niya. Tumingin ako kay Sir at may hawak na nga siyang papel. Oh no!

Agad akong pumilas at ibinigay sa kanya.

Dali-daling nagsulat at ipinasa. "Yung iyo?" tanong ko sa kanya 

"Napasa ko na."

"Bilis naman. Magic!" tumalikod na ako. Tahimik sa room nang may maramdaman akong mainit na hangin malapit sa tenga ko.

"Madamot ka kasi. Madamot."

---------------------

To be continued..

Hi readers! Plapit na ng plapit ang pasukan. Basa lang kayo ha.

Love you guys!!

Gummy Worms with Ranz Kyle [Completed]Where stories live. Discover now