♥ 36

3.6K 62 5
                                    

--

Ranz Kyle

" .. Class, malapit na ang intrams nyo. Sana nman kahit isa may maipanalo kayo .." sabi ni Mr. Lescano.

" .. Ibig sabihin pala di pa nananalo tong section na to sa Intrams?? .. " pabulong na sabi ko sa sarili ko.

Pagkatapos kong sabihin ito ay bigla na lang may narinig akong nagsalita.

" .. . Oo . . bakit aangal ka?.. masyado kasi kming focus sa academics e .. " pagmamayabang ni Charlie.

Nakalimutan ko pala na katabi ko na siya simula ngayon dahil nagbago na ng sitting arrangement.

" .. . huh !. . pag ako naglaro . . . para mo na ring pinanood si Michael Jordan ng live !! " pagmamayabang ko sa kanya.

Bigla nman siyang napatawa sa sinabi ko.

" .. . Ows? ... Talaga? . . bukod dyan ano pa bang joke ang alam mo?? .. " sabi nya.

-_-

" .. . hindi to joke noh ! at kung joke man to sayo ... 90% of joke is true and that's a fact !! " sabi ko ..

" .. . atleast may 10% pa na hindi totoo !! .. pa 90 90% ka pa dyang nalalaman .. " she said.

Maya maya bigla na lang nag-bell na hudyat na recess na .. Agad nman siyang umalis at pumunta sa mga kaibigan nya.

" .. . talagang babaeng yun ! wala talagang kabilib bilib sakin .. " pabulong kong sinabi sa sarili ko.

Habang nililigpit ko ang notebook ko na pinagsulatan ng FLAMES ni Charlie ay bigla na lang may umagaw nito sakin.

" .. . pare ano to? FLAMES? .. ginagawa mo rin pala ito? .. " sabi ni Ully sabay tawa.

" . . ah - eh hindi ah .. si Charlie ang gumawa nyan sa notebook ko .. " paliwanag ko sa kanya.

" .. kala ko ikaw , bakla at mga babae lang ang gumagawa nito noh ! .. " sabi nya at binalik na sakin ang notebook ..

" .. . Sige una na ko sayo Ranz .. May pupuntahan pa ako at saka may praktis pala tayo sa MDS mamaya .. " sabi nya sakin at umalis na ...

Mag-isa lang ako ngayon sa room dahil lahat sila nagrerecess...

Habang kumakain ako ng Gummy Worms ay may sumitsit sakin ...

Psssst !

Pssst !

Psssst !

Hinanap ko sa paligid ko kung may tao ba pero wala nman kahit isa kahit anino ... wala ...

Dirediretso lang ako ng kain dito, di ko pinapansin ang mga sitsit sakin, hanggang ngayon di pa rin siya tumitigil ...

Nagulat na lang ako nung biglang bumagsak yung mga notebook sa ibabaw ng table malapit sakin at bigla na lang humangin ang kurtina. Dun na ko napatayo at gusto ko ng lumabas ....

Pawis na pawis na ko sa sobrang takot .. Oo ! aaminin ko matatakutin talaga ako ..

Habang papunta na ako sa pintuan nmin ay may narinig na lang akong nagtatawanan sa may bintana ...

" .. .te-teka parang sila Cav yun ah? .. " sabi ko sa isip ko ..

Nung may nakita akong anino sa may bintana ay nawala ang takot ko ... at lakas loob kong pinuntahan ang direksyon na yun ....

--

Charlie's POV

" .. o ano? tara na !! .. " yaya ko sa kanilang lima ..

Nang malapit na kami sa room ay naghiwalay na kami. Kaming dalawa ni Cav ay nasa ilalim ng bintana, si Owy nman ay nsa ilalim ng table malapit sa target nmin, si Ully at Oliver nman ay nasa may kurtina para sa hangin effect at si Biboy nman ay nasa ilalim ng isang bintana malapit samin ....

" 3 . . 2 . . 1 . . go ! " signal ko sa kanila ..

Sunod sunod nming sinisitsitan ang target at nakita nmin siya na nagulat ..

Tawa lang kami ng tawa dito sa gilid. At nakita ko rin na binagsak na ni Owy ang mga notebooks sa mesa sabay hangin effect ....

Pagkatapos nun ay nagtawanan na nman kami at dun napatayo si Cav sa sobrang tawa habang hawak ang tiyan ....

" ... . Cav !! yuko .. " sabi ko sa kanya ..

Pagkasabi ko nun ay bigla na lang akong may narinig na ....

" . . Cav? "

--

Ranz POV

Pumunta ako sa bintana nang lakas loob at nakita ko sila ...

" . . Cav? "

Agad nman silang napatingin sakin. Di ko akalain na matatakot nila ako nun ng sobra ...

" .. . ra-ranz!! " rinig kong sabi ni Owy ..

" .. . ano ba nman kayo?! ..." inis kong sabi sa kanila.

Lahat sila ay nagtinginan sa isa't isa ...

" .. . sinong may pakana nito?! .. " tanong ko sa kanila ...

Tumingin sila lahat kay Charlie at sabay turo.

Nakita ko nman na napatingin sakin si Charlie at tiningnan ko lang siya ng masama .....

Charlie's POV

Patay !!

Nahuli na kami, nakita ata si Cav ...

Para tuloy kaming mga preso dito sa tabi ng bintana habang may payat na pulis sa harapan nmin ...

" .. . sinong may pakana nito?! .." pagalit nyang tanong samin.

Ramdam kong tumingin sila sakin at nakita ko na lang na tinuro nila ako..

Agad nman akong napatingin kay Ranz at nakita ko siyang nakatingin sakin ng masama ...

Nakakainis talaga tong limang to, nilaglag na ko .. Lahat nman sila umagree sa sabi ko kanina ....

After 1435754 years na pagtitig nya skin ng masama na halos pati laman loob ko ay matunaw na.

Umalis siya sa harapan nmin .....

Pagkaalis nya ay nagtawanan na ulit kming anim .....

" .. . laughtrip talaga kanina ... " sabi ni Owy habang natatawa ...

" .. pero nilaglag nyo ko !! .. " sabi ko habang naka fake smile ...

Lahat naman sila ay nagtinginan ulit at sabay sabay nagtawanan ...

--

Xiao-Lin

Gummy Worms with Ranz Kyle [Completed]Where stories live. Discover now