Part 45

3.2K 51 6
                                    

Chapter 9 part 5

--

Charlie's POV

Kumakain ako ngayon ng french fries ng biglang may nagsalita sa likuran ko.

" ... kaya ang payat payat mo e.. yan lang ang kinakain mo ... "

Sino pa ba? .. e di ang nagpapabasag ng katahimikan ng buhay ko.

" ... wow! nagsalita ang mataba at may laman.. e kung payat ako, ano ka pa? ...... buto buto? ...". sabi ko.

" ... eto naman nag-aalala lang nman ako sa kalusugan mo.. kumain ka kaya ng masustansya nang magkalaman ka nman kahit papano ..." sabi niya.

Feeling talaga nito na mataba siya. Tiningnan ko lang siya ng masama.

" .... Naku hindi ko kailangan ng pag aalala mo.. at saka bakit ka ba nangingialam sa kinakain ko?.. bakit hindi ikaw ang kumain ng MASUSTANSYANG PAGKAIN PARA MAGKALAMAN KA NAMAN KAHIT PAPANO ....". inis na sabi ko sa kanya.

Sumandal siya sa punong malapit sa kinauupuan ko.

" ... relax ka lang.. ang ayos ayos ng pakikipag-usap ko sayo tas ganyan mo ko sinasagot. Ang sakit kaya sa pakiramdam nun ... ". sabi niya habang nagpapaawa.

" ... Maarte ka ! wag mo kong idaan dyan sa paawa mo, ... " inis na sabi ko sa kanya.

Nakita ko nman na tumawa lang siya na parang walang bukas.

" ... Sige alis na ko. Mukhang napipikon ka na e ..." sabi niya.

" ... mas mabuti pa nga. ." sabi ko at ipinagpatuloy ko na ang pagbabasa.

Tiningnan ko lang siya habang papalayo sakin.

Maya maya tumingin din to sakin at ngumiti.

:)

Ranz POV

Mukhang napasobra ata ang kayabangan ko kanina .. pero atleast napasaya niya ko ngayon.

Uuwi na ko ng maaga.. kailangan na talaga ng paspasang praktis para bukas ....

=============================

Gummy Worms匕川

Gummy Worms with Ranz Kyle [Completed]Where stories live. Discover now