Part 48

3.2K 60 1
                                    

Chapter 10 part 3

--

Charlie's POV

Nakalagpas na kami sa maraming tao kakatakbo pero ramdam ko pa rin ang maraming mata na nakatingin pa rin sa amin.

" .. dyan ka lang ha? .. para madali kitang makita. Pupunta na ko dun .." sabi sakin ni Ranz.

Pagkasabi niyang yun ay umalis na siya at tumakbo papunta sa court.

KRRIIINNGGG!!!

Start na uli ang game. At yun nga pumasok na si Ranz sa gitna.

" .. Go Ranz!.." cheer nung isang babae sa likuran. Nilingon ko ulit ito, at yun na nman yung babaeng humiyaw kanina.

Tumingin ulit ako sa mga naglalaro at nakita ko na lang na may puntos na kami.

Grabe masyado atang naagaw nung babae ang atensyon ko. Di ko tuloy alam kung sino ang naka 3 points na yun.

Binaling ko na ulit ang atensyon ko sa court. Nakita ko, na ang nagdidribble ay si Ranz. Shinoot nya ito, pero kapos.

Bigla talagang umiingay pag na kay Ranz na ang bola.

Maya maya pa'y na kay Ranz na ulit ang bola. Dinribble nya ito at nang ishoshoot na ... bigla na lang may tumulak sakin mula sa likuran ko kaya naagaw na nman ang atensyon ko.

Napaaray nman ako sa ginawa niya pero hindi ko na ito pinarinig.

" .. so-sorry miss ..." sabi nman nung guy.

Nag-nod na lang ako sa kanya. Binaling ko na lang ulit yung atenyon ko sa mga players.

Tambak na nmin ang kalaban pero di ko pa rin nakitang nashoot ni Ranz yung kanina.

" .. sana nman maishoot na yan ni Ranz ..." sabi nung guy sa tabi ko.

Ibig sabihin pa nakakashoot si Ranz ng bola simula kanina pa, puro lang hawak?

Agad akong tumingin sa mga naglalaro. Nakita ko na lang nashoot ni Ranz yung bola for 3 points.

Naging crowded ulit ang buong gym dahil sa points na yun.

Nakita ko nman na tumingin sakin si Ranz na nakangiti then he mouthed the word " nakashoot ako "

Natawa na lang ako sa sinabi niya, ang proud na siguro niya ngayon sa sarili niya.

Ranz POV

Grabe nakashoot rin ako sa wakas! ... Ang dali pa lang kalabanin ng mga to, kayang kaya ko e ...

Bigla ulit nag-bell na naghuhudyat na tapos na ang 2nd quarter. Agad akong nagpahinga sa pwesto ko. Habang umiinom ako ng tubig ay tiningnan ko saglit si Charlie sa taas.

Kita ko siyang nag-iinat ng tuhod sa sobrang ngalay ata. Kaya kinuha ko yung upuan sa tabi ko at pumunta ako sa kinaroroonan niya.

" .. O umupo ka muna ..." sabi ko sa kanya.

Tiningnan niya yung dala ko at kinuha niya.

" ... hayy salamat bumait ka rin. .." sabi nman niya sakin sabay ngiti.

" ... mabait nman talaga ako, pero sayo hindi ..."

Bigla nman naalis ang ngiti sa mukha niya pagkasabi ko nun.

" ... joke lang, cool ka lang ..." sabi ko sa kanya.

Bigla ulit nag-bell at naghudyat na magsisimula na ang 3rd quarter.

" .. sige alis na ko..." paalam ko sa kanya.

Nagnod nman siya sa sinabi ko pero wala na yung ngiti sa mukha niya.

Tumakbo na ko pababa at pumwesto na sa gitna. Tiningnan ko ulit siya pero seryoso na yung mukha niya. Mukhang nagalit ata.

Charlie's POV

" ... mabait nman talaga ako, pero sayo hindi ..."

Ito yung mga salitang narinig ko bago pa magbago ang aura ko. Sabagay matagal ko na nman pansin na sa akin lang niya ginagawa yung mga bagay na nakakainis. Kaya imposibleng di ako magtaka kapag gumawa siya ng kabutihan sakin.

Pero bakit ganun? .. para kasing ang sakit ng dating sakin lalo na kapag lalake ang nagsabi.

Nanood na ulit ako ng laro pero hindi na ganun ka jolly parehas kanina. Sa estado ng game ngayon, nalamangan na kami ng kalaban ng 5 points. Mukhang nalaman na nila ang mga pasikot sikot ng aming mga players kaya ganun na lang nila ito kabilis nalusutan. Kahit hawak ni Cav ang bola, nakuha pa din ito ng kalaban.

Mukhang delikado ngayon ah ...

Heidi's POV

Nandidito ako ngayon sa likod ng upuan ng players nmin. Grabe kani-kanina lang, nasa amin ang bola. Ipinasok lang nila si Kamote, nahirapan na agad kami dumepensa.

Ang laki na ng lamang nila kesa sa amin. Wala nang nakakashoot sa team nmin puro na sa kalaban.

Hawak na ni Ranz ngayon ang bola. Puro mga kalaban ang nakapalibot sa kanya. Halatang nahihirapan siyang ipasa sa kateam mate nmin.

Narinig ko na lang ang bell na ibig sabihin tapos na ang 3rd quarter.

Pumunta agad ang mga players sa upuan nila.

" ... Cav galingan niyo ha? .. kaya niyo yan .." sabi ko sa kanya.

" .. Oo nman. Pero ang hirap e, lumakas yung team nila hindi katulad kanina na kayang kaya namin..." sabi nito.

" ... Kaya natin yan tol ... tiwala lang .." singit ni Ully habang nagpupunas ng pawis.

Bigla ulit nagbell na magsisimula na ang last quarter. Ang baba pa rin ng score nmin kesa sa kanila.

========================

to be continued ...

A/N: thanks po sa mga nagbabasa at mga nagcocomment. Sa susunod mag dededicate na talaga ako sa laging nagbabasa.

Gummy Worms with Ranz Kyle [Completed]Where stories live. Discover now