Part 50

3.3K 58 2
                                    

Chapter 10 part 5

--

Ranz POV

Nagising na lang ako na nandidito ako sa clinic. Napansin ko rin na may bandage ang kaliwang siko ko. Nang tumingin ako sa bandang kaliwa ko ay may napansin akong babae na nakahiga doon.

'' .. si Charlie talaga kahit kailan ..'' sabi ko sa habang papunta sa kanya.

Mukhang narinig ata ang hakbang ko, bigla kasi itong gumalaw. Pero nagkamali ako sa hinala ko...

'' . . Andrea? .. bakit ka andito? . di-di ba may pasok kayo ngayon? .. " nauutal na sabi ko sa kanya.

" bakit masama bang dumalaw sayo? .. nabalitaan ko lang kasi na Intrams dito kaya mas pinili ko ito kesa sa program sa school .. " sabi niya sakin at bigla na lang siya napatingin sa siko ko.

" .. nilagyan ko pala yan ng bandage.. may sugat kasi e .. " dagdag pa niya.

Tiningnan ko rin nman yung tinitingnan niya.

" .. sa-salamat pala dito .. medyo masakit nga nung gumising ako .. " sabi ko.

" .. tol, musta ka na? .. " sabi sakin ni Ully.

Nakapasok na pala sila sa clinic nang hindi nmin namamalayan ni Andrea.

" .. ayos nman ako .. ano nga palang balita.. sa laban .." sabi ko at napansin kong bigla silang natahimik.

" .. pahinga ka muna dyan tol .. wag mo munang isipin yun .. " sabi nman ni Owy.

Mukhang masama ang balita, halata nman sa itsura nila.

Te-teka si Charlie nga pala..

" .. maayos na tong siko ko kaya pwede na rin akong lumabas dito .. o ano? tara na? ... " pagmamadali ko sa kanila.

" .. sure ka bang ayos ka na?.." tanong nman sakin ni Andrea.

Tumingin lang ako sa kanya at ngumiti.

" .. ayos na ko.. salamat pala .. " sabi ko.

" .. kung ganon uuwi na rin ako.. baka hinahanap na rin ako dun eh ... " sabi niya habang nangingiti.

Lumabas na kami sa clinic pagkasabi ko nun. Nakarating din kami agad sa hallway dahil na rin sa kaunting tao na nakatambay dito.

" .. pre, may pupuntahan lang kami ni Owy.. maiwan na nmin kayo .." paalam ni Ully sakin.

" .. geh tol, kita na lang tayo mamaya sa tambayan ..." sabi ko nman.

Nag-nod na lang siya sakin at umalis na.

" .. sige Ranz, ako na lang ang lalabas .. kaya ko nman sarili ko .." sabi sakin ni Andrea.

" .. mas safe kung ihahatid kita .. ihahatid na lang kita bilang kabayaran ko na rin sa ginawa mo sakin kanina ..." seryosong sabi ko.

".. ah sige ikaw bahala .." sagot niya sakin.

Charlie's POV

" .. hayy salamat malapit na rin akong matapos sa orthographic na to, late na nman ako! ...." sabi ko habang nagddrawing sa ibabaw ng upuan.

Sa sobrang tahimik dito sa mini forest pati yung hiyawan sa gym rinig na rinig.

" .. ano ba yan?! .. pati ba nman paglilinya gumegewang pa ..." sigaw sakin nung nasa likuran ko.

Gummy Worms with Ranz Kyle [Completed]Where stories live. Discover now