Part 51

3.1K 44 1
                                    

Chapter 11 part 1

--

Charlie's POV

" .. Kenneth? .."

Bakit kaya siya andito?

" .. sorry kung di man lang ako nagtext na pupunta ako dito... Halfday lang kasi kami.. ka-kaya naisipan ko na dito na lang muna ako ..."

" . a-ayos lang... nagulat lang ako basta basta ka kasi sumusulpot e ...." sabi ko.

.

Umupo siya sa upuan na katabi ko.

" .. may sports ka bang sasalihan? .." tanong niya.

Sumagot nman ako agad ...

" ... ah-eh di ko kasi hilig ang sumali sa mga sports..." sabi ko.

" ... sumali ka kaya.. extra din yan.. nakakapagpadagdag din yan ng grade ...." sagot nman niya.

" .. wala nga akong alam .. saka nakakahiya kaya lalo na pag talo ... " dagdag ko.

" ... sadya nman may natatalo pagdating sa game .. te-teka marunong ka ba mag volleyball? ..". seryosong tanong niya sakin.

" .. marunong nman pero di ganun kagaling ..." sagot ko.

" .. marunong ka bang mag serve at sumambot? .. alam mo ba ang mga rules? ..." sunod sunod na tanong niya sakin.

" .. Oo nman .. pero itinigil ko lang ang paglalaro niyan.. "

" ... pwede kitang turuan para kahit papano may nagawa ka ngayong Intrams niyo ..." sabi niya.

Nakakahiya nman kung aangal pa ko diba? .. Siya na tong nagpresenta na turuan ako ..

" .. O sige ba .." nagagalak na sabi ko.

" .. Tara sa mini forest niyo .. ..." sabi niya sabay takbo papasok sa hallway.

Lumabas na kami ng room at pumunta sa mini forest. Kumuha na din ako ng bola sa Sportsroom.

Nang makarating na kami ...

" .. o ano? . tara na .. tamang tama may laro bukas ng volleyball, pwede kang sumali .. " yaya niya sakin habang pinapaikot ikot yung bola sa kamay niya.

Sinimulan na namin ang paglalaro este pagtuturo pala.

Ang pinaturo ko lang ay ang pagseserve. Nakita ko kasi na masyadong mataas yung net at mas malayo kaysa sa nakasanayan ko.

Pagkatapos ng ilang oras na pagseserve. Lumagpas na rin sa wakas yung bola sa net.

" .. Rest muna tayo.. . " yaya sakin ni Kenneth.

Nag nod nman agad ako dahil kahit ako pagod na rin.

Nang makarating na kami sa bench. Naalala ko bigla yung text sakin ni Ranz.

9am sharp .. ano bang oras na?

Agad kong tiningnan ang watch ko na nasa bulsa.

Patay! .. quarter to 10 na ..

" .. naku Kenneth.. pasensya na mukhang di na matutuloy yung pagtuturo mo sakin.. ... may pupuntahan pa pala ako, nawala sa isip ko .. pasensya na talaga.. pero maraming salamat talaga sa pagtuturo mo .. " nagmamadaling sabi ko.

" .. ayos lang, may hinahabol din nman akong oras e ..." sabi nman niya sakin habang inaayos ko ang gamit ko.

" .. tara na! ..." yaya ko.

Naglakad na kami papasok sa hallway at inihatid ko na siya sa gate ...

" .. galingan mo bukas ha? .." sabi niya.

Ngumiti lang ako sa sinabi niya at siya nman dumiretso na rin sa paglalakad. Nang tumalikod na siya, napahikab na lang ako sa sobrang pagod.

Masaya ang naging praktis nmin. Kahit na sobrang init dun sa place na yun, enjoy nman. Sasali pa ba ko bukas? .. Kung hindi nman ako sasali, parang nauwi lang sa wala yung lahat ng pinagpaguran ni Kenneth kanina.

Nakapagdesisyon na ako. Sasali na lang ako para sa grades ko.

Pumunta muna ako sa Sportsroom para magpalista. Nakita ko nman sa listahan ang pangalan ng mga kaibigan ko kaya mas lalo akong naengganyo sa pagsali.

Kailangan ko pa pala pumunta sa Library ..

===========================

to be continued ...

Gummy Worms with Ranz Kyle [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon