My Seatmate is a statue.

3.2K 54 2
                                    

Chapter 13 part 4

--

Ranz POV

Nag-iba talaga ang aura niya kahapon. Umorder lang ako tas pagbalik ko, isang posteng Charlie ang nadatnan ko.

Kanina ko pa di nararamdaman ang presence niya. Para talagang may mali sa nangyari kahapon, di kaya nahypnotize siya. Ano yun? Sumo?

Sabagay sanay na naman ako sa paiba iba nyang aura na parang every minute ibang Charlie ang makakaharap mo.

Oo nga pala katabi ko siya sa upuan, itanong ko na lang kaya. Di nman siguro ako susunggaban bigla nito diba?. Nakaka-awkward kasi sa sobrang tahimik niya. Di ako sanay ng ganyan siya. Saka kanina pa siya poste dito, baka matuluyan.Concern lang:)

Kinulbit ko na lang siya at agad nman siyang tumingin.

" ... Posteng poste ka na dyan.. gumalaw ka nman kahit isang minuto lang.. ." pabirong sabi ko sa kanya.

" .. makinig ka nga! nagtuturo ang teacher eh ..." sabi nito.

" .. para nmang nakikinig siya.. kanina ka pa dyan nastatwa sa upuan mo .." sabi ko.

" .. bahala ka nga dyan! puro ka bato, puro ka statwa .. wala ka ng sinabi kundi yan ..." inis na sabi niya sabay sipa nya sa paa ko.

" .. a-araay nman! .. naninipa agad ..." napataas nman ang paa ko sa sakit.

" .. talagang sinusubukan mo ko ha.. baka gusto mong mamatay yang mga kuko mo sa paa .." sabi niya at sinipa ako ulit.

Sipa sipaan lang kami dito hanggang sa masita kami ng teacher nmin.

" .. Ranz and Charlie, kung ayaw niyo makinig, makakalabas na kayo ..."

Patay! na-mention ang name nmin..

Nagsitinginan ang mga kaklase ko sa aming direksyon at nakita ko nman si Charlie na nakayuko lang.

--

Di ko napansin na nag-ring na ang bell dahil sa pakikipagsipaan ko sa kanya.

" .. ayan! dinumihan mo na medyas ko baka mamaya nakatapak ka pa ng kung ano dyan .." reklamo niya habang nagpapagpag ng medyas.

" .. Ikaw nman ang nanguna ah .. So kasalanan mo yan .." sabi ko sabay tawa.

". . talaga lang ha! . may araw ka rin sakin ...." galit na sabi niya sakin at nag walk out sa room.

Charlie's POV

Kainis! nakakainis talaga yang Ranz na yan .. Saksakan ng kaartehan at kapilyuhan. Ang smooth smooth lang nman ng pagsipa ko sa kanya tapos ang akin, talagang sinipa at tinapakan pa. Alam nman niyang expose na expose 'tong aking medyas, buti pa sa kanya, tago at nakaslocks nman.

Kapag di ako nakapagpigil, ipapalaba ko naman sa kanya 'tong medyas ko e.

Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko yung teacher na sumita samin kanina.

" .. Good Morning Ma'am .."

" .. Kayo ang maglilinis mamayang hapon bago mag-uwian ha .." sabi niya.

" .. but wh-- .." sasabihin ko sana pero bigla siyang sumingit.

" .. punishment yan and that's final..." sabi niya at umalis na siya sa harapan ko.

Kahit kailan talaga yung teacher na yun. Pinakaayoko yun eh, di ko kasi kaclose. Hindi nman kami maingay kanina, nagsisipaan lang nman kami tapos punishment agad. Agad agad? .. Baka siya ang sipain ko, joke! ;)

" .. Oy ranz! tayo daw maglilinis mamaya ah .." sabi ko habang sinisilip yung binabasa niya.

" .. anong tayo? .. ikaw lang noh! .." sagot nman niya.

Bigla kong inagaw ang binabasa niya... para magalit siya :)

" .. hoy ano ba! akin na yan.. a-ano ba.. pakielamera.." sabi niya habang inaagaw sakin ang K-Zone nya.

" .. magpatangkad ka muna hahaha:) .. " pang-asar ko sa kanya.

Mukhang naiinis na siya. Konting asar na lang, lalabas na ang sungay nyan.

" .. akin na kasi yan! para naman tong ewan e .. basta agaw ng agaw, hindi nman kanya..."

Inis na inis na talaga siya hahahha.. Konti na lang, mapupuno na siya.

Pero nagulat na lang ako ng umupo siya at hindi na nakipag agawan pa sakin.

" .. pikon! di mo ko kaya noh? .." sabi ko habang papalapit ako sa kanya.

" .. hindi ako pikon, hindi rin ako takot, hindi rin ako duwag... sadyang di lang ako lumalaban sa MAHIHINA at PAYAT na babae, baka isang pitik ko lang sayo, tulog ka na ..." sabi niya.

Grrrr. Nakakainis na talaga. Siya dapat ang maasar at di ako. Mahina? payat? .. e parang siya din yun ah .. Nakakainis talaga. Rawr!

At dahil sa inis ko sa kanya, ibinato ko sa kanya yung K-Zone niya!

»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»

to be continued ...

MynameisCha

Comments?

Gummy Worms with Ranz Kyle [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon