Part 49

3.2K 53 11
                                    

Chapter 10 part 4

--

Charlie's POV

Hindi pa rin kami nakakahabol sa score nila gayong bilang na bilang na lang bago matapos ang last quarter.

Halata na sa itsura ng mga players nmin ang salitang h-u-g-g-a-r-d.

One minute na lang ang natitira sa game. At buti na lang nakuha ni Cav ang bola, naishoot nya ito ng 3 points. Agad nman naghiyawan ang mga tao nang makascore ulit ang team nmin. Ramdam na ramdam na talaga ang tensyon dito pati ako kinakabahan na din.

Nakuha nman ni Ully ngayon ang bola at naishoot nya ito ng 3 points.

Hindi na talaga ako mapakali dito sa kinauupuan ko. Katulad ng iba pati ako napapatayo na rin sa kaba. Isa na lang ang lamang nila samin.

" ... last 10 seconds.." sabi nung announcer.

Hawak na ni Owy ang bola pero ipinasa niya ito kay Ranz. Tumakbo na si Ranz papunta sa kabilang court habang nag-didribble.

Ranz kaya mo yan !!

Nang malapit na sa ring, sabay silang tumalon ni Kamote.

Maya maya pa'y napansin ko na lang na bumagsak si Ranz sa sahig ng court ganun din si Kamote.

Ranz POV

" ... a..arraay! .." sabi ko habang iniinda ang sakit sa tagiliran at likuran.

FLASHBACK

Nang ishoo-shoot ko na ang bola bigla na lang ako may naramdamang parang suntok sa tagiliran ko kaya nabitawan ko ang bola. Di ko tuloy alam kung sino ang panalo.

At naramdaman ko na lang ang malamig na sahig na hinihigaan ko ngayon.

END OF FLASHBACK

Napapikit na lang ako sa sobrang pagod na para bang gusto ko ng mahaba habang pahinga.

Naramdaman ko na lang na may humawak sa akin at umakay patayo. Sobrang sakit talaga nang likod ko sa pagkakabagsak kaya hindi ko natingnan kung sino tong umaakay sakin ngayon. Pero siguro si Charlie to...

Charlie's POV

Kitang kita ko kanina ang pagbagsak nilang dalawa. Pagkabagsak, marami agad na tumulong kay Kamote. Pupuntahan ko sana si Ranz, pero may biglang dumating na babae na tumulong sa kanya at umakay palabas ng gym.

Nang nakita ko yun bigla na lang parang may tumusok dito sa dibdib ko? Di ko alam kung bakit ko agad naramdaman yun. Pero ... basta parang may iba e ...

Naglakad lakad na muna ako papunta sa mini forest. Para kasing nawala yung mood ko ngayon. Nang makarating na ko, umupo agad ako sa bench.

Hayy ano ba tong nararamdaman ko?

=============================

to be continued ...

Gummy Worms with Ranz Kyle [Completed]Where stories live. Discover now