Chapter 65

342 11 1
                                    


Chapter 65
Tammy's POV

Gumala lang kami ni Maw maghapon. Bakante naman kasi kami sa oras ngayon dahil bukas na gaganapin ang Bachelor's at Bachelorette's party naming dalawa.

"Heeey!! Ang tagal nyo naman!"  Tumatakbong lumapit samin si Reine habang naglalakad kami ngayon dito sa buhanginan.

Huminto sya sa harap namin saka napatingin sa kamay ni Maw na nakaikot sa baywang ko saka ngumiti ng nakakaloko.

"Bakit?"

"Eh dumating kanina yung wedding coordinator dala yung mga pagpipiliang bulaklak ng bride! Sabi ko umalis ka kaya babalik nalang sila bukas ng umaga."

Sayang naman! Gusto ko pa naman sanang ayusin yung mga kaylangan pang ayusin. Nakakaexcite kasing mamili ng mga plano para sa sarili mong kasal. Eh halos lahat naman na tapos na, konti nalang yung kulang!

"Magpahinga ka na agad, ha? Maaga pang pupunta yung mga coordinator bukas. Wag ka nang magpupuyat."

Napatingin nalang ako sakanya habang hawak nya yung magkabilang pisngi ko. Pinipigilan kong mapangiti dahil sa mga sinasabi nya.

"What are you smiling at, wife? Hindi ako nagbibiro. Go, sleep."  Natawa na talaga ako sakanya.

"Aalis ka na ba? Agad-agad?"  Napakagat nalang ako ng labi ko. Itinagilid nya yung ulo nya saka tumingin sakin.

"Are you trying to seduce me, wife? Ngayon pa lang, sinasabi ko na, tumatalab. Wag mo kong tutuksuhin kasi baka this time, hindi na talaga ako makapag-pigil."

Namula agad ako sa sinabi nya sa napasandal sa pinto ng kwarto ko. Napaiwas din ako ng tingin. Bukod kasi sa pagtawag nya sakin ng 'wife' ay gumagana na naman yung pagiging manyak nya!

"H-Hindi naman 'yon yung i-ibig kong sabihin! Gusto ko lang naman sana na makasama ka pa ng m-matagal!"

"Hmm, siguro ngayon mas mabuti munang ma-miss muna natin yung isa't-isa. Para sa honeymoon, alam mo na."

Napatingin ako agad sakanya ng sinabi nya yun.  "Bakit ba ang manyak manyak mo ngayon?!"  Saka ko sya hinampas. Ugh! Naiinitan ako! Siguradong pulang-pula na ako ngayon!!

Tumawa sya.  "I'm just so happy. Hindi na ako makapaghintay na palitan ang apelyedo mo. Ilang araw nalang, magiging Mrs. Tammy Lee ka na. Bagay na bagay."

Napanguso ako, oo nga. Ang sarap sarap siguro sa pakiramdam na maging pareho ng apelyedo ng taong pinakamamahal mo no? Parang lalo tuloy yata akong naexcite sa darating na kasal namin.

Kinaumagahan, maaga ngang dumating yung wedding coordinator at ang saya saya lang na mamili ng bulaklak! Inayos din namin yung mga invitations para sa kasal. Tinanong din sakin ni Maw kung gusto ko pa bang palitan yung mga napili nilang souvenir pero di ko na pinapalitan kasi nakuha naman nila yung gusto ko.

"Pwede bang wala nalang party?"

"Ha?"  Nilingon ko sya habang nakayakap pa rin sya sakin mula sa likod.

"Di ko kasi kayang isiping may ibang lalaking magpapa-pogi sa harap mo mamaya. The thought itself is already killing me."  Sabi nya ng nakanguso.

"Tss, eh sainyo din naman mamaya, may mga babae diba?"  Nakasimangot kong sagot. Ganun naman talaga pag ganung party diba? Yung may isang sexy'ng babaeng lalabas sa malaking cake? Tss.

"Kaya nga wala nalang dapat party. Tayo nalang dalawang mag celebrate."

"Ha? Pwede ba yon?!"  Natatawa kong tanong sakanya.

Napatili ako ng mahina ng nagbigay sya ng maliliit na halik sa leeg ko.  "Oo naman."  Ramdam na ramdam ko yung hininga nya sa leeg ko. Nakakakiliti!

Our Crazy Love Story [UNEDITED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt