Chapter 47

532 11 0
                                    

Chapter 47

Sunji's POV

"Ughhh ang init naman dito sa bahay nyo Shannen! Di na ba kayo sinusustentohan ni dad kaya wala kayong pandagdag aircon?!"

"Naiinitan ka ba sa dalawang aircon? Balat kalabaw ka talaga. Tss. Don't worry, I'll add 2 more if you like. Di kami naghihirap no. Shannon! Nasan na ba yung juice namin?!"

"E-eto na."  Finally! Ang bagal bagal kumilos nitong babaeng to! Nakakapag taka't errr- kapatid ko sya, though sa side lang ni dad kami magkakapatid, still, she's my good for nothing sister. Like duh right? -__-

"Dapat lang. Hindi ka pinaopera ni dad para lang maging inutil."  Sabi ko. I have all the rights na magyabang since kami ang legal family, sampid lang sila kumbaga. Sabit. Alanganing kahati ko sa pamana.

"Tatanawin kong utang na loob buong buhay ko ang paningin ko kay dadd-"

"Correction dear, sa daddy ko."

"Daddy rin naman namin sya Sunj--"

"Wala akong pake. It's my dad."  Bumuntong hininga sya.

"Osige, sa daddy mo."

"Lumayas ka na nga dito. We'll call you if we need anything."  Utos ko saka pa sya umalis. Naaalibadbaran ako sakanya. Tsk.

"You're being a little harsh sa kambal ko sis, kahit di ko tanggap na kambal ko yan, still kambal ko pa rin sya."

"Tss, sabihin mo you still have a heart for her dahil lang ginive up nya yung pangingin nya para sayo.

"Pwede bang tigilan mo ko? Anyway, bakit ba dito ka naghahasik ng kamalditahan mo ha?"

"Wala naman. Bored ako eh."  Humiga ako sa sofa nila, tsk. Hindi kasing lambot ng amin. Kalevel lang ng kama ng mga katulong namin sa bahay.

"Kung bored ka, dun ka manggulo kanila Xander at Tammy. Yun naman ang hobby mo eh."   I flashed a smile. Great idea.

"Oo nga no, akalain mo nga namang nag iisip ka rin? Pero diba triny mo naman na silang sirain dati? Bat ka huminto?"

"Simply because I can't. Sinubukan ko na pero matibay sila. Gumawa na ko ng eskandalo para masira sila pero wala eh? They're still together."

"Tsk, ang sabihin mo, mahina ka lang. Wala kang connections. You know, kahit ang matibay na pader ay nagigiba. Boba ka lang talaga. Let me."  Tumayo na ako at kinuha ang mamahalin kong bag.

"Saan ka pupunta?"

"Will visit my bestfriend."  I smiled then go.

Tammy's POV

"Aren't you happy to see me dear?"  Aba nagtanong pa?!

"Nagpapatawa ka ba? Yung mga kapatid mo lang na demonyita ang magiging masayang makita ka."

"Then I guess masaya ka nga."  Saka pa sya ngumisi. Tignan mo nga naman. Ang kapal talaga!

"Sorry, hindi mo ako kadugo. Ano bang masamang hangin ang nagdala sayo dito ha?!"

"Wait, hindi mo ba muna ako papaupuin at aalukin ng juice?"

"Nope. Ang pagaalok ng upuan ay para sa bisita lang at ang juice ay para sa mga tao lang. Bakit? Tao ka ba?"  Saka pa ako ngumiti, halata namang naiinis na sya. Hah! Take that!

"Well, balita ko kasi hindi ka na daw kinocontact ni Xander? Anyare? Natauhan na?"  Tumawa pa sya at umupo sa sofa. Sobrang kapal ng mukha.

"Ano bang alam mo ha? Umalis ka na nga dito kung wala kang magandang sasabihin. Hindi ko kaylangan ng askal dito aa bahay."

Our Crazy Love Story [UNEDITED]Where stories live. Discover now