Chapter 52

460 10 1
                                    

Chapter 52

Tammy's POV

November 24, 20xx

"Salamat sa pagpunta nyo sa pinakamahalagang okasyon sa buhay namin. Enjoy the party!"

"Kiss! Kiss!"  Then there was a sweet kiss. Bawat tingin nila sa isa't isa, mahahalata mong may something. May spark, may saya, may love. Nakakatuwa dahil natutunan nilang mahalin ang isa't isa kahit sa maikling panahon lang. At ayan, parehas silang masaya.

"Buti nalang talaga at handa ako. Oh."  Tinignan ko yung inabot nya. Inirapan ko lang sya pero kinuha ko pa rin.

"Umiiyak ka ba kasi ex lover mo sya? O ex lover ng ex lover mo yung lover ng ex lover mo?"  Huminto ako sa pagpupunas ng mata at hinampas sya. Napaka nonsense nya no? Wag nyo nang intindihin.

"Hindi kita sinama dito para mambwisit ha."

"Hoy excuse me. Hindi mo ako sinama dito, ininvite nila ako. Buti pa yung mga kaybigan mo, mababait sakin. Ikaw konti nalang parang isusuka mo na ako eh!"  And there he goes with his pout again. Lalaki ba talaga to? Daig pa ako eh.

Inilapag ko yung panyo sa mesa. Hindi naman sa umiyak, naluha lang talaga ako kanina. Sa saya para kanila Rissa at Ian na parehong masaya ngayong kasal nila. At hindi ko na itatanggi, kahit gaano ako kasaya para sakanila, di ko rin mapigilang mainggit. Lalo pa noong... Hay tumigil ka na Tammy.

"Paano ka kasi makakalimot kung pilit mong inaalala?"  Napatingin ako sakanya. Ayan na naman yung cool side nya. Nakasandal sya sa upuan nya habang nainom ng wine at nakatingin sa dalawa na masayang kumakausap ng mga bisita.

"Sabihin mo nga sakin GD, hindi ka ba naiinggit?"  He chuckled. Hindi ko rin minsan makuha tong si GD eh. Para bang wala syang pakialam sa nakaraan nya. Parang walang nangyari.

"Why would I? Ikakasal rin naman ako. Nadelay nga lang."  Saka pa sya tumawa ulit. Tinitigan ko sya sa mata pero iniwas nya rin agad at uminom. I knew it.

"Alam mo, noong una naniniwala ako dito. Nabago nga lang nang makilala kita."  Tumawa sya at halatang naamazed sa sinabi ko. Minsan talaga gusto kong bawiin ang nga sinasabi ko sakanya eh.

"Ano yun?"  Inirapan ko sya nang makitang excited sa sasabihin ko. Hindi naman big deal. Akala nya naman -__-

"Na pinakamahirap itago ay yung pain. Pero nung nakilala kita, unang inisip ko na ikaw yung taong walang problema pero hindi pala. Magaling kang magtago ng nararamdaman pero ngayon hindi ka nagtagumpay. Halata oh."  Umiwas sya ng tingin. See?

"What will I get from trapping myself on the past? A broken heart? I need to keep on looking forward Tammy, and so are you. Ilang ulit ko ba dapat isaksak dyan sa isip mo na walang mabuting idudulot yung pagiging tali mo sa nakaraan mo? Step up. Move on Tammy. Pasayahin mo naman yung sarili mo."  Seryoso syang nakatingin sakin, this time ako naman ang umiwas. Napayuko ako.

"Sorry."  That was all I managed to say. Alam kong tama sya at ayokong ipagtulakan yung side ko na alam ko namang mali. Pero hindi naman madaling makalimot diba? Hindi naman madaling tanggalin yung sakit? It takes long damn time to heal!

Hinawakan nya yung mukha ko at iniharap sakanya. Pinunasan nya yung magkabilang pisngi ko at ngumiti.

"Sa pagkakaalam ko kasal itong pinuntahan natin. Dapat masaya tayong lahat. Hindi bagay yang pag eemo mo sa okasyon oh! I'm sorry okay? Hindi ko sinasadya. Don't worry, kung hindi mo pa kayang pasayahin yung sarili mo ngayon, ako ang gagawa. Ako ang magpapasaya sayo. Ako ang happy virus mo diba?"

Tumango ako at niyakap sya. He patted my head. Napangiti nalang ako. Kung dati nagsisisi ako na nakilala ko tong makulit na nilalang na to, ngayon hindi ko na halos maimagine kung ano nalang siguro ako kung hindi ko sya nakilala. Sa maiksi palang na panahon ng pagiging magkaybigan namin, pakiramdam ko matagal at matalik ko na syang kaybigan. Kahit hindi ako showy, I treasure him a lot. Though he annoys the hell out of me, he makes sure na at the end of the day, masaya ako. He is my happy virus. Sya yung tipo ng virus na masarap makahawa.

Our Crazy Love Story [UNEDITED]Where stories live. Discover now