Chapter 58

495 14 2
                                    

Chapter 58

Tammy's POV

"H-Ha?!"  Tanong ko ulit na hindi makapaniwala. Hindi naman talaga ako makapaniwala sa sinabi nya!!

"Marry me."  Woah. Napahawak nalang ako sa ulo ko saka umiling. Totoo ba tong sinasabi nya?! Bakit naman biglaan?!!

"N-Nagbibiro ka ba? Wag ka ngang magbiro ng ganyan Xand-"

"I'm dead serious here Tammy. Marry me."  Huminto sya saglit.  "Will you...Will you marry me?"  Napatingin nalang ako sakanya na seryoso rin namang nakatitig lang sakin. Nagmistula lang kaming naglalaban ng titigan hanggang sa ako na mismo ang sumuko.

"No."  Sabi ko saka tumingin sa ibang direksyon. Saglit na katihimikan. Hindi sya nagsasalita kaya napatingin na ako ulit sakanya. Nagulat ako kasi kitang kita ko yung kalungkutan sa mga mata nya.

"I mean....I will marry you pero hindi muna ngayon dahil marami pang problemang dapat ayusi--"  Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng umiling sya bigla.

"I get it. Bakit pa nga ba ako nag aabala pang magtanong? Eh nihindi mo nga ako kayang paniwalaan. Hindi mo ako kayang pagkatiwalaan. Why is it so hard for you to believe that I'll fight for you? That we'll go through this together. Alam mo Tammy, mahal kita. Mahal na mahal kita, pero minsan ang hirap nang maging paulit ulit. Mahirap na araw araw kong harapin na hindi naman ako kayang pagkatiwalaan ng taong mahal ko."  A-Ano bang sinasabi nya?! Tatalikod na sana sya ng hawakan ko yung kamay nya.

"Xander, hindi naman sa ganun. May tiwala ako sayo. Pero....Hindi ngayon yung tamang oras. Hindi pa maayos ang lahat."

"Napapagod na ako. Pero hindi naman ibig sabihin nun ay susuko na ako. I've waited so long to have you back in my life. But I think I need a rest. Lahat naman siguro ng napapagod kaylangan ng pahinga diba? Tao rin ako Tammy. Bukod sayo, kaylangan ko rin namang iconsider yung makakabuti pati sa sarili ko."

Para akong nabagsakan ng mabigat na bagay ng sinabi nya yun ng hindi manlang ako nililingon. Naglakad na sya pabalik sa sasakyan nya kaya wala akong nagawa kundi bitawan yung kamay nya. Alam ko namang hindi nya ako kayang iwan mag-isa dito pero pumasok pa rin yung sa isip ko, dahil yata sa sistema nya ngayon. Pero hindi naman nya ako iniwan at tahimik na inihatid pauwi.

"Sweetie, hindi ka pa ba kakain? Kanina ka pa nandyan sa kwarto mo. Labas labas din pag may time anak ha?"  Napatingin ako sa pinto pero binalik ko rin yung tingin ko sa kisame ng kwarto ko.

"Hindi pa po ako gutom, mmy."

"Sigurado ka ba? Hapon na anak, nihindi ka nag almusal kanina. Please naman, kumain ka na muna."  Patuloy syang kumatok sa pinto. Tumagilid nalang ako, patalikod sa pinto saka niyakap yung unan ko.

"Bababa nalang po ako pag nagutom ako mommy."  Saglit na tumahimik sa labas pero nag salita pa ulit sya.  "S-Sige. Bumaba ka ha? Magluluto ako ng mga paborito mo."  Saka ko na narinig yung pagbaba nya.

Wala akong gana. Wala akong ganang bumangon ng kama ko. Wala akong ganang lumabas ng kwarto ko. Wala akong ganang kumain. Wala akong ganang humarap sa magulang ko. Wala akong ganang sagutin yung mga itatanong ni mommy kung bakit ako nagkakaganito dahil mas mawawalan lang ako ng gana lalo.

Napabuntong hininga nalang ako saka inabot yung cellphone ko. Wala pa ring text o tawag. Nisabihan nya lang ako na buhay pa sya ngayon at himihinga ng maayos, wala. Dalawang linggo nang lumipas pero wala manlang syang paramdam sakin. Two.Freaking.Weeks. Walang text, walang tawag, walang kahit ano.

"Marry me."

"Will you...Will you marry me?"

Paulit ulit na nagpla-play sa utak ko. Hindi ko rin alam kung bakit ba parang ayoko, ayoko lang muna ngayon. Gusto kong sa oras na ikakasal kami, maayos na ang lahat. Dahil hindi ko kaya yung panghuhusga ng mga tao. Hindi ko kayang makita yung anak nila ni Sunji na umiiyak dahil may kasamang ibang babae yung tatay nya. Ayoko, hindi kaya ng konsensya ko.

Our Crazy Love Story [UNEDITED]Where stories live. Discover now