Chapter 53

437 14 2
                                    

Chapter 53

Tammy's POV

Nov. 28, 20xx

From: Gwapong GD ;)

Miss mo lang ako agad eh. Aminin mo na, miss na rin naman kita Tams hahaha Ü

To: Gwapong GD ;)

Instead of bothering me, magtrabaho ka ng matino dyan. Tsk.

From: Gwapong GD ;)

Awww. Pati ba naman sa text nirereject mo ako? Hurt hurt </3 Nandito na si monster. See you tomorrow keke? Muah muah chup chup! XOXO

Napairap nalang ako sa text nya, as if nakikita nya. Tsk, ang kapal no? Sya nag pangalan nyang contact nya. Baliw talaga yun.

Gumulong ako sa kama. Boring. Boring. Boring. Iniscan ko yung phone ko, tsk. Puro convo lang namin ni GD. Pictures, nah. Di pa ako kumukuha ng bagong pictures ngayon, ewan ko ba eh may pagkaselfie lord rin naman ako ng slight pero wala lang talaga akong gana ngayon.

Ang boring talaga! Sila mommy kasi ang nag aasikaso ng restaurant ngayon, si GD naman dahil sa laging pagbuntot sakin, ayun natambakan ng trabaho at di nakalusot sa 'Monster' kuno nyang ama. Wala tuloy akong kasama ngayon, pero bilib ako sakanya ha, nagagawa pa nyang manggulo kahit nagtatrabaho sya. Infairness.

Anyway, binuksan ko nalang ang tv and wow. Kung kaylan naman gusto kong ipahinga ang utak ko, eto pa bumungad sakin.

'Ms. Aerielle, alam nyo po ba kung ano ang nangyayari kay Xander ngayon? Kung bakit hindi sya lumalabas sa media? Kung bakit after ng movie, photo shoots at balita tungkol sakanila ni Sunji ay hindi sya nagsalita tungkol dito?'  Tanong ng reporter.

'I personally tried to talk to him several times already pero hindi ko talaga sya macontact, minsan hindi lang talaga nasagot. He won't even face me pag pumupunta ako sakanila. Ang ending, mag sosorry sa akin ang magulang nya at hindi ko talaga sya makakausap. Since lumabas ang issue, naging ganyan na sya. I have the idea kung bakit ba sya nagkakaganun but it's not my story to tell and I think I don't have the rights na magsalita at pangunahan sya tungkol dito.'

'May connection po ba kayo ni Sunji? Ok po ba silang dalawa ni Xander? Nakausap nyo na po ba sya?'

'Honestly, no. And wala rin akong balak na kausapin sya. It's just that, nagsisimula na akong magsisi na pinabayaan kong mangyari to. Na lumala ito na wala manlang akong nagawa. Yes, they clicked. But for me, hindi sila pwede in real life. Fans or she may hate me for this but this is my own thoughts and opinion. At para sakin hindi talaga.'

'Kung ganoon ay paano na yung balitang may nangyari di umano sakanila? Nagbunga ba kaya parehas silang hindi naharap sa media?  And what about Xander's non-showbiz girlfriend? Wala na po ba sila?'

'Sorry, pero ako mismong manager ni Xander ay walang makuhang balita sakanya, and tulad nga ng sinabi ko, this is not my story to tell. This is not about me kaya wala akong masasabi sa ngayon. Hintayin nalang natin na sya na mismo ang magsalita. Salamat sa inyo. That's it for now.'

Tumayo na sya at umalis sa harap ng media kahit patuloy pa nilang isinisigaw yung mga tanong nila. Matagal tagal rin at ngayon lang nagsalita si Ae, hindi ko alam kung maaawa ba ako sakanya dahil knowing her, sobrang stressed out nya siguro ngayon. Napabuntong hininga nalang ako at pinatay ang tv. Tapos na at wala na rin naman akong gana pang manuod.

Matutulog nalang sana ako nang tumunog yung phone ko. May text.

From: Ae

Busy? Can I talk to you?

Our Crazy Love Story [UNEDITED]Место, где живут истории. Откройте их для себя