Chapter 54

444 14 2
                                    


Chapter 54
Tammy's POV

Dec. 05, 20xx

"Bored?"

"Nah, tired."

"Magpahinga ka muna."  Aangal pa sana ako ng isinandal nya ang ulo ko sa balikat nya. Pinikit ko muna yung mga mata ko, ngayon ko lang naramdaman yung pagod simula kaninang umaga.

"May kuto ka oh-Aray! Joke lang! Tsk."  Sinamaan ko sya ng tingin at umayos ng upo.

Umalis muna ako ng bumalik si Reine sa table namin para may kasama si GD. Nakipag batian ako sa mga kamag anak kong bagong dating na bumati sakin. 21st Birthday ko kasi ngayon at sarado ang restaurant para dito kami mag celebrate. More on kamag anak lang naman at close friends ang nandito kaya simpleng celebration lang. Ayoko kasi ng masyadong magara, hassle.

Nahinto ako ng makita ko kung sino yung kasama nila mommy, hindi ko nalang namalayan na may nakayakap na pala sakin.

"Tammy!

"Uhhh....T-Tita."

"Kamusta ka na? I missed you!"  Sabi nya na nakahawak pa sa magkabila kong pisngi at inabot sakin yung regalo nila.

"Ok lang Tita, thank you."  Naiilang na ngumiti ako sakanya.

"Happy Birthday Tammy."

"Thank you Tito."

Napatingin ako sa tabi nya. Parang naputol ang paghinga ko noong ngumiti sya sa akin. Biglang bumilis yung tibok ng puso, parang lalabas nalang sya sa dibdib ko anytime.

"Happy birthday."  Sabi nya ng nakangiti. Dalawang salita lang pero para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa mismong kinatatayuan ko. Bakit ba ganito?

"T-Thank you."  Agad akong nag iwas ng tingin. Nahihiya ako dahil mukhang awkward pa rin ako samantalang sya, parang wala lang. Sabagay, magkakapamilya na sya diba? Siguro nga wala nalang yun sakanya.

"Anak, isama mo na muna si Xander sa table nyo may gagawin lang kami saglit. Ok lang naman diba?"  Nag panic ako bigla sa sinabi ni mommy at sa tingin nila sakin na tila naghihintay ng sagot. Tumingin ako kay daddy pero tumango lang sya at ngumiti kaya tumango nalang ako.

Nauna na akong maglakad habang nasunod sya sakin. Masaya ako dahil finally, ok na rin sila. Pero bakit naman kaylangan nilang iwan sya sakin?

Napansin ko agad yung pagkagulat at pagtataka ni GD kung bakit kasama ko sya pero pinandilatan ko lang sya ng mata kaya umayos sya at umaktong cool na naman na parang wala lang.

Tumayo sya ng makalapit kami.  "GD."  Sabi nya at naglahad ng kamay.  "Xander."  Saka sila nag shake hands.

"Sorry last time, sana naman naiintindihan mo kung bakit ko nagawa yun. Lalaki ka rin."

"Yeah, I understand."  Kung pag usapan nila yun parang wala ako dito ha? Tss. Umupo nalang ako at nilabas yung cellphone ko dahil sa kakaibang awkward atmosphere na nararamdaman ko.

Hindi naman na sila nag usap dalawa. Ugh, naiinis ako sa ganitong paligid. Buti nalang at biglang nag ring yung cellphone ni GD kaya napatingin kami sakanya. Nagpaalam sya samin na sasagutin nya iyon, mali pala. Dahil naiwan kaming dalawa dito. Mas awkward.

"Kamusta?"  Muntik ko ng mabitawan yung cellphone ko ng nagsalita sya.

"O-Ok lang."  Ugh, Tammy! Magpakanatural ka!! Tumango lang sya at ngumiti. Katahimikan ulit.

"Uhh...Kayo ni G-"

"Tammy I need to go."  Napatingin ako kay GD, at kay Xander na tumingin nalang sa mga tao.

Our Crazy Love Story [UNEDITED]Where stories live. Discover now