Epilogue 1

395 15 0
                                    


Epilogue 1

Mabilis pang sumunod ang mga araw, hindi ko na nga namalayan na pag gising ko isang araw, kasal ko na pala.

"Aww, parang kaylan lang, ako pa yung inaayusan ng ganyan. Ngayon, ikaw na. Ang bilis nga naman talaga ng panahon, bubuo na ng sariling pamilya ang nag-iisang baby namin."

Ngumiti ako kay mommy sa salamin at hinawakan yung kamay nyang nakayakap sakin. Humarap ako sakanya.  "Mommy, kahit naman magkaroon na ako ng sarili kong pamilya, ako pa rin naman yung baby nyo ni daddy. Hindi ko naman kayo iiwan."

Niyakap ko si mommy habang napatulo na rin yung luha ko kasabay nya.

"Tita! Mamaya na! Masisira yung make-up ni ate Tammy!"  Naghiwalay kaming dalawa at nagtawanan sa sinabi ni Reine.  "Si mommy kasi eh! Ang drama drama!"

Nagkwentuhan kami saglit habang patuloy akong inaayusan. Panay ang hawak ko sa magkabila kong kamay dahil nanlalamig ako. Hindi ko alam kung ano ba talaga 'tong nararamdaman ko. Saya? Takot? Kaba? Excitement? O halo-halo!

"1,2,3. Beautiful."  Pinasilip sakin 'nung photographer yung kuha nya sakin, kinukuhanan rin kasi ako ng pictures mula preparations para sa album ng kasal. Kaya kanina pa panay ang ngiti ko. Kahit naman hindi ako gaanong sanay sa pag-ngiti sa camera ay nadadala ako ng sayang nararamdaman ko. Sobra ko kasing saya na hindi ko na kakaylanganing mag-effort pang ngumiti.

Napangiti ako ng harapin ko yung wedding gown ko na nakatayo sa glass window ng kwarto ko. Ang ganda ganda nito plus the effects ng sinag ng araw at magandang dagat sa background nito. Ang ganda ganda nyang tignan.

Dahan-dahan kong pinadaan yung kamay ko sa tela. Naiiyak talaga ako. Talagang susuotin ko na 'to ngayong araw! Eto na yung pinangarap kong wedding gown! Yung pinangarap kong moment! Wala na talagang urungan 'to. Pagtapos ng araw na 'to, hindi nalang ako si Tammy Fortalejo na ang unang iniisip ay ang sarili ko sunod ang pamilya ko, dahil madadagdagan na ang prayoridad ko sa buhay. Magkakaroon na ako ng asawa at di magtatagal ay makakabuo ng sarili kong pamilya.

Huminga ako ng malalim at nagsimula nang magbihis sa tulong nila mommy.

-

"Eto na talaga 'yon, sweetie."  Nilingon ko si mommy at agad na nanlabo yung paningin ko ng nakita kong umiiyak na naman sya pero nakangiti sa akin.

"I just can't believe na eto, ikakasal ka na. Ang bilis bilis naman! Bakit ganun?! Pero sobrang masaya ako para sayo, baby. Sa tagal nyong magkasama ni Xander ay finally mag se-settle down na kayo. We're so proud that we've raised a daughter like you. I'm so happy to see my baby turn into a real woman. Mahal na mahal kita, sweetie. Kahit na mag-aasawa ka na, wag mong kalimutan na nandito lang kami ng daddy mo para sayo, ha? We love you so much!"

Hindi ko na napigilan yung sarili ko at niyakap ng mahigpit si mommy habang patuloy na naiyak. Buti nalang pala talaga maganda yung make-up na ginamit sakin kaya kahit na umiyak ako ay hindi naman ako magmumukhang zombie'ng naligaw sa simbahan mamaya!!

"I love you too, mommy! Mahal na mahal ko kayo ni daddy! I will always be your baby kahit pa pumuti na lahat ng buhok ko."

Natigil lang yung dramahan namin ni mommy ng may kumatok sa bintana ng sasakyan. Binaba ko yung bintana at sumalubong agad yung mukha ni daddy.

"Ano pa bang ginagawa ng dalawang babae ng buhay ko dito? What's taking you so long? Lourrie, pakawalan mo na yung anak natin. Hinihintay na sya ng mga tao sa loob."  Natawa nalang ako sa sinabi ni daddy habang pinupunasan nya yung luha sa mata ko.

Nagtinginan kami ni mommy saka kami lumabas. Agad namang nag ngitian yung mga bisita dito sa labas ng simbahan at umalalay sila Reine sa gown ko.

"You remind me of your mom years ago. Ganyang ganyan din sya kaganda ng ihatid sya ng lolo mo sa akin sa harap ng altar."

Our Crazy Love Story [UNEDITED]Where stories live. Discover now