Chapter 62

440 12 1
                                    


Chapter 62
Tammy's POV

"I'm really sorry. Nadala lang talaga ako ng inggit. I'm really really sorry Tammy, Xander."

"Nalaman lahat ni Sunji iyon. Tinakot nya ako na sasabihin nya sainyo ang lahat kapag inilaglag ko sya kaya ako na ang nagsabi sainyo, gusto ko na rin kasi talagang humingi ng tawad."

Hindi pa rin ako makapagsalita. Patuloy lang ang pag-iyak nya sa harapan namin ni Maw. Ayaw pa rin mag sink in sa utak ko lahat ng sinabi nya, lahat ng inamin nya.

"Bakit mo yun ginawa?" Malamig na tanong ni Maw sakanya. Seryosong seryoso sya at kitang kita sa mukha nya na may galit sya.

"Dahil sa mga nangyari noon. Dahil sa paghihirap ko na magbago para lang mapansin mo ako, pero pinagtulakan mo ako palayo. May mahal ka na palang iba, at si Tammy pa. Inggit na inggit ako, Xander. Mula noon, hanggang ngayon. Inggit na inggit ako dahil masaya kayo, naiinggit ako dahil ako, hindi. Bakit ako maraming kaylangang pagdaan para makuha yung gusto ko? But in the end, wala pa ring nangyayari. Hindi pa rin ako masaya."

Napatingin ako kay Maw na tahimik pa rin, saka sa kamay ko na kanina pa nanginginig. Napatingin ako ulit sakanya, nakayukom yung kamao nya.

"Hindi mo alam kung anong problema ang dinulot sakin noon, Shannen. Hindi mo alam kung gaano kahirap ko 'yon inayos."

"I'm really sorry Xander, nagpakain ako sa galit at inggit ko. Sana patawarin nyo ako."

Hinawakan ko yung nanginginig nang kamao ni Maw habang nakayukom pa rin. Tumingin sya sakin.

"Hindi ko alam kung anong magagawa ko sayo kung sakali lang na may nangyaring masama kay Tammy noon. I might forget who you are. Ayos lang sana kung ako lang yung naapektuhan eh, pero hindi. You put Tammy's life in danger, damn it!"

"Maw, tama na! Nakaraan na yun! Wala namang masamang nangyari sakin diba? Napigilan mo yun bago pa man mangyari--"

"Paano kung hindi?! Paano kung di ako dumating noon?! What should have happened to you?!"

"Tapos na yun Maw!! Kalimutan nalang natin!!"

"Paanong kalimutan?! Muntik ka nang mapahamak ng dahil doon!!"

"Pero hindi naman diba? Nandito pa naman ako ngayon, nasa tabi mo. Ang gusto ko nalang ngayon ay kalimutan yung mga nangyari dati, please Maw." Tumingin lang sya sakin, saglit kaming nagtinginan saka sya huminga ng malalim.

Tumingin ako kay Shannen na iyak pa rin ng iyak. Hinawakan ko naman yung isa nyang kamay.

"Shannen, I'm sorry sa lahat ng sakit na naidulot ko pala sayo. Sorry kung lahat ng pinaghirapan mo, nauwi lang sa wala ng dahil sa akin. Hindi ko alam, sorry."

Hindi ko alam kung bakit ba ako humihingi ng tawad. Ang alam ko lang, ito yung tama. Isa pa, nasasaktan ako para sakanya. Nagawa nya lang lahat ng iyon dahil sa sakit na nararamdaman nya. Kung tutuusin nga, hinila lang naman ako ni Xander para magpanggap na girlfriend nya para tigilan sya ni Shannen. Kung hindi rin naman siguro dahil sakanya, hindi sana kami ganito ni Maw ngayon.

"Wala ka namang kaylangang ihingi ng tawad Tammy eh. Nagtataka nga ako kung bakit ko nagawa sainyo yun, wala naman kayong ginawang masama sakin, kahit mula pagkabata."

"Pasensya na sa inasal ko. Hindi ko lang kasi talaga alam na magagawa mo 'yon sa amin. Muntik nang mapahamak si Tammy noon, kaya siguro ganito nalang ako mag react. Sana naman naiintindihan mo."

"Naiintindihan ko Xander. Kasalanan ko naman talaga eh. Kaya nga gusto kong tumulong sainyo. Mapagbayaran ko manlang lahat ng kasalanan ko sainyo."

Our Crazy Love Story [UNEDITED]Where stories live. Discover now