Chapter 60

378 9 0
                                    


Chapter 60
Tammy's POV

"Panget, you okay? You know you can back out anytime. Just tell me. I won't push you. I don't want you to be under pressure."

Nilingon ko sya, ngumiti sya sakin habang patuloy sa pagpisil ng palad ko. Kanina pa nya hawak yung kamay ko and at least, nabawasan ng konting konti yung kaba ko.

"Hiyang hiya naman yung freezer sa lamig ng kamay mo."  Nginitian ko nalang sya. Alam kong pinapagaan nya lang yung loob ko at thankful ako na hindi nya ako iniwan kahit sandali kundi baka bumulagta na ako sa kaba dito.

"Sweetie, sigurado ka na ba dito?"  Napatingin ako kay mommy saka ako tumango.

"Just tell them the truth okay? I love you sweetheart."  Niyakap ko si daddy. Alam ko naman na mahal nila ako eh. At sobra sobra talagang pasasalamat ko na nandito silang lahat para sakin. Sumusuporta.

"Ugh, Mr. Lee, mag iistart na daw po tayo in five minutes."  Sabi nung staff saka umalis. Nagkatinginan kami ni Imaw. Shet, eto na talaga yun. Wala nang urungan.

Hininga ko na lahat ng hangin dito sa likod. Uminom na rin ako ng maraming tubig. Sino bang nagsabing matagal ang five minutes? Parang tatlong sigundo pa nga lang ang lumipas pero eto, papunta na kami sa harap ng press.

"You're shaking like crazy, Tammy. Kaya mo ba talaga?"

Tumango ako.  "Nandito na tayo eh. Ngayon pa ba ako uurong?"

"Don't worry. Nandito lang ako sa tabi mo, okay? Hindi kita iiwan, ha?"  Nginitian ko nalang sya saka nya ako marahang hinalikan sa noo.  "I love you."

"I love you too."  Ngumiti sya sakin saka kami naglakad papunta sa harap.

Kakalabas pa lang namin, ayan na agad yung pagkuha ng mga litrato ng press, rinig rin agad yung mga bulung-bulungan nila.

"Everything's gonna be alright."  Bulong nya sakin saka kami umupo.

"Good afternoon Xander and Ms. Tammy Fortalejo. Maraming salamat po dahil finally, tinanggap nyo na po yung matagal naming invitation sainyo."  Napatingin ako kay Xander, ibig sabihin matagal na syang kinukulit para sa interview?

"Salamat rin dahil sa agad nyong pagpunta."  Sagot naman ni Imaw.

"Ms. Tammy Fortalejo, it's nice to finally meet you."  Tumingin sakin yung parang pinaka-host saka ngumiti. Lalo tuloy akong kinabahan.

Napatingin ako kay Imaw kasi pinisil nya ulit yung kamay ko. Ngumiti sya kaya ngumiti rin ako.

"Good afternoon."  Yun lang ang nasagot ko sakanya saka ngumiti.

"So, pwede na ba nating simulan?"  Tumango lang kami sakanya.

May mga sinabi pa sya pero dahil sa sobrang kaba ko, hindi ko na masyadong naintindihan. Namalayan ko nalang na nagtataasan na ng kamay yung press. Nagtawag yung host.

"Totoo po ba na naghiwalay kayo noong kumalat yung balita na pagkikita ni Xander at Sunji sa bar? At yun po ba yung dahilan?"

Unang tanong pa lang sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Tumingin lang sakin si Xander na parang tinatanong kung sya ba ang sasagot. Dahil nga sa sobrang kaba ko, tumango nalang ako sakanya.

"Yes. It's true. We broke up after that kind of news. Just like an ordinary couple, syempre nasaktan sya sa nangyari. Hindi ko naman talaga sinasadya yun. Actually, we had a little misunderstanding at nag away kami kaya ako uminom noon. Nagkataon na nandoon din pala si Sunji. I was really drunk. And everything was a blur that time. I didn't know what I was doing."   Tumango lang yung reporter tapos nag notes saka umupo.

Our Crazy Love Story [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon