Chapter 55

445 11 4
                                    

Chapter 55

Tammy's POV

Dec. 16, 20xx

"Ma'am okay na po ang lahat."

"Sige. Thank you po."  Ngumiti ako saka sya lumabas.

Nilapitan ko yung iba, busy ang lahat para sa first ever 'break'? HAHAHA, ng restaurant. Kinuha kasi ito sa isang movie, the best thing? Malaki ang part ng restaurant na to sa story ng mga bida. Ayon sa plot na nabasa ko, dito sila unang nagkakilala, madalas magkita, magdate and so on. Kaya malaki ang exposure ng resto. Taray! Yun lang kasi ang nabasa ko dahil masyado akong naexcite pumirma ng kontrata. Hahaha.

So inayusan na to since last week, konti lang naman ang binago pero syempre they had to change it's name at maglagay ng signage at kung ano pa para magmukhang iba ang resto na to kaya medyo matagal din ang preparation. Sobrang saya ko, syempre pati ng family ko. Sayang nga lang dahil wala sila mommy ngayon, out of town for 2 weeks. Hindi lang naman dahil sa bayad na matatanggap namin kaya kami masaya, pero syempre diba, wow! Maeexpose sa palabas ang restaurant namin! Ang saya lang!

Nakatayo lang ako dito habang tinititigan kung paano nila mas napaganda ang resto. I just hope na sana nandito si GD ngayon. Hindi ko na kasi sya gaanong nakakasama since noong birthday nya. Family thing I guess? Well, speaking of him, nagtext naman sya sakin kanina, congratulating me dahil ngayon ang first day ng taping at dadaan sya mamaya.

Napatingin ako sa mga artistang inaayusan ngayon. Ang ganda ganda ni Nicole Smith! Ang puti, tangkad, basta ang ganda ganda nya! Nagulat ako ng nakita nya ako sa salamin na nakatingin sakanya. Ngumiti sya sa akin at lumapit! Ghadd!

"H-Hi miss Nicole."  Tumawa sya, maski tawa alam mong sosyal eh! Mukha syang anghel! Nakakahiya!

"Drop the miss! Nicole nalang, ano ka ba."  Saka sya tumawa ulit. Ngumiti nalang ako, nahihiya pa rin ako sakanya. Sikat na artista ba naman kaharap mo, di ka mahihiya?   "Tammy right?"  Tumango ako.

"So you're the owner? Wow, parang ang bata mo pa. Anyway, it's so nice meeting you. Para naman may kausap akong iba. You know, lagi nalang sila yung nakakausap ko and ang tagal ng leading man ko! I easily get bored kaya ganito."  Natawa naman ako, wow ang daldal nya.

"Oo nga no? Hindi ko pa sya nakikita. Boyfriend mo ba?"

Natawa sya bigla.  "No. Hahaha."

"Pag ganyan kasi, yang love team na yan, nagiging totoo nalang pagtapos ng project. Yiiie."  Namula naman sya bigla. Hahaha! Ang cute!

"Hindi no. Haha. We knew each other pero ngayon lang kami magkakatrabaho. And besides, I heard that he still has his love issues. Kaya there's a big 'Back off' sign blocking my way."  Napailing nalang ako. Sa ganda ni Nicole, may lalaki pa kayang tatanggi sakanya?

"Sa ganda mong yan, baka mainlove sayo yun! Pag nagkataon, ako ang magshiship ng love team nyo!"  Tumawa sya.

"I don't think so. You'll never know unless love hit you. Kahit gaano pa kaganda yang babaeng maghubad sa harap nya, basta mahal nya yung girlfriend nya, he'll easily dump that bitch then run back to his girl. That's how love should work."  napangiti nalang ako ng mapait sakanya at napatango. Naalala ko lang kasi sya, oo nga. Kung mahal nya talaga ako, hindi sana nya nabuntis si Sunji. Hindi sana kami nagkaganito.

"Hey, Tammy. You okay? May nasabi ba akong mali?"  Nagulat ako at napatingin sakanya. Mukha syang nag aalala.

Umiling ako.  "Ha? Oo naman. Tama ka! Kung mahal talaga ng lalaki ang girlfriend nya, hindi sya magpapalandi sa iba!"  Tumawa sya.

"Right! Parang may pinagdadaanan lang ha?--"

"Finally! What took you so long? Ugh, nevermind! Halika na't maayusan ka na ng makapagsimula na tayo."  Napatingin kami ng marinig namin si direct Lauren na magsalita. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko kung sino yung kinausap nya. Pero ang mas nagpagulat sakin ay nakatingin sya sakin, saka lang sya umiwas ng tingin at dumiretso sa make up artist.

Our Crazy Love Story [UNEDITED]Where stories live. Discover now