Chapter 64

395 10 4
                                    


Chapter 64
Tammy's POV

"Seryoso?!!"  Itinagilid nya yung ulo nya saka tumitig sakin.  "Mukha ba akong nagbibiro?"

Nanahimik ako saglit at hinihintay lang na tumawa sya at sabihing joke lang pero hindi naman nya ginawa! Teka! Wag nyang sabihing seryoso talaga sya?!!

"Nget, maayos na ang lahat."  Ako naman ang tumitig sakanya. Paanong maayos? At anong lahat?!

"Wait, pino-process ko pa. So, nag propose ka ngayon...tapos ngayong gabi lang din agad ang bridal shower?!"  Naghy-hysterical na ako pero sya, ayun! Tumawa lang!

"Like I've said, maayos na ang lahat Nget. Bago ko pa man makuha yung sagot mo, naayos na lahat ng preparations."

Saglit akong napanganga sa sinabi nya. Niloloko lang ba nya ako o seryoso sya?!

"Bakit?! Nakasigurado ka bang sasagot ako ng oo sa proposal mo kaya inayos mo na lahat?! Paano yung mga gusto ko?! Paano kung hindi ako nag oo?!"  Naiinis kong tanong pero tumawa lang ulit sya!!  "Wag mo nga akong tawanan! Sagutin mo ko!"

Para na akong nag ta-tantrums na bata dito na kahit pa nakatingin pa rin silang lahat sa amin ay wala akong pakialam. Pero sya, natawa pa rin at umakbay lang sa akin.  "Oo, alam ko namang papayag kang magpakasal sakin eh, alam ko namang mahal na mahal mo ako."  Napasimangot nalang ako sa patuloy nyang pagtawa.  "At yung tungkol sa mga gusto mo, ipapaliwanag nalang ni Reine ang lahat sayo."

Napatingin ako sakanya ng nagtataka, anong ipapaliwanag ni Reine?

Magtatanong pa lang sana ako ng may humawak sa braso ko.  "Ate Tammy! Tara na! Nako, kanina ka pa hinihintay ng mga gifts namin!"  Hindi na ako nakaangal dahil hinila na nya ako palayo kay Maw na nakangiti lang na kumaway sakin! Pasaway talaga!

"Ate, oh."  Tinitigan ko lang yung inaabot sa akin ni Reine.  "Reine, alam mong hindi ako nainom."

Sumimangot naman sya agad.  "Ate naman! Hindi ka na bata! Isa pa, cocktail lang naman 'to."

"Kahit pa. Ayoko."

"Nako ate, sige na! Kung ito pa lang ayaw mo na, paano pa sa bachelorettes party mo?"  Kumunot yung noo ko sa sinabi nya.  "Bachelorettes party? Meron na agad?! Baka naman magulat nalang ako na bukas, kasal ko na pala, ha?"  Bigla kong naalala yung simbahan, teka! Diba sabi nya doon kami magpapakasal...at may kasalan doon bukas. Wag nyang sabihing.....

"Aysus, agad agad?! Excited lang? The day after tomorrow pa naman yung party then next week, kasalan na!!"

Nanlaki yung mata ko sa sinabi nya!  "ANO?! NEXT WEEK NA ANG KASAL?!"  Kung pwede lang sanang literal na malaglag yung panga ko, nangyari na ng tumango sya habang iniinom yung hawak nya.

Napailing ako.  "Nagbibiro ka lang naman diba?"  Saka ko pinilit na tumawa pero umupo lang sya sa harap ko at hinawakan yung isa kong kamay na tingin ko ay nagpapawis na dahil sa kaba at gulat sa mga nalalaman ko ngayon, eww.

"Ate Tammy, alam mo bang ang swerte swerte mo kay kuya Xander?"  Natigilan ako.  "Sige na, gwapo sya, mabait, yummy and all! Given na 'yon! Alam ko namang lumalaki na naman yang ulo mo dahil proud na proud ka sakanya!"  Saka pa nya saka ako inirapan, natawa nalang ako. Alam ko naman 'yon, maliit na bagay.

"So, ayun nga. Alam mo ba...di mo pa alam pero ipapaalam ko na...okay, ang corny ko."  Sabi nya saka na naman umirap. Di ko na napigilan at tumawa ng malakas.  "Sabihin mo na!"

"So as I was saying, ang swerte swerte mo kay kuya Xander. Matagal na nya kaming kinausap pati na rin syempre sila tita at tito sa plano nya. Humingi pa nga sya ng tulong samin. Tungkol sa proposal, sa kasal. Lahat 'yon inayos na nya. Kaya kung nagtatampo ka at hindi ka nakapag contribute sa preparations sa kasal, nagkakamali ka!"

Our Crazy Love Story [UNEDITED]Where stories live. Discover now