Epilogue 2

351 13 0
                                    


Epilogue 2
Xander

"Pero babe--" Hindi na ako tuluyang nakapasok dahil nabalibagan na ako agad ng pinto. What's new? Pag tinatawag syang babe, nagagalit dahil di daw yun ang tawagan namin, pag tinatawag namang panget, nagagalit kasi ang pangit na daw ba sya para tawagin ko syang ganun? Hay.

"Mommy doesn't want to see you again po, daddy?" Huminga ako ng malalim saka humarap.

"Yep, mommy doesn't want to see daddy's handsome face again."

"Pero why po?" Para akong nakatingin sa salamin habang tinititigan ang anak kong nakakunot ang noo ngayon. Umupo ako kalebel nya.

"Because your baby sister is inside mommy's tummy pa kaya ganun."

Lalong kumunot ang noo nya. "Is she like that too when I was still in her tummy?" Tumango ako na lalong nakapagpasimangot sakanya.

"I hope baby will come out soon, I don't want mommy to be always mad at you."

Napangiti nalang ako at ginulo yung buhok ni RV saka sya kinarga. Lagi nya talagang napapagaan yung mood ko.

"She will, very soon. Pero ngayon, we need to go downstairs na. Ihahatid pa natin si kuya RK mo." Saka lang nagliwanag yung mukha nya ng banggitin ko iyon.

"We'll send him to school, daddy?!" Masaya nyang tanong, tumango naman ako habang pababa na kami ng hagdan.

"Am I going to school na rin po?!"

"Not yet, baby ka pa." Sumimangot na naman sya.

"I'm a big boy na po kaya, daddy! Look!" Saka nya ipinakita sa akin yung tatlo nyang daliri.

"Little boy ka pa lang kaya. 3 ka pa lang eh."

"I'm turning 4, soon."

"Talaga? When?" Natatawa kong tanong sa anak ko.

"Tomorrow!"

"You told me yesterday that you're turning 4 na today. Then you're telling me that again now. Di naman nagbago eh. Maliit ka pa rin." Inilagay ko sya sa high chair nya.

"Eh kasi po di nyo po ako pinalaki eh!" Natawa nalang talaga ako saka ko inilapag sa harap nya yung pagkain nya.

"Where's mom?"

Napalingon ako sa panganay kong si RK, Rajan Kyle samantalang si RV naman ay Rodjun Van. Malayo ang ugali ng dalawa kong anak. Kung si RV ay bibo at madaldal, yun naman ang kinatahimik at seryoso ng kuya nya. I'm already starting to think na malakas nga ang dugo ko sa mga anak namin, bukod kasi sa kamukhang kamukha ko silang dalawa ay somehow, kaugali ko rin. Lalo na si RK. I wonder how my baby girl will be like.

"Nagkukulong na naman sa kwarto." Tumango lang sya saka kami nagsimulang kumain.

Ganito kami halos araw-araw. Swerte nalang kung good mood si Tammy at makakasabay naming kumain. She's always in a bad mood lalo na ngayon kabuwanan na nya. Siguro kaya rin batang version ko ang mga anak namin ay dahil sa lagi syang bwisit sa akin. She never change. Ang akala ko ganun lang pag unang pagbubuntis pero hindi pala, well siguro sya.

"Be good."

Tumango lang sya sakin saka nagpaalam. Dumaan muna kami ng restaurant bago umuwi. Hindi naman kasi ako pwedeng magtagal lalo na't pwede nang manganak si Tammy anytime.

"Daddy, daddy! Look po oh!" Isinarado ko yung laptop ko saka humarap kay RV.

"This is kuya!" Saka nya itinuro yung drawing nya.

"Bakit ganyan? Nakasimangot?" Natatawa kong tanong.

"Kuya doesn't smile, daddy!" Natawa ako ulit. 'Tong anak kong 'to talaga.

Our Crazy Love Story [UNEDITED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora