Chapter 50

589 14 1
                                    

Chapter 50

Tammy's POV

See you later panget ko :* I love you so much <3

Pinigil kong maiyak. Ano pa bang ikamamalas ng lovelife ko? Tsk. Di pa natatapos yung problema pero eto na naman. Meron na naman. Nag ayos na ako at pumunta ng condo nya. Oo, sa condo na sya tumitira ngayon.

"Panget ko. Miss na miss na kita agad."  Salubong nya sakin, hinalikan nya ako. Hindi ko maintindihan uung nararamdaman ko ngayon.

"May kaylangan kang malaman."  Sabi ko pag upo namin. Di ko na kayang patagalin to.

"Ano yun?"

"Buntis si Sunji."  Hindi sya nagsalita.

"Ano ba Xander?! Sabi ko buntis si Sunji!"  Hindi pa rin sya nagsasalita, nakayuko lang sya habang nakapatong yung dalawa nyang kamay sa ulo nya. Ayoko ng ganito. Ayoko ng wala syang sinasabi!!

"Pakiramdam ko walang nangyari samin Tammy. Wala! Kaya hindi pwedeng mangyari yun!"  Inilabas ko yung pregnancy kit na binigay ni Sunji at pinakita sakanya.

"Eto, binigay nya sakin to. Alam mo ba kung gaano kasakit? Kung gaano nakakabastos ha Xander?!"

"Tammy please maniwala ka naman sakin. Wala talaga akong matandaan. Ang huli ko lang naaalala eh pumasok kami ng kwarto. Yun lang! Inaayos ko na to. Lilinisin ko ang pangalan ko sa mga tao. Sayo. Sa pamilya mo. Maghintay ka lang please."

"Eto na nga eh. Eto na yung resulta. Wala ka nang kaylangang linisin Xander."  Napasabunot sya sa buhok nya.

"Just let me fix this!"  Nakakainis! Sya pa ba nagagalit ngayon?! Ako halos mabaliw na dito oh!

"Sorry. Magtiwala ka naman kasi muna sakin. Please."  Napailing nalang ako.

"Wala nang patutunguhan to."  Saka na ako naglakad palayo.

---

"Hi miss."  Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko. Ugh? Di ko nalang pinansin.

"Sa tingin ko kaylangan mo to."

"Meron ako."  Pinakita ko yung hawak kong panyo.

"Mas kaylangan mo siguro ng kaybigan."  Umupo sya sa tabi ko. Geez. Sino ba tong lalaking to?

"Anong problema?"  Hindi ko nalang sya pinansin. Ang kulit rin ng taong to no? Kita nang nag eemote yung tao bigla nalang eepal sa tabi. Nakakaasar lalo.

"Huy?"  Umupo sya sa harap ko habang nakatilt yung ulo.

"Ikaw? Anong problema mo?"  Bigla naman syang tumawa. May nakakatawa ba sa tanong ko? Mukhang wala naman, kung sipain ko kaya to nang may nakita akong nakakatawa? Shet -__-

"Mukhang mas malaki yung problema mo sakin kuya."  Problema sa utak. Tumayo na ako at iiwan ko na sana sya nang magsalita pa sya ulit.

"Alam mo ang ganda mo, ang sungit mo nga lang."

Napapikit nalang ako. Ano bang meron sa buhay ko ngayon? Parang nung kaylan maayos ang lahat. Ngayon naman sabay sabay na nasisira. Ang dami ba naman kasing epal na idinadagdag sa kwento ng buhay ko. Hindi ba pwedeng ikasal nalang kami ni Xander at magkaroon ng sariling pamilya? Edi happily ever after diba? Nakakainis.

"Nagsasabi ako ng totoo!"  Sa inis ko, nilingon ko sya. Nakataas ang kanang kamay nya at mukhang inosenteng nakatingin sakin. Para syang bata! Nakakaasar!

"Wala akong pake."  Sabi ko saka ko sya iniwan.

---

"Thank you Ma'am! Ingat po!"  Nginitian ko nalang sila at bumalik sa pag aayos ng gamit ko.

Our Crazy Love Story [UNEDITED]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα