Chapter 56

724 17 1
                                    

A/N: Isang malaking SORRY sa sobrang tagal na update. Nawalan kasi ng net at hindi ako makapag update sa net through Smartbro kasi sa tab ko nakalagay ang draft at dahil nga sa walang wifi, hindi ko sya masave para malagay sa watty. Nawala kasi yung una kong draft kaya inulit ko LAHAT! Dalawang chapters na mahaba yung nawala!! Sana makabawi ako. Thank you sa patience sa mga mala-ilang taon ko bago mag update. Busy rin kasi ako sa school guys. Longest update so far. So, enjoy! XOXO.

Chapter 56

Tammy's POV

May kumikiliti sa leeg ko, ugh. Tinatamad pa ako bumangon, feeling ko ang bigat bigat ng eyelids ko at ayaw nilang magsibukas, dahil na rin siguro sa pag iyak.

Itutuloy ko nalang sana ang tulog ko ng nagpatuloy yung something na kumikiliti sa leeg ko. Pinilit ko nalang magmulat ng mata. Nanlalabo pa yung paningin ko, ng medyo umayos na--Shet!! Hindi ito ang kwarto ko!!

Hindi ko alam kung dahil ba sa kakagising ko lang kaya bangag pa ako at ngayon ko lang narealize na may kamay na nakayakap sakin! Hirap akong lumingon at nakita ang isang Xander na mahimbing na natutulog habang nakabaon yung mukha nya sa leeg ko. Nanlaki ang mata ko. Shet, hindi ko pa nakikita ng buo yung mukha nya pero alam na alam kong sya to. At isa pang shet!! Bakit kami magkasama?! At nasaan kami?!!

"Aaaaaaaahhhhhhhh!!"

"What the fu--Anong meron?!"

"Ikaw! Ikaw ang meron! Bakit ka nandito?!"

"Ugh, kasi rest house namin to?"

"I-I mean, bakit ako nandito?!"

"Kasi wala ka doon?"

"Ughh!"  Napasabunot nalang ako ng buhok ko saka tumayo ng kama. Kinuha ko yung bag ko sa gilid at lumabas ng kwarto. Wala nang suklay suklay! Kahit magmukha na akong bruha sa labas!

"Tammy! Hoy san ka ba pupunta?"

"Uuwi na!"  Sigaw ko pero napatigil ako at lumingon sakanya ng hindi ko na maramdaman yung pagsunod nya. Nakapamaywang sya sakin at nakangisi.

"Alam mo ba umuwi?"

"E-Edi magpapatulong ako sa mga tao sa labas"  Matapang kong sagot sakanya. Hindi pa rin nya inaalis yung ngisi nya saka umiling at mahinang tumawa. Tsk!

Lumabas ako ng kung saang bahay man ito. Napahinto ako ng makalabas ako. A-Ang ganda...May malawak na parang bakuran na maraming magagandang bulaklak at halaman. Bumaba ako, nakakakiliti sa paa yung sementong bato na malalapad pero mabababang hagdan. Pero tila napako talaga yung tingin ko sa magandang tanawin na nasa harapan ko ngayon. Pag baba ng hagdan, pakiramamdam ko lumulubog ako sa maputi at pinong buhangin sa bawat hakbang ko. Lumapit pa ako ng maramdaman ko nalang sa paa ko yung maligamgam na tubig dala ng alon sa dagat.

"Ang ganda."  Bulong ko ulit sa sarili ko. Napaka peaceful ng paligid, yung alon lang ang maririnig mo. Breathtaking view.

"I knew you'd like it."  Nagulat ako sa boses sa likod ko. Para akong nagising sa panandaliang magandang panaginip. Humarap ako sakanya, nakangiti sya sakin.

"Well?"  Napapikit nalang ako at umiling. Mukhang hindi pa pala ako nagigising sa magandang panaginip ko, kasi nandito sya ngayon sa harap ko, nakangiti sa akin. Totoo ba to?

Huminga ako ng malalim.  "Paano ba ako napunta dito Xander? Hindi mo ba alam na kidnapping tong ginagawa mo?!"

"Kid ka pa ba?"  Nilagay pa nya yung kamay nya sa baba nya na parang nag iisip, nakakainis diba!

"Tulong! Nawawala po ako!"  Naglakad lakad ako at tumingin sakanya, mukha syang nagpipigil ng tawa. Sinamaan ko lang sya ng tingin at naglakad pa ulit. Bakit ba mukhang walang katao tao tong lugar na to?!

Our Crazy Love Story [UNEDITED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt