Chapter 49

532 12 6
                                    

Chapter 49

Tammy's POV

Halos isang buwan, isang buwan ng pagkukulong sa bahay. Pagkukulong sa kwarto. Nihindi na ako nakakapag trabaho. Hindi nakakakain ng maayos. Walang maayos at kumpletong tulog. Hindi nila ako gaanong makausap. Gigising, iiyak, minsan kakain minsan hindi, maliligo, magkukulong, iiyak, kakain, iiyak ng iiyak hanggang sa makatulog. Ganyan lang ako araw-araw. Daig ko pa namatayan. Maski ako siguro maaawa na sa sarili ko.

"Sweety, kakain na. Bumaba ka na ha? Please naman anak, wag mo naman gawin sa sarili mo yan. We'll wait for you."  Sabi ni mommy sa pinto, ganyan araw-araw. Naghihintay sila ng halos kalahating oras para lang sakin. Maski magulang ko naaawa na yata sakin. Para silang may anak na wala.

"Gusto mo bang mag shopping tayo mamaya Tammy? Namimiss ko na rin kasi ang amoy ng mall haaay. Libre ko lahat. Game?"  Masayang tanong ni mommy, ganyan lang naman sya para macheer up manlang ako. Isa pa, simula nung insidente sa bahay nila Xan- tita Saab eh di na sila gaanong nagkikita at nag uusap. Pati friendship nila nadamay nang dahil lang sa akin.

"Dito nalang ako mommy."

"Please?"  Hinawakan nya pa yung kamay ko, haay. Si daddy naman tahimik lang na nakain. Nginitian ko nalang sya. Siguro naman kaylangan ko rin ng hangin mula sa labas ngayon? Pati ng init ng araw, ang putla ko na yata.

---

"Wooo! Grabe namiss ko to! Itong maraming paperbags, lamig at amoy ng mall pati na rin yung mga saleslady na akala mo naman magaganda! Hahaha! Siguro kung nandito lang si Saab mas maram--"  Napatingin ako kay mommy nang matigil sya, nabanggit na naman kasi nya si tita. Siguro miss na miss na nya si tita at ganun din si tita Saab.

"Sorry mommy."  Ngumiti lang sya at niyakap ako.

"Ano ka ba, magkakaayos din tayong lahat. Isa pa, ikaw ang pinaka mahalaga para sakin. Mas di ko kakayanin kung mawalan ako ng anak kaya wag na wag kang magiisip na magpakamatay ha!! Mamaya kakaemote mo makita ka nalang namin na nakabitin sa kwarto mo!!"

"Mommy naman! Hindi no!"  Nagtawanan lang kaming dalawa hanggang sa nagpaalam muna syang mag cr.

"Teka, diba sya yung girlfriend ni Xander?"

"Eh ex na yata eh? Di na yata sila!"

"Buti nga sakanya! Maldita kasi! Tinulak si Sunji eh wala naman ginagawa sakanya yung tao."

"Di naman sila bagay."

"Diba yun yung girlfriend ni Xander?"

"Anong ginagawa nya dito! Wala na kaya sila ni Xander?"

"Gaga! Hiwalay na sila ni Xander!"

"Sinong nakipag hiwalay?"

"Aba ewan."

"Teka! Tanungin natin!"

Our Crazy Love Story [UNEDITED]Where stories live. Discover now